All of Me [Jay's POV]

43 0 0
                                    

All of Me (Jay’s POV)

Akala ko dati, yung LOVE na pinaniniwalaan ko, ay isang ilusyon lang.

Akala ko dati, sa mga nobela at pelikula ko lamang yun makikita.

At higit sa lahat, akala ko noon, ang isang taong katulad ko ay hindi mararanasan kahit kalian ang ganung pakiramdam…

But when she existed in my life, I started to become a fan of destiny; I started to believe in the magic of love.

At ngayon, ito ako, nakaharap sa salamin, nag-aayos ng buhok, nagpapabango at tinitignan kung maayos na ba ang suot suot kong damit.

Tinignan ko din kung maayos at kumpleto na ba ang ibibigay ko para sa kanya.

Muling humarap sa salamin, muling nag-ayos ng buhok, muling nagpapabango, muling inaayos ang sarili at muling tinitignan ang ibibigay ko para sa kanya. Paulit-ulit, as in ilang beses ko ng ginagawa ang mga iyon, pakiramdam ko nga nababaliw na ako sa mga pinag-gagagawa ko. Nararamdaman ko rin na parang magkakasakit na ako sa sobrang init ng katawan ko, siguro sa sobrang nerbyos at kaba.

“Woooooooooooohhhh!!!” –sigaw ko para naman kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Ganito pala no? Ganito pala ang pakiramdam kapag magtatapat ka na sa taong matagal mo ng minamahal.

Pagtingin ko sa aking relo ay mag-aalasyete na, alas-otso pa naman ang oras ng usapan namin, pero syempre mas gusto kong pumunta doon ng mas maaga, una syempre para ma-double check ko yung lugar na kung saan ang usapan namin, at pangalawa ay syempre naniniwala ako sa kasabihan na “An early bird catches the worm” HAHAHAHA.

Pero bago ako tuluyang umalis, humarap muna ako sa altar at nagdasal,

“Lord, kamusta na po? Maraming salamat po sa lahat. May isang bagay po sana akong hihilingin ngayon, nawa’y gabayan nyo po ako mamaya sa pagtatapat ko po ng matagal ko ng tinatanong nararamdaman sa babaeng mahal na mahal ko. Sana rin po ay umayon lahat ng nasa plano ko. Sa Inyo ko po itinataas ang lahat ng panalangin ko. Amen.”

Pagkatapos noon ay agad na akong umalis sa bahay dala-dala ang iba’t-ibang emoyson. Kaba, takot, pag-aalala, tuwa at excitement.

Naglakad na ako papunta sa lugar na pinag-usapan namin. Isa iyong restaurant na nirentahan ko, iyon ang restaurant na lagi naming dalawang kinakainan. Kaya iyon ang naisipan kong lugar na kung saan mgtatapat ako. Walking distance lang iyon mula sa aming bahay kaya naman ay nilakad ko na lamang at para na rin makasagap ako ng sariwang hangin at mawala kahit papaano ang mga tila paru-paro na umiikot sa tiyan ko.

All of Me. (Jay's POV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon