Every Heart (One Shot)

11 0 0
                                    

Elaine's POV

"Promise Fiona, hinding hindi kita iiwan, ikaw lang ang mamahalin ko habambuhay."

"Sinagot na kita Rey.."

Napansin kong napatalon yung lalaki at biglang napayakap sa babae. Tsk! Lumang style na yan! Pa sweet sweet sa simula, at pag nakakita ng mas maganda, iiwan ka lang! Pareho lang iyang mga lalaki... mga manloloko! Dapat sa kanila'y ibinabaon sa lupa! Wala silang isang salita! May pa 'I love you' pang nalalaman, hindi naman pala sincere! Nakakainis talaga sila! Kung makakaya ko lang, matagalko nang pinutol ang kanilang mga dila! Mga sinungaling Mga walang damdamin! I just wish na mawala na lang sila. Pahamak sila sa buhay ng mga babae. Sila yung rason kung ba't maraming mga babae ang nasasaktan at nabibigo. Ni wala silang pakialam sa posibleng maging dulot ng mga salitang binibitawan nila, Isa ako sa kanilang biktima. Biktima sa hamak na pag-ibig. Noon naniwala ako, umibig at naloko.. Akala ko masarap ang umibig, yun pala impyerno lang ang naidudulot nito! Minahal ko sya. Sobra... Para ngang mas minahal ko siya kesa sa sarili ko. Matagal ko siyang gusto noon. Since first year high school. Nung naging kaklase ko siya ng 3rd year, nagtapat siya ng pag-ibig nya sakin. Eh dahil may katangahan ako noon, naniwala naman agad ako. Isang buwan. Isang buwang pag-ibig! Natatandaan ko pa noon. Monthsary namin dapat. Akala ko magiging napakaganda at memorable ng araw ko na yun. Oo nga napaka memorable!

-Flashback-

        Naglalakad kami habang magkahawak kamay. Bigla siyang napahinto. Parang kumikinang ang mga mata niya. Tiningnan ko kung ano ang nakita nya. Babae! Isang napakaganda at seksing babae. Naka shorts lang at tube! Ang ganda nga naman niya! Supermodel look!

"Ah Elaine, pasensya kana ah! Kailangan ko nang umuwi.. medyo sumakit ang tiyan at ulo ko eh..." sabi nya..

"Ah ganon ba? o sige ingat ka ha?" sabi ko namansa kanya...

"Oo naman.. I love you!" sabi nya sabay kiss sa pisngi ko.

"I love you too Noel!"

At umalis na siya,.. nakakapagtaka! Kanina lang ang sigla niya.. Kinakabahan ako... Diko namalayang sinusundan ko na pala siya... Patago-tago lang ako. Then may nilapitan siya... y-yung babae! yung babae kanina! Hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan. Napaluha nalng ako nang mapansin kong kinabig niya ang babae at hinalikan! At hindi lang simpleng halik, isang matagal at marubdob na halik! The girl responded! And they remained kissing until they saw me... Then hiniwalayan niya ako sa oras ding iyon... -End of Flashback-

Sabi niya noon na napagtripan lang daw niya ako at niligawan. Hindi niya talaga akong minahal. Trip trip lang daw! Yung babaeng kahalikan niya ay ex niya noon at mahal pa raw nila ang isa't isa... Tsk! tsk! Manloloko talaga!

Nakaupo parin ako sa bench nang mapansin kong malapit na ang susunod na klase ko.. Math pa naman yun! Tumayo na ako. Napansin kong nakatayo parin yung babae at lalaki kanina... Tsk! Maghihiwalay din kayo... May natatandaan tuloy akong bigla. Kahapon lang, si Noel, humingi siya ng tawad. Gusto raw niyang makipagbalikan. Like duh!! Hindi na ako tanga gaya ng dati! Pinagsasampal ko nga at ipinahiya sa mga studyanteng nakapaligid. Para naman matauhan! Ha-ha-ha buti lang yun sa kanya! He deserved it! Kulang pa nga yun eh! Kung pwede lang, gusto ko ipa-salvage nang mabawasan ang manloloko sa mundong ibabaw!

He didn't know that every girl's heart is fragile! It's precious as life! Every girl's heart has the capability to be hurt! He should put that in mind! Na-out balance ako bigla! Naputol yung heels ng shoes ko! Natapon yung mga librong dala ko! Pinikit ko ang aking mga mata. Handa na akong bumagsak! Naku! Mamamatay na ako! 1... 2 ... 3 ....4 ....5 ...6....7....8 ....9... teka... teka ... ba't ang tagal ko namang bumagsak sa floor!? Dinilat ko ang aking mga mata... Namamalikmata na ba ako!? Ba't may anghel? Ang gwapong anghel naman nito! Hindi niya parin ako binitawan. Buti naman! Tsansing na to! Nagtitigan lang kami na may ngiti sa bawat labi..

"Hi! Im Chamuel!" sabi niya habang nakangiti...

Bumilis ang tibok ng puso ko.. Di ko inaasahan na muling titibok to! Akala ko wala na talaga... I didn't know that every heart has the ability to heal and love back again...

                                                                                  -The End-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Every HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon