Chapter 20- FINAL WAYS (Way 9 and 10)

164 8 0
                                    

Chapter 20- FINAL WAYS (Way 9 and 10)

****AFTER 1 WEEK****

"Sure ba kayo dito?" tanong ko sa anim na nasa tabi ko ngayon. Inakbayan ako ni Charlene saka nakangiting nagsalita.

"Dont worry girl, nakaplano lahat ng to. Di tayo papalpak sigurado ako *wink*"

"Tss. Para naman kasing tanga tong plano niyo" inis na sabi ko

"Tch. Mukhang tanga pa ba to? Sa effort naming ginawa mukha pa ring tanga? Matapos naming pag aksayahan ng panahon parang tanga pa rin sayo?!" sabi sakin ni Charlene na tinuturo pa ang sarili. Napairap na lang ako at saka nagpangalumbaba.

"Bahala kayo.. Tss" sabi ko na lang at nanahimik na.

Tss. Di talaga ako kumbinsido sa plano ng mga baliw na to eh. May na fifeel kasi akong papalpak to. At oo, ngayon na namin gagawin yung 'planong' naisip nila at mahigit isang linggo din namin tong pinagplanuhan. Actually sila lang pala ang nagplano. Sila ang nakaisip nito at sila din ang nagsuggest ng venue at ang napili nila ay sa Mall. Tss. Wala na bang maisip ang walang kwentang author na to kundi sa mall na lang lagi? Parang tanga. Tss.

And ano ang plano namin? Simple lang naman pero kaylangan talaga ng preparation at kasama sa plano namin na wag pansinin si tanga. Oo, di ko siya pinansin ng mga isang linggo ata? Ewan, basta yun nga. Tapos kaya kami nandito sa mall kasi dito daw mas maganda gawin lahat ng yun. Mas madaming tao, mas masaya daw. Tss.. Wag lang talaga ako mapahiya dito. Psh.

Tapos kasama din sa plano namin na kapag nakausap ko na si tanga mamaya, dapat inisin ko siya kasi sabi nila kapag nagalit daw ang isang tao, dun daw mas maganda malaman kung ano ang nararamdaman niya at yun ang hinahanap ko. Àng gusto ko lang naman mangyari sa planong to ay masagot ang tanong ko. Anong tanong? Yung ikasiyam, kasi nga diba naguguluhan ako kaya naman ganto ang plinano nila pero kung ako ang tatanungin niyo ay di ako kumbinsido sa planong to. Basta... bahala na. Tignan niyo na lang kung anong gagawin ko, yun na yun. Nakakatamad magkwento eh. ~_~

"Ano Mitch, nagreply na?" narinig kong tanong ni Althea kay Mitchel. Napatingin naman ako sa gawi nila at nakita ko na walang tigil sa kakapindot si Mitchel sa cellphone niya.

Tss. Sabi ko na talaga eh.. Wala talagang mapupuntahan to. Nag aaksaya lang kami ng oras.

"Di sinasagot ang tawag ko eh" natatarantang sabi ni Mitchel

"Pinapatawag ko ba sayo? Diba sabi ko itext mo?!" inis na sabi ni Althea kay Mitchel na agad naman napasinghal.

"Edi ikaw ang magtext! Makautos ka! Tch." sabi niya at saka nagdial na naman. Napabelat na lang si Althea at saka tumingin sakin ng nakangiti. Psh.

"Dadating na yun.. Natraffic lang siguro, Hehe"

Inirapan ko siya at saka tumingin kay Charlene na tuwang tuwa sa pagkalikot ng cellphone ko. Tss.

"Papalpak lang tayo dito, uwi na tayo" sabi ko sakanya. Napatingin naman siya sakin pero agad ding ibinalik ang tingin sa cellphone ko.

"Maghintay ka nga! Dadating na din yun... Hihihi.. Ang cute!!" at saka ngumiti sa cellphone ko..Tss. Parang tanga.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan yung tinitignan niya.

Nakita ko na mga pictures ko pala yung tinitigan niya. Tss.

"Pakilamera ka talaga!" inis na sabi ko at saka ibinulsa yun..Napanguso naman siya at saka tumingin dun sa iba.

"Wala pa rin?" tanong niya kila Althea.

"May nakikita ka ba?" pang babara niya

Napairap na lang ako ulit sa inasal nila. Mga wala talagang magawa sa buhay to kundi mag asaran. Tss..

Having a Damn Stupid Suitor (10 Ways How To Get a Perfect Yes) COMPLETED!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon