Oks Lang Ako

48 32 0
                                    

"Gin! Ano pare? Hindi ka ba papasok sa loob?"

Tumingin ako kay Toffer ng makita ko ang ngiti nyang para may balak. Nasa labas kami ng bar at niyaya nila akong pumasok na dahil kanina pa ako nasa labas. Hindi ko rin alam kung bakit nga ba ako nakatayo rito sa labas, hinihintay ang isang bagay, o isang tao.

"Susunod ako, Toffer." I gave him an assuring smile bago nilingon ang magkabilang gilid ko. Trying to convince myself na hindi sya tutungo rito.

Napansin nya ang malungkot na expression ko kaya tinapik nya ako bago tinanguan. "She's coming, h'wag mo nang salubungin, pre. Kasama nya si Leo."

Napayuko ako ng bahagya bago tumingin sa relo ko. Tama s'ya, I really should get going at magsaya. Birthday ko ngayon, and I think sapat na dahilan 'yon para maging masaya ako, for once. Pagkatapos ng lahat.

Umalis na si Toffer kasama ang girlfriend nyang si Issey. Nginitian lang nila ako kaya tumango nalang ako bago nilingon ang bawat sulok ng kalsada.

They're coming. She's coming. Pero bakit ko ba sya hinihintay?

"Too desperate, Gin? She ended everything, lahat ng tungkol sainyo." Bulong ko sa sarili ko bago unti-unting humakbang sa hagdan patungo sa loob ng bar. They're surely waiting for me.

Sinalubong ako ng malakas na tugtugan ng bar. Wild people. Sumasayaw. Naglalandian. Nagtatawan. At ine-enjoy ang bawat oras sa pagiinom. May mga taong wasted, happy, exhausted, at malulungkot. As if they're lost in their own worlds na kinangiti ko ng bahagya.

This is what I really want.

"Gin! Dito ka pre!"

Despite sa malakas na ingay ng tugtugin, narinig ko ang boses ni Toffer mula sa gilid ng mini stage, kasama ang iba naming kaibigan. Napangiti ako ng makita kong nakatingin lahat sila sa direksyon ko. They're really waiting for me, huh?

Lumapit ako sakanila at binigyan sila ng matamis na ngiti. Nakipag-bro fist ako kila Roque at Charles ng salubungin nila ako. Niyakap ko si Kennelle na nakangiti sa akin, kasama ang boyfriend nya, si Calli. Tinanguan ako nito kaya I did the same.

"Pre kamusta?"

Nagsimula ang katuwaan namin when Charles started the fun gaya ng ginagawa nya noong highschool days namin. It's been 9 years and they're still the same. At least, hindi lang ako ang hindi nagbago kahit papano. They're my bestfriends to be exact. Sila 'yung mga kaibigan ko na masasabi kong pang matagalan.

"Naalala nyo ba noong tuma-takbo pa tayo sa corridor suot 'yung mga neckties at palda ng mga babae? That's embarassing pare!"

Tumawa ako ng maaalala ko na naman ang mga 'yon. That time, may punishment kaming mga lalaki dahil sa pagbato namin ng baseball sa bintana ni Mr. Magbati. And that's really embrassing to be exact. Pinagsuot nya kami ng uniform ng mga babae at pinatakbo kami sa buong corridor. Tinatawanan kami ng mga estudyante noon and that was the time when I completely wasted pero ginawa ko pa rin 'yung punishment. Ayoko naman mawala ang rank ko noon, ano!

Nagtatawanan kami ng malakas ng gayahin ni Issey ang ginawa ng boyfriend nya sa harap ng mga hurado noong variety show namin sa school. Toffer is wearing his tomato-like face when someone screamed from afar.

"Mga tol!" Umalingawngaw ang boses ni Leo na kinatingin din ng ibang mga tao sa bar. Natawa kami dahil sa ingay nya bago isa-isang pinuntahan ang kaibigan namin.

I was about to go there too at batiin sila ng makita ko ng pigura ng babae sa gilid ni Leo, nakangiti at nakatingin sa masasayang mukha ng mga kaibigan namin.

"Kira! Long time no see!"

Nanatili ako sa table, hawak-hawak ang bote ng alak. Nakatitig kay Kira like there's no tomorrow.

Oks Lang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon