Chapter 18- WAY #9 (First time to have this Feeling)

90 3 0
                                    

Chapter 18- Way #9 (First time to have this feeling)

****K I N A B U K A S A N****

Matapos ang araw na yun ay di ko na maiwasang mapangiti. Di ko kasi mapigilan na matuwa para sa sarili ko.. Unang beses ko tong naramdaman kaya naman natutuwa ako na isipin yun. Sabi nga ni Mama blooming daw ako.. Nung una ay nagtaka ako kung anong 'blooming' sinasabi niya pero na pa 'ahh' na lang ako nung malaman ko na yun pala yung dating ng isang taong inlove. Psh. Ganun na ba ako kaobvious at pati si Mama nahalata? Pero syempre sinabi ko kay Mama yung totoo na may gusto na ako kay tanga at ano pa nga ba? edi masayang masaya siya kasi buti naman daw at narealize ko na.

Ngayon nga nandito kami sa may sementeryo. Kasama ko si Mama sa pagpunta ko dito at dinalhan namin si Papa ng bulaklak.. Alam na kasi ni Mama na pumunta na ako dito at yung nangyari nung pagpunta namin dito ni tanga. Syempre natuwa siya sa ginawa ko at dahil sa natuwa nga siya, ayan nagkwekwento kay Papa tungkol sakin.

"Alam mo ba Pa dalaga na tong anak natin" nakangiting sabi niya at saka ako niyakap sa bewang.

"May natitipuhan ng lalaki ang batang to.. Pero wag kang mag aalala kasi kilala ko naman yung lalaki. Mabait naman yun at saka... gwapo. Hihi" kinikilig na sabi niya

"Ma para kang sira" inis na sabi ko sakanya na di naman niya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkwento.

"Masaya ako para sakanya Pa kasi kitang kita ko na masaya siya sa lalaking yun at nakakasiguro akong tapat naman sa anak natin yung lalaki. Sana lang ay wag siyang saktan nun at talagang hahabulin ko siya ng sundang. Haha.." sabi niya sabay tawa at punas sa luha niyang nangingilid na. Napangiti na lang ako at nanahimik sa tabi ni Mama.

"Kung nandito ka sana Pa edi ikaw sana ang hahabol sa lalaking yun ng sundang. Bat ba kasi ang tanga mo at nasagasaan ka? Tanga tanga ka!"

Napailing na lang ako sa sinabi ni Mama. Di ko alam kung naiinis ba siya o nalukungkot sa pagkawala ni Papa.. Parang tanga kung kausapin si Papa eh. Tss.

Tuluyan na napaiyak si Mama kaya naman niyakap ko din siya sa bewang.. Nangingilid na din ang luha ko pero pinipigilan ko lang kasi ayaw ko ng umiyak. Tama na namugto ang mga mata ko nung pumunta ako dito..

Ilang minuto pang tinitigan ni Mama ang lapida ni Papa bago siya magyayang umalis.Di na daw kasi niya kaya.

Nauna na siyang lumabas ng sementeryo at ako naman ay nag paiwan. Kinausap ko lang saglit si Papa at kwinento ko na din yung nangyayari sakin pati yung pagkakagusto ko kay Tanga. Oo, ganun ako kaproud sa nararamdaman ko at halos lahat na ata ay nakakaalam pwera kay tanga. Tss. Bahala siyang umalam sa nararamdaman ko noh.

Mayamaya naman ay nakaramdam ako ng pagpatak ng ulan kaya dali dali akong nagpaalam na

"Una na po kami Pa" pagpapaalam ko at hinaplos ko muna ang lapida niya bago ako tuluyang sumunod kay Mama na nauna ng lumabas sa akin.

Naabutan ko siya na nasa may waiting shed at naghihintay ng taxi. Tumabi ako sakanya at agad naman niya akong tinignan. Nginitian niya ako at saka niyakap sa bewang.

"Masaya ako para sayo anak" nakangiting sabi niya. Nginitian ko na lang din siya at saka tumingin na dun sa harap. Naiilang rin naman kasi ako pag yan ang usapan.

"Buti na lang talaga at siya ang nagustuhan mo.. Mabuti siyang impluwensya sayo kaya sana sagutin mo na" may bahid ng panunuksong sabi niya

"Tss. Ewan ko sayo Ma" sabi ko na lang habang umiiling iling

"Bakit? Wala ka bang balak sagutin yun?"

Tinignan ko siya at kunot noong nagtanong..

"Alam mo Ma yung ibang nanay kapag nalaman nilang may manliligaw ang anak nila nagagalit. Eh bat kayo tuwang tuwa pa? Nanay ko ba talaga kayo?" nagtatakang tanong ko

Having a Damn Stupid Suitor (10 Ways How To Get a Perfect Yes) COMPLETED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon