Arminda's POVThis is it.
Nandito na ako sa school at iniintay ko nalang si Nathan na dumating dito, ang sabi n'ya rin naman ay nasa taxi na sila papunta dito.
"Congrats Pren!", bigkas ng nasa likod ko at lumingon naman ako, si Yurie.
"Oh, Pren! Salamat. Sayo din hehe."
"Aakyat ka mamaya sa stage, mag i-speech ka paba?"
"Ang sabi ng Principal ay hindi na raw, para raw ay sandalian lang ang ating programa at masimulan agad ang Graduation Ball."
"Ahh, mabuti naman kung ganoon", tumango naman ako at nag paalam na sakanya dahil aabangan ko na si Nathan sa Gate.
Btw, si Yurie ay ang kauna unahan kong nakilala sa paaralang ito simula pa lamang nung unang taon ko sa sekondarya. Masyado rin kaming close, pero syempre mas close kami ni Nathan. Kaya hanggang ngayon 'di padin kami nag kakalimutan ni Yurie. At isa pa, may gusto s'ya kay Nathan, at sakin lang s'ya nag confess.
Nandito na ako sa harap ng gate para abangan ang taxi na sinasakyan ni Nathan.
Isa't kalahati na akong naghihintay sakanya nang makita ko na ang pag mumukha n'ya sa passenger seat.
"Baliw ka, sabi mo sandalian kalang. Isa't kalahati rin akong nag hintay dito ahh."
"Hehe sorry na."
"Ha? Anong sorry? Bahala ka jan!" naglakad ako nang sobrang bilis para habulin n'ya ako, tawang tawa pa akong nag lakad nang pag lingon ko...
Ni walang pagmumukha ng Nathan ang nakita ng dalawang mata ko.
Para akong tangang nag lalakad at tatawa-tawa sa daan...
Hinanap ko muli si Nathan nang madatnan kong bumibeso sa kaklase kong babae.
"Ahh, kaya pala nawala ka, lumandi kalang kasi."
"Eh akala ko kasi may pupuntahan ka kaya hindi na kita sinundan pa, at isa pa galit ka saakin, hindi ba?" gusto n'ya bang magalit ako sakanya.
"Kanina hindi, ngayon OO!", paninigaw ko sakanya.
Aba, nakakabwiset!
"Eh sorry naman kung hindi kita nasundan, biglaang hinablot kasi ako nito ni Rachelle para mag congratulate sa akin. Sino ba naman ako para snobin s'ya 'diba?"
"Ewan ko sayo.", umupo ako sa hagdan at nag isip isip ng kahit ano.
"Congratulations."
"Ewan ko sa —", mag sasalita na sana ako nang bigla kong iakyat ang aking mukha at bigla kong makita ang isang napaka matipunong lalaki, "J-Jheff!!!"
"Congratulations, I said."
"A-ahh T-thank you, btw bakit ka nga pala nandito?"
"Welcome, binigyan kami ng imbitasyon ng inyong principal na magpunta ang lahat ng may honors sa bawat year ng JSA, nagkataon naman na nakita kita rito kaya dumiretso narin ako rito."
"Ahh, ganoon ba."
"At saka bakit ka nga ba nandito, hindi ba dapat nasa section mo ikaw?"
"Si Nathan kasi nakaka bwisit!"
"Ano naman ang ginawa n'ya sa'yo?"
"Eto, una hinintay ko s'ya kanina sa gate kasi ang sabi n'ya e papunta na raw s'ya rito tapos alam mo? Halos mag kakalahating oras na 'ko naghintay don. At eto pangalawa, galit na nga ako sakanya hindi man nag-sorry at ang malala pa e hindi n'ya man ako hinabol at alam mo kung bakit n'ya ako hindi hinabol?"
"Bakit?", nangingisi ngisi pa n'yang pag babanggit.
"Ay oh, natatawa kapa ahh. E kasi! Lumandi! Pinag palit n'ya yung bestfriend n'ya sa humablot lang sakanya, diba? Like duhh."
