Papansin (TTL)

247 5 1
                                    

Isa ako akong Technician sa isang Manufacturing Factory sa probinsya ng Cavite. Mag-aapat na buwan na ako sa aking trabaho at ayos naman kasi sanay na rin ako sa trabaho pangatlong trabaho ko na to simula nung tumigil ako sa pag-aaral.

Ikukwento ko sa inyo ang nakakatakot kong istorya.

Madalas sa trabaho, lagi akong panggabi lalo na at may nirerenovate sa aming factory ngayon. Ang lokasyon ng factory namin ay medyo malayo sa kabihasnan, mga isa o higit isang oras na byahe mula sa bayan. Sa trabaho ko tuwing gabi, halos wala kaming ginagawa at madalas naka-stand-by lang kami kung anung mga kelangan ayusin, i-adjust 'yung lamig ng aircon(electronics kasi kaya kelangan malamig lagi ung production area) at kung anu-ano pa na dapat gawin.

Minsan habang nasa office kami palaging may naglalaro sa 'kin na d ko mapaliwanag. Madalas kasi dalawa kami laging naka duty 'pag gabi. 'Yung kasama ko na mas matagal na sa 'kin sa kumpanya palaging tulog at ako lang ang natitirang gising. 

Habang nasa tapat ng computer palagi nalang na may naririnig akong sumisitsit sakin. "psst! psst!" Noong una iniisip ko na tinatawag lang ako nung kasama ko, pero nung lumapit ako sa kanya, tulog siya at humihilik. Dito na ako nagtaka at kinilabutan. Kinaumagahan pagkagising nung kasama ko, sinabi ko sa kanya 'yung nangyari. Sabi niya lang sa 'kin, "Ganun talaga yun. Nangyayari din sa 'kin yan pre. Nagpapapansin lang sa 'yo yan." 
Nang mga sumunod na gabi, medyo nasanay na rin ako at hindi ko na pinapansin mga sit-sit sa akin. Minsan iniwan ako ng kasama ko para tignan 'yung nasirang condenser sa production area. Naiwan ako sa office nun. Habang nasa office, tumawag siya sakin sa telepono para sabihin na hinaaan ang aircon sa loob ng production.

"Pre pakihinaan nga ung aircon dito sa area ng production, naninigas na daw sila dito sa loob sa lamig."

Habang tumatawag, sinitsitan nanamn ako ng mga ilang beses. Sinabi ko sa kasama ko na kasalukuyan kong kausap sa telepono na may nanitsit nanaman.

"Pre mukhang nagpapapansin nanaman ung nilalang sa 'kin, naninitsit nanamn eh."

Sinabi niya lang sa'king na hayaan ko lang daw at 'di naman ako gagalawin no'n.

"Hayaan mo lang pare, wag mo nang pansisin titigil din yan."

'Pag baba ko ng telepono sumitsit ulit siya, ngunit sa pagkakataong ito, naglaglagan ung mga bote ng spray paint na maayos kung sinalansan sa isa chemical cabinet namin. Sa pagkakataong ito naglakas loob akong magsalita ng malakas.

"Anak ng teteng naman papansin naman masiyado." 'Pagkatapos nun tumahimik na ang paligid.

Dumaan ang ilang araw at tila 'd na nagpapansin 'yung nilalang na 'yun. Naisip ko siguro natakot dun sa sinabi ko.  Ngunit mas matindi pala ang susunod na pangyayari.

Gabi rin noon, may iniatas na trabaho sa 'min yung supervisor namin. Aayos namin ung drinking fountain at saka yung lababo nung kitchen sa may bagong canteen namin. Bagong tayong building kasi ang canteen namin pinalakihan at mas pinaganda. 
Sakay sakay ng forklift, pumunta kami dun. Medyo malayo kasi ang canteen namin sa opisina naming mga maintenance. Nung gabing yun habang naggagawa kami ng kasama ko, bigla na lang siyang may naalala. Nakalimutan niya daw yung ibang gamit sa office namin kaya babalikan niya daw muna.

"Ay Brad, saglit lang ha, may naiwan lang ako sa office, babalik ako agad."

Hinatid ko siya sa labas at sakay ng forklift, agad siyang umalis para makabalik agad at para maipagpatuloy na ang ginagawa namin at matapos na at para makapagpahinga na rin kami agad. Habang naghihintay, naisip ko na gawin ko muna yung pwedeng gawin para mabawasan yung mga gawain namin at para mapabilis na rin yung ginagawa namin. Kasalukuyang inaayos ko ang pagkabit ng drinking fountain sa loob ng dining area ng canteen. Medyo malawak ang dining area at marami na ring mga table para sa mga kakain. Hindi nga lang maayos pa ang pagkakalagay ng mga lamesa. Habang naggagawa isang nakakatakot na pangyayari nanaman ang gumulantang sakin. 

Meron nanamang sumisitsit sakin. Sa isip ko, hayaan ko na lang at wag ko nang pansinin baka tumigil din siya. Habang kinakabit ko yung mga tubo nung drinking fountain, nailapag ko sa lamesang malapit sakin ung yabe de tubo na ginagamit ko. Nung kukunin ko na ulit, at kinakapa ko sa lamesa, bigla itong nawala. Nalito ako sa pangyayaring yun. Napasabi ako sa sarili ko na,

"Asan ko ba nailapag yun?"

Pumunta ako sa kusina para kunin na lang ung isang yabe de tubo nung kasama ko. Pag balik ko sa ginagawa kong drinking fountain andun nakalapag na ulit ung yabe de tubo na iniwan ko na nawala.  Naisip ko na pinagtitripan ata ako ng kasama ko ah. Sinilip ko sa labas at nakita kong wala pa ang forklift at malamang wala pa rin siya. Doon na tumayo ang mga balahibo ko. Sinabi ko sa sarili ko na kumalma lang ako at 'di naman nila ako sasaktan o kung ano man. Kaya nagpasya ako na ituloy ang ginagawa ko. Habang gumawa gawa, naramdaman ko na may tumapik sa balikat ko. Naisip ko agad na dumating na yung kasama ko.


"Uy pre tagal mo naman kanina pa kita hinihintay, kinakabahan na ako dito."

Pag lingon ko sa likod ko, walang tao. Dun ako kinabahan ng husto sabay takbo ako sa labas canteen at saktong paparating na ang kasama ko.

"Anong nangyari sayo pre? hingal na hingal ka at parang namumutla?" biglang bungad sakin nung kasama ko.

"Shit pare, ang tagal mo naman!"

"Tanginis pare, mukhang nasobrahan na ata sa pagpapapansin nung nilalang na yun kinalabit na ako pre, akala ko ikaw na ung tumapik sa balikat ko kanina pag lingon ko walang tao!"

hingal na hingal kung sinabi sa kanya.

Napatawa na lamang siya. 

"Mukhang kursunada ka talaga nun pre ah, may body kontak na. haha!"

Pagkatapos nun ay hindi na muli akong pumasok sa panggabing shift at nagpalipat na ako sa umaga at tinapos ko na rin ang kontrata ko dahil bumalik na ako sa pag-aaral. Wakas.

Papansin (TTL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon