Walang kabuluhan

13 2 0
                                    



Comment box:

'Hoy author paki bilis naman yung updates oh'



'Yaring lagyan ng Panginoong Diyos ang iyong utak ng positibong pananaw ang NEGA mo kasi girl/boy??!'


'Kagaya to sa I Hate You My Gangster ahhhh'


'Sadista! Pinatay mo labidabs Jungkook ko!'



'Gago putang ina namaaaaaannnn bat mo pinatay si Yuko!!!'



'Hoy kingina Puta I love ur Fucking story bitch!'


'Can I have a request maliit lang naman eh super liit lang talaga PAKI BILISAN MO NAMAN YUNG UPDATES MO OOH!!!!!! yun lang ty.'

****

Sari saring comments ang iba nakaka flatter yung iba gusto ko ng tumae dahil sa ka kornihan at yung iba naman ay sarap murahin at mag talk back kaso nga lang author ka eh walang personalan.

Pero hoy! May buhay din ako hindi ako palaging nasa harap ng screen nag tatype ng storya para sa inyo!

Kung pwede nga lang tumae ng updates ay gagawin ko eh! Pero hindi pwede kasi pinaghihirapan yun ng utak ko.

Pinipiga ko para makalabas ako ng bagong idea sa plot ko.
Minsan sumasakit na yung ulo ko dahil sa mga demands ng mga readers.

Ako si Violet Fiona S. Davies at oo tao ako at hindi isang machine na pwedeng maglabas ng mabilis na updates.

Masaya naman ako sa ginagawa ko sa pagsulat ng novela sa wattpad at naka publish na ako ng novel pero hindi pa kasi doon nagtatapos yung buhay ko meron akong school na kailangan puntahan every 5 days in a week. May pamilya ako nakailangan ng atensyon ko 24/7.

Sabi nila paasa daw ako sa mga Story ko sadista, manggagancho, bad influence at NAPAKA NEGA KO DAW.

Pero sino nga ba ako para magcomment at mag talkback sa mga readers ko? madumihan pa ang pangalan kong maganda. Kaya hinahayaan ko na lang sila jan di naman ata ako masaktan ng mga comments nila physically pero mentally at emotionally hurting me huhu.

Pero ano nga ba kwento bilang isang writer. Wala lang simple lang papasok sa school every five days sa isang linggo tutunganga sa school, kukuha ng ballpen at mag susulat para may notes. Minsan amoy sabog sa school kasi nakalimutang mag deodorant, tumititig sa mga batang englishero tas biglang lilingon sa iba dahil nakatingin na sila sa akin.

Pupunta sa CR para mag-ayos kahit konti para may masalba naman sa mukha ko, magkukunwaring masakit yung puson kasi hindi nakagawa ng assignment sa Science puro lang kasi wattpad ang inasikaso.

Nangangarap na lumipad para lang hindi ma-late sa school, matutulala tapos pagiisipan ng masama sa teacher na nagbibigay ng mahabang quiz at Kokopya sa kaklase pag hindi ko alam ang sagot... lalo na sa Math.

Jusko why Albert Einstein Why huhuhuhu('༎ຶོρ༎ຶོ').

Anyway continue...

Ang cli'che di ba? Ganun lang routine ko araw-araw tas iiyak ka pag hindi pantay yung amount ng ulam mas konti pa sa akin kesa sa mga kapatid ko.

Magsisimba tuwing Sunday. Minsan pag tinamad pumunta ng simbahan, bubuksan ko na lang ang TV ng ala sais at ililipat ko sa ABS-CBN doon kasi may nagmimisa. Walang pinipiling kasuotan kahit naka bra lang ako okay na yun parehas din naman kasi, uupo ka lang sa upuan at papakinggan ang sermon ng pari sa TV tatayo pag sinabi nilang tumayo, sasabay sa pag kanta ng choir.

Wala talagang kabuluhan ang storya ko kahit sino naman maka rinig ay RIP na lang sa kanila sa sobrang boring ng kwento.


Pero nung nakilala ko siya everything change in my life (charot) binago niya ang takbo ng buhay ko. Sa lahat ng mga story ng teen fiction ay palagi nilang ka-classmate yung lalaking bida ganun din yung sa akin cli'che di ba?

Transferee kasi siya sa ibang dako ng mundo (di joke galing Quezon City lang OA ko)

Sabi niya ako daw ang pinakamagandang nilalang ang nakita niya sa buong buhay niya oo sa mga iniisip niyo bulero siya sobrang mabulaklak yung labi niya. Sa sobrang kakornihan buong Universe binigay na sa kanya yung title 'THE MOST CORN PERSON' mais na tao.

RIP joke ko pero totoo yun he gave color to my white and black life. He gave me a reason para isulat tong short story about my miserable life.




Ito ang kwento namin.

Side Ng Isang WriterWhere stories live. Discover now