Chapter 14

21.5K 305 6
                                    

Hayley’s POV

 

Nagising ako ng maaga para magluto ng almusal

 

Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyari kahapon

 

Magluluto lang ako ng bacon ngayon

 

“Goodmorning Hayley!”

 

“Ay palakang may malaking mata!” napasigaw naman ako dahil sa sobrang gulat

 

“Kelan pa ako naging palaka ha?”

 

Si Claude? Kinakausap niya ako? Ulit???

 

“Uh-uhm.. Morning Claude, wait ihahanda ko lang breakfast mo para makapag-breakfast ka na”

 

Hindi ako komportable tae. Kahit ba bestfriend ko itong lalaking ito, nakakapanibago pa din siya.

 

“Bakit ikaw? Nag-breakfast ka na ba?” tanong nito sa akin

 

May sapak ba ito? Hindi na ba siya galit sa akin?

 

“Uhm.. A-ano, hindi pa. Mauna ka na lang, ayaw mo naman ako makasabay mag-breakfast diba?”

 

Nagulat naman ako nung hawakan niya ang dalawang kamay ko at hinalikan ako sa noo

 

Naramdaman ko naman na nag-init yung pisngi ko

 

Pagkatapos naman ay tinitigan ako nito sa mata

 

“Ano bang sinasabi mo? Ang mag-asawa dapat sabay laging kumakain”

 

“C-claude?” wait lang. Hindi masink-in sa utak ko yung mga sinasabi niya

 

“Oh baket? Narinig mo naman yung sinabi ko diba? Mag-asawa tayo, dapat sabat tayong kumakain”

 

Umiwas ako ng tingin at bumitiw sa pagkakahawak niya.

 

Putspa, naiilang ako

 

Bakit ganito yung mga kinikilos niya?

 

Diba dapat matuwa pa nga ako kasi hindi na siya galit sa akin?

 

“A-a-ah sige Claude. Ihahanda ko na yung mga plato para makakain na tayo” utal kong sabi dito

 

“Okay! Tulungan na din kita Hayley” sabi nito sa akin tapos hinalikan na naman niya yung noo ko

 

Naiwan naman akong parang istatwa sa kinatatayuan ko

 

“Come on Hayley. Let’s eat already” he said with a smile then he grabbed my right hand and lead me in our table then pulled one chair offering me to sit

 

Si Claude ba talaga ito? Nakakapanibago talaga

 

“Are you just gonna stare at me?” sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko kaya naman natauhan ako

 

Naramdaman ko na naman na namula ako

 

“H-ha? Hindi, e-eto na kakain na” utal kong sagot sabay tumungo sa pagkain ko

 

Natapos na kaming kumain. Ang sabi ko kay Claude na ako na ang maghuhugas ng mga plato, pero sabi niya na siya nalang daw

 

“C-claude?” tawag ko sa kanya

 

“Yes Hayley?”

 

“May pasok ka nga ngayon diba? Maghanda ka na”

 

“Bakit ako lang?”

 

“Huh?” ano bang sinasabi niya?

 

“Ang sabi ko bakit ako lang ang maghahanda eh diba sasama ka sa akin sa shoot?”

 

“Ano?!” gulat kong tanong dito

 

“Hahaha! Sasama ka sa akin diba? Sige na maligo ka na, tumawag na si Charlie kailangan nandun na tayo by 10AM” sabi niya sa akin habang nakangiti at hinalikan na naman niya ako sa noo

 

“P-pero Claude—“

 

“10 AM!!!!” sabi niya na para bang sinasabi na mag-ayos na ako

 

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya

 

Ano nalang ang sasabihin ng mga tao kapag nakita kaming magkasama? Hindi naman nila alam na mag-asawa kami at hindi din nila alam na mag-besftriend kami

 

***

 

*Tok-tok-tok*

 

Pagkatapos kong magbihis, saktong kinatok na ako ni Claude sa kwarto ko

 

“Hayley? Tapos ka na ba? Aalis na tayo”

 

“Oo Claude. Lalabas na ako” sagot ko naman sa kanya

 

Tinignan ko muna ang sarili ko bago lumabas.

 

Napatawad na nga ako ni Claude at hindi na siya galit sa akin

 

 

Kaya naman lumabas ako ng nakangiti sa kwarto ko

The Greatest Martyr of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon