ANGHEL SI SATANAS DIBA ??

261 1 1
                                    

Hi!

Dae here!

This is my first time to write here.

I got to know about this site dahil kay http://www.facebook.com/Anamei.mar

I want my first work to be inspiring, something about life.

something that after reading...you readers would have questions in their beliefs.

at syempre...i want my first in tagalog ^^,

here's my first story... 

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Ang pilipinas ang kaisa-isang kristyanong bansa sa asya. Karamihan sa atin ay Romano Katoliko na masugid na sinusunod ang mga okasyong inilalatag ng simbahan. Mahal Na Araw, Pasko Ng Pagkabuhay, Araw Ng Mga Kaluluwa, Pasko, Bagong taon atbp. .

Me subject tayong Religion o Good Moral na inituturo ang mga bagay na mula sa Biblia at Kagandahang Asal. 

Marami sa mga pinunong pangrelihiyon ay nagsasaliksik para masagot ang mga katanungang pang ispiritual sa ating buhay.  Ang mga pari natin, bago maging pari ay nagaaral ng Theology. Masusing pinagaaralan ang biblia at mga paniniwala ng katoliko mula pa nung sinaunang panahon.

Maging ang mga pastor ng Iglesia ni Kristo, Mormon, Sabadista, Baptist at iba pang mga religious group ay matagal na pinag aaralan ang biblia. 

Ano ano ang mga katanungang bumabagabag sa ating mga tao na nasagot na?

May diyos ba?

San tayo pupunta pagnamatay tayo?

Ano ang dapat gawin para makapasok ng langit? (maraming sagot depende sa relihiyon mo)

Yan ay mga ilan lamang na katanungan natin.

Lahat ng kasagutan ay nakikita sa biblia. 

Ang tanong ko... lahat ba ng nasa biblia ay tama at dapt paniwalaan?

Siguro napailing kayo sa tanong ko.

Bigyan ko kayo ng isang scenario :

isang daang taon mula ng pagkamatay ni kristo...ay kumalat ang kanyang mga pangaral. Mga pangaral na kinuha ng mga propeta  para gamitin sa kanikanilang sekta. Isinulat sa papel ang mga pangaral na mula sa labi ni kristo. Ang mga papel ay ginawan ng kopya at nakarating sa iba't ibang bansa ng mga panahon nayon. sumibol ang ilang mga relihiyon sa mga bansa na narating ng mga kopya at ito ay pinalago ng kulturang binagsakan nito para maging iba sa kopya na nasa iba pang bansa. Sa mga panahon na yon  ay  talamak ang alitan at digmaan. Ang isang bansa ay mananakop ng isa pang bansa. Magtatagumpay ang mananakop at sisirain ang kasaysayan ng bansang sinakop. kasama sa mga sisirain at susunuginng paniniwala ang kopya ng salita ng diyos na nakarating sa bansang sinakop. Ang bansang nanakop ay ipaguutos na sundin ang relihiyon nila na siya ring mula sa kopya ng salita ng diyos na nahaluan ng kultura ng mananakop na bansa. Dalawang kopya ng salita ng diyos, Dalawang kulturang humalo d2 para ibahin ito sa kapwa kopya. Isng gera na sisira sa isng kopya at tatanggalin ito sa kasaysayan. Isang kopya lang ang matitira na kung saan ang kultura ng bansang nagwagi ay naihalo na.

isang daang libong taon na ang lumipas mula sa digmaan na naganap. halos libo libong digmaan ang nangyari na. Isang milyong mga kopya ng orihinal na salita ng diyos ang nasunog at nasira. Ang mga natirang kopya ay nahaluan na ng luma at makabagong paniniwala ng tao. hanggang sa dumating ang imperyong romano at nilikom ang mjga natitirang kopya ng diyos at pinili ang mga sa tingin nila na totoo. Nang nakapili na ay itinatag ang romano katoliko na hinaluan ng mga paniniwala , okasyon at seremonyas ng  barbarong relihiyon ng mga bansang kanilang sinakop para masmadaling tanggapin ng kanilang nasasakupan.

at ngayon...hawak mo ang biblia..ang tanging kopya ng pangaral ni hesus. Ang mga animnapu't anim na libro na syang tanging nakasurvive sa mga digmaang nangyari sa ating kasaysayan.

Ang salita ng diyos....

Muli akong magtatanong... dapat bang paniwalaan ang lahat ng nasa biblia?

lahat ba ng nilalaman nito ay syang mismong nanggaling sa labi ni Hesus?

Hindi ba ito nahaluan ng mga nagdaang mga kultura ng ating mga kasaysayan?

Ano ba ang nais kong iparating?

Hindi ba na dapat ay hanapin din natin sa sarili ang ilang mga sagot na maaaring wala sa biblia?

mga ideyang sa tingin natin ay kabaliwan at walang kabuluhan?

sabi nila ay ang isip nang tao ay makapangyarihan.

hindi ba't ang laman ng biblia ay galing sa mga propeta? Ang mga propeta ay mga tao rin diba?

Isinulat ko ito hindi dahil sa salungat  ako sa mga paniniwala ng simbahan.

Bininyagan akong Romano Katoliko nung ako ay sanggol pa lamang, Bininyagan akong muli nung ako ay 14 yrs old at naging Baptist.

Hindi man malalim ang paniniwala ko ngunit alam kong may diyos.

Ulitin ko...bakit ko isinulat ito?

Kasi may tanong ako....

Tunay nga bang masama si satanas?

Ano? napa iling na naman kayo?

Naging kontrebersyal ang "Da Vinci Code" at ang "Angels And Demons".

Ang mga ito ay mula sa kathang isip ng mga tao.

Ngunit bakit ito nanging kontrobersyal?

Kasi ito ay may mga punto.

Wala man sa Biblia pero may tinutumbok.

O ang tinatawag nating INTELLIGENT ARGUMENT.

isinulat ko ito para sa sariling Nobela na para sa akin ay kontrebersyal...

 ....... Ang libro ni Anne Rice na... "Memnoch The Devil".

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Wait for my next installment. I'll tell you the story of Memnoch and why i find it controversial.

I would appreciate your comments and suggestion

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ANGHEL SI SATANAS DIBA ??Where stories live. Discover now