Chapter 16

287 16 1
                                    

Chapter

16

   Dalawang araw na ang nakakalipas mula noong umamin si Quen kay Julia tungkol sa totoo niyang nararamdaman para sa kaibigan, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kinakausap ng dalaga.

   Pagkatapos kumain ng tanghalian noong araw na iyon ay umalis kaagad si Julia mula sa hapag-kainan na walang kaimik-imik. Naiwan sa lamesa sila Josephine at Quen.

   “Pano na po yan? Ilang araw na lang po aalis na kayo. Hindi pa rin po namin naso-solve yung kaso tsaka hindi niya pa rin po ako kinakausap mula noong nag-confess ako sa kanya.” pangamba ni Quen.

   “Ano bang mas problema mo, yung una o yung pangalawa?” tanong ni Josephine.

   “Yung pangalawa po.” pag-amin ni Quen.

   “Hindi din ako magagalit sa yo ijo kasi alam ko naman yung gusto mong iparating. Ngayong aalis na kami, gusto mo lang tanggalin yang bigat sa dibdib mo.” panig ni Josephine. “Pero wag mo ding kalimutan na may pakiramdam din naman si Julia. Nagulat lang siya, nabigla. Malapit na malapit kayo at isa ka sa mga itinuturing niyang matalik na kaibigan kaya naman hindi mo maa-alis sa kanya na maramdaman yon.” bawi ni Josephine.

   “Willing naman po akong maghintay hanggang sa takdang panahon eh. Mahal na mahal ko po ang anak niyo at kaya ko siyang antayin kahit gaano katagal. Ang sa kin lang, sana naman pagbigyan niya akong ipahayag yung nararamdaman ko sa kanya ngayong nalalapit na ang pag-alis niyo.” pahayag ni Quen.

   “Alam mo Quen, dati tumigil na ako sa pagpapaniwala sa forever na yan. Pero ngayon na nagkabalikan na kami ng tatay ni Julia, naniniwala na ako na merong ganon. Kahit paghiwalayin kayo ng tadhana, kung para kayo sa isa’t isa eh gagawa at gagawa ang tadhana ng paraan. Quen, isa ka sa mga tumulong kay Julia hanggang makumpleto ulit namin ang pamilya namin. Kaya tutulungan din kita ngayon na suyuin ang anak ko.” pangako ni Josephine.

   “Maraming maraming salamat po!” ikinagalak ni Quen.

   “Ako na ang bahalang kuma-usap sa kanya.” ako ni Josephine.

   Pumunta si Josephine sa kwarto ni Julia. Nakahiga lang ito at hindi nagsasalita. “Kung nandito ka lang Nay para kausapin ako tungkol kay Quen, wag mo na lang akong kausapin.” bara ni Julia.

   “Anak, pagbigyan mo naman si Quen. Itatapon mo na lang ba yung pagkakaibigan mo dahil lang don?” paki-usap ni Josephine.

   “Yun na nga Nay eh, kaibigan ko siya. At isa pa, para namang ako ang nagtapon ng pagkakaibigan namin.” sumbat ni Julia.

   “Anak, pag ang puso nakaramdam ng pagmamahal hindi na mapipigilan yan kaya pagbigyan mo na yung tao na ipahayag niya yon sa yo. Aalis na tayo, ibigay mo na to sa kanya. Bayad man lang sa lahat ng kabutihan na ginawa niya sa yo at sa pamilya natin. Kahit friendly date lang.” samo ni Josephine.

   “Hindi ko alam nay.” sagot ni Julia.

   Tumayo si Julia mula sa kama at nagbihis.

   “Oh san ka pupunta?” taka ni Josephine.

   “Pupuntahan ko si Daniel. Kailangan ko ng kaibigan ngayon.” sagot ni Julia.

   Lumabas si Julia sa kwarto at hanggang sa labas. “Julia!” tawag ng kanyang ina.

   Nagtuloy-tuloy sa paglalakad si Julia hanggang makalayo na siya sa kanyang bahay. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Daniel. Agad na sumagot si Daniel sa tawag niya.

   “Hi Ms. Ganda!” uto ng kaibigan.

   “Pwede ba Daniel, wag ka na ngang humalo.” init na ulo ni Julia.

Case Closed: A Recipe For DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon