The Last Dance 3

148 13 0
                                    

Excuse kami ngayon sa klase, may praktis kasi kami ni Liam.

Nasa isang court kami malapit sa school. wala namang gumagamit ng court kaya dito nalang kami magprapraktis.

"Ano game kana my dancing princess?" sabi niya.

"Anong my dancing princess ka diyan?"

"Mula ngayon my dancing princess na ang tawag ko sayo."

Ano daw? dancing princess niya?loko loko talaga.

"Anong my dancing princess? tigilan mo nga ako. Para kang ulol eh."

"Harsh ka naman ehh. Gusto kung itawag sayo yun eh. ay hindi! my princess nalang." ngingiti ngiti pa siya. Parang baliw talaga. Pero ang cute niya.

"Bahala ka nga."

"Halika magpraktis na tayo." sabi niya.

Lumapit naman ako sa kanya.

"Hmm. paa muna praktisin natin pagkatapos kamay naman tas sabay na okey ba?" tanong niya.

"Ikaw bahala, kaw naman ang choreographer dito eh."

"Sige ba." tas ngumiti na naman siya.. cute cute talaga niya.

.

.

.

Tapos na namin ang step sa paa. ngayon naman kamay.

"Teka pahinga muna tayo." sabi niya.

"Pagod ka na agad? ang hina mu naman!."

Napansin kung lumungkot siya.

"Uy joke lang ha." sabi ko.

"Hindi okay lang." sabi niya na nakangiti. Cute niya ihhh! OmG! naaakit na ako sa kanya. "Tara kamay naman." sabi niya.

Syempre ngayon mahahawakan ko na ang kamay niya. kanina kasi kinokopya ko lang paa niya kaya hindi pa kami kailangan maghawakan.

Inabot niya yung kamay niya sa'kin kaya hinawakan ko...

Ang lambot ng kamay niya, ang sarap hawakan.

.

.

.

Tapos na namin ang kamay, ngayon naman sabay na. Kailangan na naming magballroom talaga.

[Danza kuduro] ang napili namin. swak kasi sa mga step namin.

.

.

.

Na-finalize na namin ang mga step. Susunod nalang praktisin pa namin lalo para matatandaan namin lahat.

"Uwi na tayo Liam?" tanong ko.

"Wait lang pahinga muna tayo my princess." sabi niya.

Parang pagod na pagod siya. Malalaki ang mga butil ng pawis niya. Parang mahirap din siyang huminga samantalang hindi manlang ako pinagpapawisan.

"Bakit my princess? May dumi ba ako sa mukha? Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" Medyo nahihirapan na tanong niya sa'kin.

"Ah wala naman parang. May sakit ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Wala huwag kang mag-alala sa akin mainit kasi." Paputol putol na sabi niya.

"Eh bakit paputol putol kang magsalita?"

"Wala my princess."

"Hmm.. bakit ba kasi gustong gusto mung tawagin akong my princess?" tanong ko.

"Kasi ikaw lang ang nakapilit sa'kin ulit na sumayaw." ngumiti siya tsaka tumingin sa langit. "Kung tutuusin hindi mo pa nga ako pinilit ehh. Kaya ikaw ang aking dancing princess." tumingin siya sa akin at ngumiti.

Magtatanong pa sana ako kung bakit ngayon nalang ulit siya nakasayaw pero nagyaya na siyang umuwi.

Nasasa gate na kami at hinihintay ang mga sundo namin.

Nasa likod niya ako.

*beep beep*

"Una na ako Liam." sabi ko

Pawis na pawis talaga siya.

"Sige mag-ingat ka Ivy. . . ." sabi niya pero may isa pa siyang sinabi. pabulong yun pero narinig ko.

Sumakay na ako sa sasakyan.

-----------------

Last Dance (SHORT STORY)-Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon