Tula #23

162 1 0
                                    

Saksi ang bawat numero sa matimatika
Sa kagustuhan kong mahalin ka
Saksi ang bawat negative at postive
Sa puso kong sayo laging active

Saksi ang bawat grap na iyong iginuhit
Sa pagmamahal kong sayo ko lamang iniukit
Saksi ang bawat function na iyong inilagay
Sa balak kong maglakbay na ikaw ang kasabay

Saksi ang bawat pormula sa pisara
Sa nararamdaman ko mula umpisa
Saksi ang bawat equation na iyong isinulat
Sa nararamdaman kong mga sugat

Mga sugat na nakuha ko mula sayo
At ngayon ako ay naghihingalo
Bakit ba nauwi tayo sa ganito?
Dahil ba nahulog ako sayo?

Dahan-dahan lang kasi muna
'Di mo kasi ako sinalo nung una
Kasi alam mong 'di ito tama
'Di ko naman ginusto itong aking nadarama

Unspoken Poetry (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon