Chapter 16- WAY #9 (Confession)

94 3 0
                                    

Chapter 16- Way #9 (Confession)

****K I N A B U K A S A N****

"Kai may balak ka bang pumunta ulit dun?"

Mula sa pagsusulat ay napatigil ako sa pagtanong niya sakin niyan.

Agad ko siyang tinignan at saka sumagot.

"Gusto mong sumama?" mahinahong tanong ko na ikinangiti naman niya.

"Pwede ba?"

"Psh.. Bakit naman hindi?" sabi ko at saka nagpatuloy sa pagsusulat.

Nasa garden kami ngayon at kumukopya ako ng mga notes ni Charlene kanina kasi di ako nakakopya. Tinatamad ako eh ~_~

At oo, si tanga lang ang kasama ko. Ayaw sumama nung anim kaya kaming dalawa lang nandito. Ayos lang naman sakin kasi wala naman akong paki. Komportable na din naman ako kasama ang tangang to atsaka kahit naman ayaw kong isama to, sasama at sasama pa din yan. Psh. Kilala niyo naman ugali niyang tangang yan.

"Kelan tayo pupunta?"

"Mamaya magdadala ako ng bulaklak" sagot ko saka kumuha ng highlighter sa bag ko.

"Sige, magdadala na din ako para naman magustuhan ako ni PAPA" sabi niya dahilan para samaan ko siya ng tingin.

"Anong Papa? Sipa gusto mo?"

"Bakit? Magigi ko naman na siyang Papa ah" sabay taas baba ng kilay niya

Agad kong kinuha yung di na gamit na papel at binato sakanya.

"Tanga! Sino namang nagsabi sayo huh?!" inis na sabi ko at saka siya inirapan.

"Wala.. Walang nagsabi pero nararamdaman ko" nakangiting sabi niya sabay hawak sa dibdib niya. Tss.

"Para kang tanga. Magtigil ka dyan!"

Nagpatuloy na lang ako ulit sa pagsulat at di na pinansin ang mga pinagsasabi ng tangang yan. Tss. Kung sa mga kaibigan ko kaya kong pigilan ang katarayan ko, pagdating naman sa taong to mukhang di ko kayang gawin yun. Masyadong mayabang eh. Tss.

Nanahimik naman siya at mayamaya rin ay natapos na ako.. Inayos ko na yung gamit ko at saka tinignan siya. Nakaear phone siya at nakapatong ang dalawa niyang kamay sa lamesa at dun naman nakapatong din ang ulo niya. Mukhang natutulog siya. Psh. Antukin.

"Uy!" paggising ko sakanya at saka inalog siya sa bandang balikat niya.

Di naman siya nagising kaya binaba ko muna ang bag ko at inalog ulit siya gamit ang dalawa kong kamay.

"Uy tanga! Gumising ka nga!" medyo na iinis na sabi ko pero di man lang ata tinablahan

"Lecheng tao to" bulong ko at saka tinignan ang wrist watch ko.

12: 30 pa lang naman.

Umupo na lang ako ulit pero dun na ako sa tabi niya.. Malawak pa naman ang bakante sa gilid niya at saka gigisingin ko tong mokong na to.. Ano siya siniswerte at talagang tutulugan niya lang ako?! Tss. Asa siya.

"Gigising ka dyan tanga o sisipain na lang kita para magising ka?" pagbabanta ko sakanya pero di naman siya nagising kaya hinampas ko siya sa balikat at nagbabakasakaling magigising siya pero gaya kanina ay wala pa ding epekto. Pinagtitripan ba ako ng taong to?!

"Isa talaga, sisipain na kita!" nang gigigil na sabi ko sakanya

"Tch. Bwisit!" naisambit ko na lang ng di pa din siya nagising. Inirapan ko siya at saka inis na tinignan siya.

'Gwapo din pala ang tangang to?' naisip ko nung makita ko ang kabuuan ng mukha niya.

Matangos ang ilong niya at ang kinis ng mukha. Tss. Mukhang babae.

Having a Damn Stupid Suitor (10 Ways How To Get a Perfect Yes) COMPLETED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon