Dahilan ng Ngiti
Kailan lang nung nakilala kita
Ngunit ang loob ko'y agad mong nakuha
Sayo'y madaling magtiwala
Kaya siguro nagawan ka ng tulaSa ilang araw na nag-uusap tayo
Napangiti mo kaagad ako
Hirap kaya akong gawin ito
Na mapasaya ang sarili ko kaya salamat sayoDahilan ka ngayon ng aking ngiti
Sa tuwing malapit nang humikbi
Dahilan ka ngayon ng aking saya
Na sana hindi na mawalaMagkaibigan na tayo
Sana magtagal kahit papaano
Wag kang mang-iwan gaya ng iba
Sapagkat, sasapakin talaga kita
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Aking Mga Naging Sinta
PoetryMga salitang di mabigkas Kaya pilit na tumatakas Mga salitang di masabi Tinatago nalang sa paghikbi Mga salitang di magawa Aking idadaan sa tula Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila Lahat ng ito'y aking nailathala