The Search Is Over (Lovestory of a Fangirl) chapter 1

92 3 0
                                    

CHAPTER ONE

Namumutla. Namumutog ang pawis. Balisa at hindi mapakali. Mabilis ang tibok ng puso. Ooooppps, it’s not what you think! Hindi po ako na si- CR at mas lalong hindi po ako addict! Ngayon kasi ang kauna unahang beses na makikita ko sya sa personal. Pagkatapos ng ilang taon na ipinagkakasya ko nalang ang aking sarili na makita sya sa t.v., sa mga billboards at sa mga social sites.   Sa wakas makikita ko na ng mas malapitan ang aking idolo. Ang aking idolo na sa kabutihang palad ay hindi nagmana sa akin sa makabasag eardrum kong boses at katawan na tila hindi na yata lalambot sa pagsayaw kahit ilang oras o litro pa ng kumukulong tubig ang gamitin. Ang saklap diba? Pero okay na rin yon. Wala akong hinanakit na naramdaman o ni kailan man ay nakaramdam ng inggit, kasi kung nagkataon ay malamang ako ang idolo at sya ang aking fan J.  

Siya ay si Olivia . May maganda at  napaka among mukha. May mala anghel na tinig. Giginawin ka nga raw sa lamig ng kanyang boses. Hanep din kung humataw sa dance floor. Aba’y kung makahataw kala mo ay wala ng bukas. Hataw kung hataw at bigay kung bigay sa pag todo sa pag sayaw. May balingkinitan na katawan. Not to mention ay extra small nga lang daw ang sukat ng kanyang mga damit. Kasya din naman sa akin ang extra small na damit, yun nga lang malamang ay hanging blouse ang kalala basan J Napaka puti at napaka kinis ng kanyang balat. Bond paper lang ang peg. Isa din pala syang napaka husay at epektibong actress. Magaling siya sa comedy. Pero forte nya ang pagpapakilig kaya naman lahat ng rom-com (romantic comedy ) movies nya ay patok sa takilya. E paano ba naman, e ako palang nasa sampung beses ko ng panonoorin. Kulang nalang ay doon sa sinehan na ako matulog, at maglatag ng banig. OA kung iisipin pero ganon yata talaga ang buhay ng isang Fangirl. Pagod, magastos pero masaya at fulfilling. Pagod dahil mistula akong kabute at ninja na basta nalang susulpot kung saan man sya may shows, presscon at shooting. Magastos dahil kailangan ay tangkilikin mo ang mga produktong ineendorso kapalit ng isang napadalang na pagkakataon na makaharap siya ng malapitan at kung susuwertihin ay makaka selfie kapa with her. Pero lahat ng iyan ay matutumbasan ng saya dahil sa inspirasyon na naidudulot ni Olivia sa buhay ko. Sa bawat yugto ng buhay ko ay pilit kong itinatanim sa aking isipan na tulad niya ako rin ay dapat na maging mabuting Anak sa ating Maylikha at mga magulang at mabuting kapatid sa ating mga kapatid at kapwa.

Malapit na ang Hulyo. Malapit na rin ang kaarawan ni Olivia. Sinyales na rin ito na kailangan ng mag-ipon para kahit papaano ay may something na maibalot at maihandog sa kanya para sa kanyang kaarawan. Napakaswerte namin at binibigyan kaming mga tagahanga  ni Olivia ng pagkakataon na magkaroon ng simpleng piging kasama nya sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan at Pasko. Maliban sa pagkain, ay mas kinasasabikan namin ang pagkakataon na malapitan sya at makausap ng malapitan at personal.  

At dumating na nga ang araw na iyon. Alas otso na ng gabi ng dumating si Olivia sa pagdadausan  ng piging. Tulad ng inaasahan ay dumating siya na simple lamang ang kanyang kasuotan. Lutang na lutang ang ganda at hubog ng kanyang katawan sa kanyang puting t-shirt at jeans. Sabi nga nila ay kahit basahan pa daw ang ipasuot sa kanya ay maganda pa rin sya. Amen naman to that! J  

 Nagsimula na ang party. May maiksing programa. Mayron pa ngang singing at dance contest ala IDOL. Sa kasamaang palad dahil sa hindi ako pinalad ay taga palakpak at taga panood nalang ang peg ko. Bakas sa mukha ng bawat isa ang kaligayahan. Aaminin ko ako man ay talagang maligaya din sa mga oras na iyon.  

Busy at hindi magkanda kumahog ang lahat sa kanilang mga camera para kunan ng picture si Olivia. Isa na ako doon. Sa kabila ng init ng panahon ng mga oras na iyon ay tila wala ng mas iinit pa sa alab ng saya na nararamdaman ng bawat isa. Sa tuwa ay saglit kong inikot ang aking paningin sa paligid ng bigla akong napatigil sa aking nakita. Pilit kong winawari kung totoo ba ang aking nakita. Dagli kong tinanong ang aking sarili “ Berna, nag aaddict ka na naman ba at nag ooverdose sa kape”? ikinurap ko na makailang beses ang aking mga mata at baka ka ko sa aking sarili ay may muta lang ako kaya may parang imahe na parang nabuo sa aking paningin. Pero hindi ako maaring magkamali. Tao siya. Hindi siya produkto ng aking imahinasyon at pag ooverdose ng kape. Tao siya. Lalaki. Matipuno. Adonis. Mabango. Nasaan ang aking ulirat ng mga panahon na iyon para hindi ko mamalayan na nasa tabi ko pala ang isang lalaking papangarapin ng lahat. Ang lalaki na gugustuhin ng sinuman na syang pumuno at kumumpleto ng lahat sa kanya.  Isang lalaki na siyang magbibigay ng kahulugan at kabuluhan sa iyong pag ka babae.

The Search Is Over (Lovestory of a Fangirl)Where stories live. Discover now