CHAPTER XIV

339 12 2
                                    

" ONE PERCENT! THE DEMON UNLEASHED  "



"Ano, Merida?!? Sumiping ka sa Prinsipe?... "

" Nagmamahalan kami ni Ratchel. At alam kong Mahal ko rin siya "

" Pero Merida, Prinsipe yun! Hindi maaaring Ikasal ang Isang Prinsipe sa tulad nating mga Utusan lang ng Palasyo!?! "

" Hindi, Nararamdaman kong Mahal ako ni Ratchel! "

" Merida, alam mo naman ang mga yan, Para sa kanila isang parausang Babae lamang ang Tingin sa ating mga Utusan! "

" Ibahin mo si Ratchel, Mahal ako ni Ratchel.. Katunayan nito magkakaanak na Kami! "

" Diyos ko po, Merida! Anong ginawa mo, Paano kapag nalaman ito ni Belmont? "

" Kailanman ay hindi ko minahal si Belmont, Alam mo yan! "

" Sa Palagay ko.. Mas nakakatakot magalit si Belmont kaysa sa Prinsipeng Iniibig mo. "

" Sarima, Tulungan mo 'ko sa Makalawa, Magkikita kami ni Ratchel at magpapakalayo-layo "

Subalit hindi ito nangyari...

Natunugan ni Papa ang tangkang pag-iwan na gagawin ni Mama. Kaya nauna na itong pumunta sa dapat na tagpuan nila nang totoo kong Ama.

Nagmistulang Preso si Mama sa Piling ng kinagisnan kong Ama sa loob ng 12 taon hanggang sa abutan ko na ito paglaki..

Magkagayonman bukang-bibig pa rin ni Mama ang Tunay kong Ama..

Isang Gabi..

" HAHAHAAHAHAHA!!! "

Pinasok kami ng mga Di Kilalang Kalalakihan. Wala si Ama ng mga Panahong yun. Ginapos nila ako.. At si Mama.. Pinagsamantalahan nila sa Harap ko..

Ang Masaksihan ang pagpunit sa kanyang Damit..

Ang Masaksihan ang kanyang Pagmamakaawa

At ang paghingi niya ng Tulong na hindi binabanggit ang Pangalan ng Kinagisnan kong Ama..

...Kungdi ang Tunay kong Ama..

" RATCHEEEEELL!! TULUNGAN MO 'KO HUHUHUHU!!! RATCHEEEEELLL!!! "

Sa mura kong Isipan.. Nasaksihan ko kung gaano kalupit ang Mundo sa Amin ni Mama

Nakita ko kung paano siya pagsamantalahan ng di Bababa sa Limang Kalalakihan ang lumapastangan sa kanya.

" EEEEEEEEEE!!! "

" HAHAHAHAHAHA!!! SULIT NA SULIT 'TO! "

" WILLIAM, ANAK!!! TULONG!!! "

Doon ko rin narinig ang tinig ni Mama na tinawag ang Pangalan kong humingi ng Tulong.. Wala akong nagawa kungdi ang Tumangis at Umiyak nang Umiyak. Dahil wala akong Laban sa Lakas ng mga Lalake na humahawak sa Braso ko.

Mga Walanghiya sila.

Bigyan nyo lang ako ng pagkakataon... Papatayin ko sila..Papatayin ko sila.. Papatayin ko sila.. Papatayin ko silang Lahaaatt!!!

THUUGSS! THUUGSS! THUUGSS!! THUUGGSS!! THUUGGSS!

Chaos Earth : Anong ginagawa nya!?!?.. Nababaliw na ba siya!?!

Isang Malaking Palaisipan kina Chaos Earth at Excalibur ang ginagawa ni William sa kanyang Sarili.

William : GRAAAAAAAHHH!! HAAAAAHH! TANGINAAAAAAA!!! HAAAAAAAHH!!
THOOM! THOOM! THOOMM! THOOMMM! THOOMM!

CHILDREN OF SETHRO : SEASON 3 (Complete)Where stories live. Discover now