Wala ng klase. wala kasi si teacher. nakabawi na ako sa wakas..hindi pa din ako makapaniwala sa mga sinabi sa'kin ni Liam.
nasa canteen ako ngayon. mag-isa. hindi ko alam kung nasaan si Liam may pinuntahan yata.
"Ivy."
speaking..
umupo siya sa harap ko. at nakangiti. ewan ko ba? kahit na alam kung napahiya siya kanina. nakangiti pa rin siya. yan ang Liam ko.
Hindi ko alam bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing nakikita siya pero bakit hindi ko sinabing mahal ko siya.. dahil siguro sa nagulat lang ako.
"Ivy magpraktis daw tayo." sabi niya.
"ngayon na? " tanong ko. na hindi tumitingin sa kanya.
"oo tara." iniabot niya ung kamay niya kaya iniabot ko din ung kamay ko. suot niya ang singsing.
tumayo na ako at naglakad. binitawan niya ako. siguro nahihiya siya sa mga tumitingin sa'min.
Sa dati parin kami magprapraktis.
.
.
nakarating na kami sa court.
.
.
gaya ng dati inuna namin ang steps sa paa. ginagaya ko lang siya.
pagkatapos ng paa. kamay naman.
.
.
tapos na ang kamay. kaya sabay na para mamemorize na namin.
nagpahinga kami .pumunta muna ako sa comfort room.
.
.
[breathless] ito ang napili naming kanta kasi maganda at tugma sa mga step namin.
sumayaw na ulit kami.
biglang naapakan ko ung paa niya kaya muntik na akong matumba pero nahawakan niya ang kamay ko...at nagulat siya kasi suot ko na ang singsing.
malapit na ang mukha namin sa isa't isa..nagkakatitigan na kaming dalawa..at sa isang iglap nahalikan niya ako sa labi..first kiss ko yun..
tumayo ako ng tuwid at tumalikod sa kanya..niyakap niya ako mula sa likod..
"salamat my princess."sabi niya.
kumalas siya sa yakap namin. hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at ihinarap sa kanya.
"sinuot mo na ang singsing." nakangiting sabi niya.
nagnod lang ako.
ngumiti siya kaya ngumiti lang din ako.
"gusto kung marinig ang sagot mo Ivy." savi niya.
"mahal kita."
"pakiulit nga?" sabi ulit niya.
"mahal kita Liam diko alam kung kelan 'to nagsimula pero sa tuwing nakikita kita masaya na ako. sa tuwing ngumingiti ka napapamahal lalo ako sayo at alam mo kung hindi kita nakikita. namimiss kita gusto lagi kitang kasama dahil hindi makokompleto ang araw ko kung hindi kita nakikita Liam Mahal kita."
niyakap ulit niya ako. "mahal kita.mahal na mahal Ivy"
kumalas siya at ngumiti sa akin. "wala pa sa kamay mo kanina yan ahh. kailan mo sinuot?"
ngumiti ako sa kanya.
"kaninang pumunta ako sa comfort room."
"hehe.." lumapit siya at hinalikan ang noo ko.
ang sweet niya.. isa lang ang nasiguro ko. mahal ko talaga siya.
"anu my princess praktis na ulit tayo?" tanong niya sa akin.
"sige ba."
.
.
.
tapos na ang praktis ..nasa gate na kami at hinihintay ang sundo namin.
unang dumating ang sundo ni Liam.
"halika na my princess hatid nalang kita sa bahay niyo." sabi niya.
"pero panu si papa?"
"text mo nalang siya. halika na .hindi ko naman hahayaan na mag-isa ka lang dito baka kung mapanu ka ehh. tsaka baka makahanap ka ng mas pogi sa akin." sabi niya. sobrang nakikilig na ako.
sumakay nalang ako sa sasakyan.
"princess mahal kita." sabi niya tsaka hinawakan niya yung kamay ko.
"kaw ha ang drama drama mo." sabi ko.
ngumiti lang siya.
"basta tatandaan mo na mahal kita okey. wag na wag mo akong ipagpapalit. bobogbogin ko yang ipapalit mo sa akin sige ka. tsaka ang ibig sabihin ng singsing na yan. kasal na tayo." sabi niy na nakangiti habang hawak pa din niya ang kamay ko.
"kung anu anu naman ang mga sinasabi mo. opo hindi po kita ipagpapalit. mahal din kasi kita." sagot ko sa kanya.
"promise?"
"promise po."
kiniss niya ako sa pisngi.
-------------