AKK 8 Paulo the Monkey

183 2 1
                                    

Cendley's POV:

"Ahh~ kaya naman pala pulang pula kana dyan. Hahahaha!" pang-aasar pa sakin ni Keshia "O'sya, baba ko na ito. Magrereview pa ako, remember sa tuesday na yung first periodical test natin at sunday na ngayon, di na nga ako nakapagreview kahapon dahil hindi rin ako makakapagconcentrate dahil nga concert nila. Hihihi. bye sis. Gtg!"

toot toot toot...

Oo nga pala, tutal umaga palang, magrereview narin ako. Nagreview narin kasi ako nung weekdays eh. Haha. Kaya uulit ulitin ko nalang. ^o^

-

"Baby, aalis kami mamaya ni ate mo. Mga pagkaalis mo siguro mamayang hapon. Pupuntahan lang namin yung pinaorder kong sala set sa Quezon." sabi ni mama habang nanananghalian kami

"Ahh, ganun po ba. Edi wala pong maiiwan kay cheesecake dito sa bahay? Sige po, isasama ko nalang po sya." sagot ko naman

"Okay, kasi baka matagalan din kami. Pero wag kang uuwi ng gabing gabi ah. Kakalbuhin kita. Haha."

Pagkatapos kumain ay gumayak na naman ako, para pag nandyan na si Kuya Paulo, ready na ako. Wala naman kasi syang sinabi na specific time eh. Kaya habang naghihintay narin, magrereview muna ulit ako.

Biology. Nako nako, eh gusto ko lang naman maging flight attendant ah. Ano bang connect neto dun?

Math. Kelangan ba pagbibili ka sa tindahan ni Aling Lucing dyan sa may labas ng subdivision, ang sasabihin mo ba "2y nga pong zonrox plus 3x ng downy equals 36 ng mantika at minus 9y ng mentos air" ? Ganyan ba? Hindi naman diba? Hahahaha. Nakakastress to ah.

Kaya naman nung natapos na akong magreview, natulog muna ako.

*arf! arf! arf!*

Ano yun? Nagising ako sa tahol...

"Cheesecake? Ano nang nangyayari? May problema ba?"

Kinagat kagat naman nya yung laylayan ng dress ko. Tapos tumakbo na sya palabas at kasabay non ang pagsara ng pinto ng kwarto ko. Creepy.

Teka, pano nga pala yan nakapasok? Kaya nyang buksan mag-isa yung door knob? Galing galing. Haha.

Kaya naman tumayo na ako at nag-ayos na, baka kasi nandyan na si Kuya Paulo sa salas kaya ako tinatawag ni cheesecake.

Paglabas ko ng kwarto... "KYAH!" BOGSH "Mama! Mamaaaaa! A-aray!"

Narinig ko naman yung tawa ni Kuya Paulo sa baba. Aba! Humanda sakin yan mamaya.

"Wala na sila mama mo, kanina pa umalis. Napaaga daw yung delivery dun sa sala set nyo kaya nagpunta na kaagad. Ayan kasi, tulog ng tulog. Napagtripan tuloy kita. Hahaha." sabi nya mula sa baba ng hagdanan

"Eh kung tinulungan mo nalang kaya ako dito? Ang tindi mo rin eh noh, san mo ba nakuha tong mga balat ng saging?!" galit kong sabi

"Kinain ko, tagal mo kasing matulog eh. Nagutom ako." pacool nya pang sabi

"So sa tingin mo pa, trash can tong tapat ng kwarto ko?"

"Hindi. Hahaha si cheesecake naglagay nyan dyan. Sabi ko kasi, ilagay nya dun. Eh, hindi ko naman alam na masunurin pala sya. Sinunod ako. Hahahaha!"

"Hmp! A-aray!" nadulas nanaman ako nung pinilit kong tumayo

"Halika ka na, tutulungan na kita." at umakyat sya sabay abot nya sa kamay nya

Kahit naiinis ako sa kanya, no choice parin ako. Inabot ko na kamay nya. Ayoko ng madulas ulit. Masakit sa pwet -.-"

Pagkatayo ko, bumaba kaagad ako, iniwan ko sya dun sa taas.

"Tara na nga cheesecake. Iwan na natin yang magaling na unggoy na yan na matakaw sa saging. Inubos na ata saging natin sa kusina." akmang kukunin ko na sya, bigla naman syang umatras

"Hahaha. Wag nyo daw kasi akong iwan. Diba cheesecake? Haha..." nakababa na pala sya

"arf! arf!"

"O'diba?" nakasmirk nya pang sabi

Tss. Ano bang ginawa nya sa aso ko, sya na ba amo? Magsama sila

"Hay nako. Magsama nga kayo dyan. Hmp! Unggoy!" sabay labas ko pero bumalik ako

"O'bakit? Hindi mo kering iwan sko?" pang-aasar nyang sabi

"Tsee. Wag assumero. Nakalimutan ko lang sabihin na ikaw na maglock ng bahay. Grr." at lumabas na ako

Mabuti nalang at nagdala sya ng sasakyan nandun si Manong Jojo, kaya naman nauna na akonh sumakay.

"Hi ma'am cends!" masiglang bati nya sakin.

"Manong Jojo, di po ba sabi ko sainyo Cends nalang din po. Para namang ang formal po kasi eh. Haha."

"Yun po kasi yung sabi ni Sir Paulo."

"Hay nako, wag nyo po syang sundin. Kahit amo nyo pa po mga magulang nyan. Haha. Basta Cends nalang po. Ako pong bahala sa monkey na matakaw na yon." tinawanan nya lang ako

"Anong ikaw nalang ang bahala?" nandito na pala sila, inirapan ko nalang sya

"Ay, tignan mo baby cheesecake. Ang sungit ni mommy mo. May red tide ata. Hahahaha!" aba aba...

Hindi ko nalang sya pinansin, masakit parin pwet ko. Tss.

Nakakainis talaga yang Paulo the Monkey na yan. Dapat dinadala yan sa zoo eh. Er.

◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆

•All Rights Reserved 2014•

© coleensumpter •﹏•

Ang Kuya Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon