Prologue

1.1K 20 7
                                    

Lumaki akong bantay sarado ng magulang ko. Lahat ng gawin at ginagawa ko, kailangan pinapaalam, kulang nalang pati paghinga ko bantayan din nila.

Wala namang kaso sa akin, kasi naiintindihan ko sila bilang magulang ko.

Iniisip lang naman nila ang kapakanan ko at kinabukasan ko. Dahil sa panahong ito, marami na ang napapariwara ang buhay. Marami na ang nabubuntis sa murang edad.

Pero sobra naman diba?

Like duh! Wala nga akong boyfriend, tapos mabubuntis? Ano yun? Papasukan ng invisible na ano yung ari ko?

Nakakatawa.

School at bahay lang ang lagi kong napupuntahan.

Gigising sa umaga, para pumasok at mag-aral at kapag tapos na ang school hours, andyan ang driver nila Mommy para sunduin naman ako para umuwi na ng bahay.

Araw-araw ganun ang routine. Nakakasawa.

Kung minsan nakaka-inggit yung mga kaklase kong pagkatapos ng school hours, nagyayayaan na gumala sa kung saan.

Pero ako, kahit yayain ako ng mga kaibigan ko, palaging ang sagot ko ..

'HINDI PWEDE EH.'

Hindi ko naranasan magsaya kasama ang mga kaibigan ko. Ni hindi ko naramdaman na makalabas ng bahay bukod sa pagpasok sa school araw-araw.

Nakakaboring ang buhay ko sa totoo lang, pero wala akong magagawa. Talagang mas matatakot ka sa galit ng mga magulang mo once na sinuway mo sila.

Yung mga habilin nilang halos kabisado ko na kasi halos araw-araw nalang nilang pinapaalala sa'kin.

Andyan yung bilin nila kapag nakikita nila akong ngumingiti mag isa at nakatingin sa cellphone, ito agad ang sasabihin nila ....

1. Jade, huwag na huwag kang magpapaloko sa mga lalaki ha. Sinasabi ko sayo, magtatapos kapa.

'Ma, Pa, Ngumiti lang ako, di naman ako mabubuntis agad!'

Tas meron pa, kapag nagpapaalam akong pumunta sa party ng kaklase ko o kaibigan ko, ito agad ang sinasabi nila ...

2. Jade, alam mo namang hindi ka pwedeng umalis ng gabi diba? Paulit-ulit na naming sinasabi sayo na kailangan mo mag-aral dahil malapit kana mag college.

oh diba?

Ang sarap sabihing, 'Ma, Pa, Party lang naman pupuntahan ko. Panay na nga ako aral ng aral sa kwarto ko e, halos makabisa ko na yung mga libro ko kakaaral'

at ang huli,

3. Jade, huwag na huwag kana muna mag boyfriend ha. Tsaka kana mag boyfriend kapag may trabaho kana at kaya muna buhayin sarili mo.

'hays buhay'

Pero kahit na ganun, mahal na mahal ko ang magulang ko.

Dahil kung wala sila, walang Jade na maganda, matalino, mabait pero minsan maldita.

Hanep sa confidence noh! Hahahaha, ganun talaga. Pinalaki kasi ako ng magulang kong malakas ang bilib sa sarili.


Well, ako nga pala si Jade Alexa Ramirez.

Ang may STRICT PARENTS.

MY STRICT PARENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon