Error na hindi matagpuan,
Na maraming katanungan
Pero walang mahanap na kasagutan.
Ako'y nahihirapan
Lalo na sa paghahanap ng kasiyahan,
Kailan ko ba ulit ito mararamdaman?
Saan ko ba ito matatagpuan?
O Tatanggapin ko na lang ang katotohanan..
Na wala akong karapatan...
Sa kasiyahan
na pinapangarap kong maranasan.
Puro na lang ba kalungkutan?
Wala na bang kasawaan?
Hanggang dito na lang ba?
Sa pangangarap na maging masaya?
Gusto ko ito makamit
Pero parang ito'y pinagkakait..
Sa akin ng langit...