Hindi ako makagalaw
Nang makita ko'y ikaw
Tila hinihila ako pabalik
Pabalik sa unang halikTeka! Panaginip lang pala iyon
Umaasa na naman at nag-iilusyon
Hanggang kailan ba ako ganito?
Umaasa sayo ng todo-todoHanggat ang araw ay sumisikat
Mananatili kang dahilan ng aking mga sugat
Hanggat ang buwan ay lumiliwanag
Patuloy kang hahawakan ng aking mga paladHabang ang langit ay didilim
Mamahalin kita ng palihim
Habang ang mga bituin ay magniningning
Ikaw pa rin ang una't huli kong hihilinginIpagtabuyan ka man sakin ng panahon
Hahanap at hahanap ako ng pagkakataon
Pagkakataong masilayan ang iyong ngiti
Pagkakataong baka tayo din sa huli
BINABASA MO ANG
Unspoken Poetry (COMPLETED)
PuisiTagalog Poetry Collection Unsaid feelings for someone who is very dear to me. You may not be the right man who is meant to be with me but always remember that you will always be the man that made me who I am today. The man whom I can never own. I lo...