Nag-inat ako matapos kong mag-mop. Grabe! Ang sakit sa likod, ha? Ngayon ko narealize na ang hirap nga talaga ng trabaho ng mga janitor/janitress tapos minamaliit lang sila? Hindi kaya biro yung maghapon kang nakayuko dahil sa paglalampaso!
"Water?"
Nilingon ko si Blake na inaalok sakin ang halatang malamig na bottled water. Naubos ko na kasi yung baon kong tubig. Ikaw ba naman maglinis ng dalawang oras hindi ka uuhawin?
"Salamat,"
Tinungga ko agad ang malamig na tubig. Para akong nahimasmasan sa sarap dahil sa lamig na dumaloy sa lalamunan ko.
Sumalampak ako sa gilid nang maubos ko ang tubig. I love friday talaga! Naka-pe pants kasi kaya kumportable ako lagi sa upo ko.
Umupo rin sa tabi ko si Blake. Nakapatong ang siko niya sa dalawang tuhod niya. Hindi na ako nag-abalang umurong dahil sa pagod. Tsaka sanay na rin naman ako.
"Are you hungry?" tanong nito at ramdam ko ang pagsulyap niya mula sa gilid ko.
"Medyo,"
Busog ako nung nag-umpisa kaming maglinis kanina pero dahil dalawang oras straight kaming naglinis malamang gugutumin talaga ako.
Pinanood ko siyang tumayo mula sa gilid ko. Pinagpagan niya ang pants niya bago ako sulyapan.
"I'm going to get us some food. What do you want?" Sasagot pa lang sana ako pero nagsalita na siya ulit. "Nevermind. I already know what food you want."
Hindi niya na hinintay ang sasabihin ko dahil tinalikuran niya na ako at naglakad palayo. Pinigilan ko ang sarili kong mangiti. May magandang nadulot din talaga yung pagco-community service namin, e. Halos alam na ata ni Blake lahat ng tungkol sakin.
Pinanood ko lang ang mga schoolmate ko na naglalakad sa harapan ko. Bigla akong napatayo nang may sumipa sa timba na nasa gilid. Nagkalat ang kulay itim na tubig kaya nagpanic ako dahil baka may madulas!
"Anong ginawa mo?!" sigaw ko sa babaeng sumipa ng timba.
Kinuha ko agad ang mop at nilampaso ang sahig na nabasa. Natataranta ako dahil ang bilis umagos ng tubig!
"'Di ba community service? Pinaglilinis lang kita dahil nakaupo ka lang naman dyan. Baka gusto mong ireport kita kay Ms. Polipio dahil sa ginagawa mo?" may mapang-asar na ngiti ang naglalaro sa labi niya.
Kinagat ko ang labi ko. Galit na galit ako pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil alam kong sa huli ako rin naman ang kawawa.
Pamilyar ang mukha ng babaeng 'to sakin pero wala akong oras para pagkaabalahan ang mukha niya at isipin.
Ramdam ko na ang kirot at sakit ng likod ko dahil sa muling paglilinis pero hindi ko iyon ininda. Mas mahalagang matapos ko agad 'to dahil sisilipin kami mamaya ng assistant ni Ms. Polipio. Kapag nakita niyang marumi pa rin ang hallway at lagpas dalawang oras na paniguradong lagot kami ni Blake.
"Dagdagan pa kaya natin? What do you think?" maarte nitong tanong sakin. Humakbang pa siya palapit.
"Please, ayoko ng gulo."
Umangat ang kilay nito. Ilang segundo ang lumipas bago siya bumunghalit sa tawa.
"Please, ayoko ng gulo," she mimicked. "Hindi naman gulo ang dala ko rito, a? I just want to enjoy. Tsaka hindi ka ba nabuburyo? Wala kang ginagawa? Bibigyan na lang kita para hindi ka naman sarap buhay dyan."
Lumingon siya sa likuran niya at may sinenyas. Naglakad palapit ang tatlo pang babae. May kinalat silang liquid na iba't-iba ang kulay. Para akong nanlumo habang tinitignan ang sahig.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^