"Hindi ako natatawa sa kwento mo, natatawa ako kasi ang cute mo." matawa-tawa n'yang bangit, "Kaya mas lalo 'kong nagkakagusto sa'yo hays." bulong n'yang banggit pero rinig na rinig ng dalawang tenga ko.
ANO??? Gusto? O__O
"H-ha? Gusto?"
"Ah eh, gustong maging kaibigan hehe. Bakit?" mahiya-hiya n'ya namang banggit.
Bokya.
"Ahh wala-wala. Sige na punta kana dun at baka hinihintay kana ng mga kasamahan mo ron.", pag-uutos ko pa sakanya at agad naman s'yang tumayo at nag paalam saakin.
"Tagal kitang hinanap ah. S'ya pa rin ang kausap mo.", bigla akong napalingon sa pinanggalingang boses at nakita ko ang seryosong Nathaniel.
Anong nangyayari rito?
"Ahh oo, inimbitahan ng principal natin ang mga honors student kada year ng SJA, at nakita n'ya akong malungkot ng dahil sayo kaya kinomfort n'ya lang naman ako!"
"Ahh nakikita ko."
"Okay."
"Tara." , ani Nathan.
Hanggang ngayon ay napaka seryoso pa rin ni Nathan na hindi ko mawari kung bakit s'ya nsg kakagon. Bestfriend ako at bakit hindi ko makilatis ang kan'yang nararamdaman?
"Huy kanina kapa tahimik, anong nang yayari sa'yo?"
"Wala."
"E bakit nga kasi!"
"Wala nga, wag kanang makulit. Okay?"
"Geh."
"Ikaw pa galit.", gulat kong narinig ang kanyang bulong, bulong na rinig ko.
Bakit naman s'ya magagalit? Ang naalala ko lang ay ako ang galit sakanya pero bakit parang bumaliktad naman ata ngayon?
Lokong lalaki 'to ah. Galing bumaliktad.
Pero galit ba talaga s'ya? Ewan, bahala s'ya.
Dumating na kami sa aming section at cinongratulate namin ang bawat isa, hayy eto na ang huli naming pag sasama.
Mamimiss ko 'to. Huhuhuhu.
Sakto at nag dala ako ng tissue ngayong araw na 'to dahil alam kong iiyak ako ng iiyak sa araw na'to. Dahil sa lahat ng hindi nakakaalam, ako ay isang emosyonal na tao kaya kahit anong palabas na nakakaiyak jan ay siguradong iiyak ba ako.
"Pren!", si Yuri.
"Oy Pren bakit?"
"Hindi ko na makita si Nate Baby ko huhu. Hindi ko pa nacoconfess yung feelings ko sakanya, naiinis ako!"
"Free to confess ka naman Pren! Nauunahan kalang talaga ng takot, i confess mo na 'yan malay mo may tinatanong pag tingin din pala sayo si Nathan diba? Kaya go for it, Pren. Kaya mo 'yan! Mag ala- Meteor Garden tayo dito."
"Huhu. Kinakabahan kasi ako eh."
"Hindi 'yan!"
At 'yun na nga gusto na talaga no Yurie na mag confess kay Nathan dahil hindi n'ya na nga ito makikita pa.
Nandito na kami sa Gym at nakaupo na kami sa dapat na pag uupuan namin, bilang honor student, binigyan kaming sampu ng priority seats, na para lang saamin at hindi sa iba. Naka arrange din ang bawat upuan sa pinaka gilid si Nathan dahil s'ya ang 1st honor, at ako naman sa pang apat, bilang ang apat.
Hindi kami nag usap o nag kibuan ni Nathan, galit talaga s'ya sakin. At hindi ko alam kung bakit, siguro mamaya ko nalang tatanungin kung bakit.
-----------------
Next Chapter: Graduation Day Part 2
BINABASA MO ANG
Friends not Forever
Fanfic[ON-GOING] What if nahuhulog kana sa kaibigan mo nang hindi mo nalalaman? Nahuhulog ka na sa kanya habang s'ya naman ay nahuhulog sa ibang taong, hinding-hindi ikaw. Paano mo makakayanan ang nararamdaman mo para sa kanya? Is it Friends Forever or...