Life in the Province Episode 1

11.6K 149 17
                                    

Life in the Province Episode 1
Manggagaway

Sa probinsya ako nag bakasyon ng summer ko sa Mindanao. Kung ilalarawan mo ang probinsya namin, talagang malayo sa kabihasnan, magkakalayo ang bahay, madaming puno. at kaunti lang ang mga sasakyan. Ngunit kahit ganun, sementado naman ang mga kalsada at may ilaw naman ang mga kalye sa gabi.  

Madalas ang pinagkakaabalahan ko ay maligo sa ilog at dagat, dahil walang ganoon sa maynila. Kaya sabik na sabik ako.  Minsan, Kapag naboboring ako, pumupunta ako ng bayan. Palakad lakad lang doon, walang patutunguhan na parang isang baliw. Ngunit sa probinsya naranasa ko ang maraming kababalaghan.

Sa tuwing umaalis ako ng bahay palagi na lamang binibilin sakin ng lola ko na wag akong magpapa-abot ng gabi sa kalsada dahil walang masakyan at baka may makita ako na kung anu-ano. Dahil laking Maynila ako di ko pinapansin ang payo niya. 

Minsan naimbitahan ako sa bayan at ginabi ako ng uwi. Pumunta ako sa isang birthday ng kamag-aral ko noong elementarya. Medyo lasing ako noon pero sa tingin ko maayos pa ang aking pag-iisip at alam na alam ko pa ang ginagawa ko. Kumpiyansa akong magpagabi  dahil merong mga sasakyan ang mga kakilala ko dun. Ngunit sa kasamaang palad, lahat sila ay nalasing at di na makakapagmaneho. Kaya nag-commute nalang ako. Meron pa namang masasakyan nang mga oras na iyon, Ngunit hindi na pumapasok sa loob ng baryo namin. Hanggang sa highway na lamang at lalakarin ko na lang papasok. Hindi naman masyadong madilim ang daan sa amin dahil meron ng mga street lights na nakakabit sa kalsada papasok sa aming baryo. Sa bungad papasok sa amin may tindahan at nagpasya akong bumili ng kendi dahil medyo nasusuka ako sa alak na ininom namin. Hindi kasi ako sanay na uminom ng Rhum kaya ang sama ng lasa para sa akin.

"Pabili nga po ng kendi." 

Sumalubong sakin ang matandang nagbabantay ng tindahan.

"Aba iho ginagabi ka ata. hindi ba't ikaw yung apo ni Alejo?" Tanong sa'kin ng matanda.

"Ah, opo, anak po ako nung pangalawa niyang anak." sagot ko. 

"Halika ka at magmano ka sa akin, pinsang-buo ko ang lola mo. Pumasok ka muna dine at mag kape at nangangamoy alak ka." yaya pa sakin ng matanda.

Pumasok naman ako sa loob at pina-unlakan ang pinsan ng aking lola.

"Bakit ka ba nagpapagabi? Lalo sa lugar natin. Alam mo mas mabuti pa, magpalipas ka na lang ng gabi dito at baka kung ano pa ang makasalubong mo diyan sa kalsada." sabi sakin ng matanda.

"Ho? Ano pong ibig niyong sabihin?"  ang tanong ko.

"Alam mo kasi iho dito sa baryo natin maraming kababalaghang nangyayari. Ayos lang naman kung makakita ka ng mga bagay na iyon, kasi madalas hindi naman sila nangingialam basta wag mo lang din sila pakilaman. Pero ang masama kapag nakatagpo mo yaong mga nilalang na masama."

Sa pagkasabi sakin ng lola kong yun ay parang nawala ang kalasingan ko at nanindig ang mga balahibo ko. Sabay lumabas ang tiyuhin ko na may dalang kape.

"Aba, ito pala yung anak ni Fernando, aba ang gandang lalake. Ang laki mo na ah, binatang binata ka na iho." 

"Hindi naman po." sagot ko.

"Ayan Jacinto, sabihan mo yang pamangkin mo, na dito na lang magpalipas ng gabi at medyo dilikado na diyan sa kalsada." bilin ng pinsan ng aking lola.

"Hindi 'yan nay, malaki na 'yan. Kaya niya na 'yan." sagot ng aking tiyuhin.

"Ah oo nga po lola, kaya ko na po, at saka, baka mag-alala si Lola sakin 'pag 'di ako umuwi." Malakas pa rin ang loob ko dahil inisip ko na lamang na kathang isip lang iyon ng mga matatanda at mga lumang paniniwala lang nila yun sa baryong ito.

Life in the ProvinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon