The Last Dance 4

136 13 0
                                    

Papasok na ako sa room. bukas na ang competition. kinakabahan ako. sana manalo kami, gustong gusto ko kasing manalo sa competition, gusto ko din kasing ipakita ang talent ko.. sana manalo talaga kami ni Liam.

"sige mag-iingat ka Ivy. . . dahil importante ka sa'kin."

yun ung sinabi niya sa'kin kahapon. anu kayang ibig sabihin nun?

"morning class." andito na si ma'am. pero wala parin si Liam. bakit kaya? anu kayang nangyari sa kanya?

"Ivy galingan niyo bukas ha. aasahan kung manalo kayo." sabi ni ma'am. nagnod lang ako. alam kaya niya kung saan nakatira si Liam??

.

.

.

kriiiiinnnnngggg!

break.

nasa canteen ako. mag isa. malungkot. bakit kaya wala siya? tatanungin ko nalang kay ma'am mamaya kung saan nakatira si Liam para mapuntahan ko.

"haay! miss ko na siya." pabulong kung sabi...nagulat ako sa sinabi ko. bakit ako nagkakaganito. hinahanap ko siya tas namimiss ko. naaalala ko din yung mga ngiti niya sa'kin..

hmmmm..

.

.

.

bumalik na ako sa room.

boring naman kung wala siya. siya na nga lang yung kaibigan ko dito ehh. ewan ko ba kung bakit siya pa ang napili ko kaibigan eh lalaki siya tsaka madami namang babae dito. ba't siya pa? ba't siya pa na lalake.. haay! ang hirap mag-isip..lagi nalang siya ang iniisip ko.

hmmmm..

.

.

.

"class dismiss." sabi ni ma'am.

kriiiiinnnngg! sakto tumunog na din ang bell.

****

kinabukasan..

7:30am palang andito na ako sa school nakamake-up na ako. ewan ko ba excited na kinakabahan ako.

9:00am mag-iistart ang competition.

Si Liam wala pa din siya. kailangan naming magpraktis kahit isang beses lang. kinakabahan ako. kami ang pangalawang mapeperform kasi 2nd year kami.

8:00am. wala pa si Liam.

.

.

8:15am. wala pa din si Liam.

.

.

8:30am. wala pa siya.

.

.

8:50am. wala talaga.

magna-9 na wala pa din siya. kinakabahan ako. darating pa kaya siya?? anu ng nangyari sa kanya? mag-iistart na ang laban.

"ladies and gentlemen let us begin the competition..ang unang kalahok ay ang first year students." sabi ng emcee.

palakpakan ang mga nanunood.

nag-istart na. naiiyak ako!

halos nakakalahati na ang mga first year..naiyak na ako! @_@ wala na si Liam. hindi na siya darating.. lumabas ako sa fitting room na umiiyak.

"tahan na. mabubura na yang make-up mo eh" pamilyar ang boses na yun..Liam??? tinignan ko kung sino ung nagsalita.

si Liam nga! nakangiti pa siya. tumakbo ako at niyakap siya...

"ang daya mo! akala ko hindi ka na darating!" sigaw ko sa kanya. kumalas ako sa yakap niya tsaka hinampa-hampas ko siya.

"opss! haha.. ang sakit." sabi niya kaya tumigil ako.

umiiyak parin ako.

"tahan na my princess. nabura na ang make-up mo oh.papangit ka na sige." pinunas niya ang mga luha ko gamit ang kamay niya.

"kala ko kase hindi ka na darating ehh!"

"pwede ba namang hindi. di ba promise ko ipapanalo natin lahat." ngumiti siya sa'kin

"let's call the next performer from the 2nd year students." tawag ng emcee kaya dali na kaming pumunta sa stage.

palakpakan ang mga tao. yung mga classmates namin sinisigaw ung mga pangalan namin.

kinakabahan ako. tinignan ko si Liam ngumiti siya sa'kin. lumakas ang loob ko dahil sa ngiti niya.. para bang energy ko na yun. natanggal ang kaba ko.

.

.

hinawakan na ni Liam ang mga kamay ko.

.

.

na-play na ang kanta.

.

.

.

.

tapos na lahat ng performer. iaanounce na ng emcee ang panalo.

"the 2nd runner up is..." 

*togodogodong*

"1st year!" palakpakan ang mga tao.

umakyat ang mga 1st year sa stage at kinuha ang tropy.

"1st runner up is...."

*togodogodong*

"3rd year students!" palakpakan din ang mga tao.

umakyat din ang mga 3rs year sa stage para kunin ang tropy.

wala na kaming pag-asa. talo na kami 4th year na ang mananalo. di bale binigay naman namin ang lahat.

tinignan ko si Liam na kanina pa nakaupo kasi napagod na naman.

tumungin din siya sa akin at nginitian lang ako.

"and the winner is....."

ayan na! kinakabahan ako! iaannounce na kung sino ang panalo.

*togodogodong*

"and the winner is......this is it......give them a round of applause....2nd year!!!" sab ng emcee... anu daw?? 2nd year? kami ba? tinalo namin ang 4th year! sigawan at palakpakan ang mga tao..

"please winners claim your tropy." hindi ako makapaniwala! ang saya ko! kami ang panalo! yowhoo!

Lumapit sa akin si Liam na nakangiti at iniabot ang kamay niya kaya hinawakan ko. sabay kaming pumunta sa stage na naka holding hands. sigawan ang mga tao. kinikilig ako!

haha..

.

.

.

uwian na pero nandito parin kami ni Liam sa bleachers. nakaupo. hindi kami makapaniwala pareho na kami ang nanalo. sobrang saya ko.

tumingin ako kay Liam na nakatingin din pala sa akin kaya nginitian ko siya.

"sinong maghahawak ng tropy?" tanong ko.

"ikaw." sabi niya na nakangiti.

"di ba sabi mo sa akin na ngayon ka na naman nakasayaw? tsaka ikaw ang choreographer dito kaya ikaw ang kumuha." sabi ko naman.

"ikaw na lang my princess." sabi niya sa akin.

"ikaw nalang kasi .magtatampo na ako pag hindi mo 'to kinuha. sige ka."

kinuha niya ung tropy tsaka ngumiti sa'kin.

"uwi na tayo?" tanong ko.

"sige."

****

Last Dance (SHORT STORY)-Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon