Isabelle POV
Nandito ako ngayon sa room.. Nakatulala.. Thoughts for today, yung project with Tan, nung sinabihan niya ko na ihahatid niya ko which is really weird because we're not even friends, and lastly magsasayaw kami nila Kim..
Kim, Camille, Kylie and Mimi blockmates namin sila last year. So clearly anim kaming magkakaibigan at kilala rin nila sila Chris. Maya maya pa mag uuwian na rin, yung prof namin fifteen minutes na nga lang natitira sa time hindi pa sinagad yung discussion. Sayang tuition, di namin nasusulit -__-
"Hoy!" Sigaw sakin ni Riya
Nabalik naman ako sa diwa ko sa pagsigaw niya
"What?" Tanong ko dito
"Tulala ka nanaman" Riya
"Bakit ba? Marami akong iniisip okay?" Pagmamasungit ko sakanya
"Tanggapin mo na kasi.. No choice na rin naman oh" pag pilit ni Riya sakin
"Whatever" Ako
Maya maya pa, nagpaalam na yung prof namin tapos lumabas na. Kaya kami nag ayos na rin ng gamit pati ng sarili..
"Bess, di ako sasabay sainyo sa parking ha" sabi ko kay Janna habang naglalagay ng gamit sa bag
"Bakit?" Janna
"Diba sasama ako kay Tan after class"
"Oo nga pala.. Eh pano ka uuwi mamaya? Baka gabihin ka."
"Ihahatid niya daw ako" medyo naiilang kong sagot. Knowing them, alam kong mag rereact tong mga to'
"Oh?!" Medyo pasigaw nilang tanong
See? Sabi na eh
"I know. Ganyan din reaction ko nung sinabi niya yan. Hayaan niyo na baka nagpapakatino para matapos na agad yung project namin." Ako
Ayokong mag isip sila nang kung ano ano kaya inunahan ko na..
"Ah sige. Ingat kayo. Magtext ka ha?" Janna
"Opo" sagot ko
"Una na kami. Ingat kayo!" Paalam nila Riya
"Nga pala bess, nakapag paalam ka na ba kila Tita?" Janna
"Oo. Di naman ako sasama kay Tan kung hindi diba? Tsaka para naman sa project so okay lang sakanila."
Bumaba na si Janna, sinabihan ko rin siya na sabihin na lang kila kuya na kay Tan ako sasabay since gagawa kami ng project.
Paglabas ko nang room, nakita ko si Tan. Naghihintay?
"Kanina ka pa?" Tanong ko dito
Nakasandal siya sa wall, at nakapamulsa yung dalawa niyang kamay. Parang model... Or should I say feeling model?
"Ang tagal mo" reklamo niya
"Nag explain at nag bilin pa ko kay Janna eh. Sorry na"
Di ko alam kung bakit, pero parang wala ako sa mood magtaray ngayon. Hayyy... Moody ko talaga -__-
"Tara" aya ni Tan kaya sumunod na ko
Tahimik lang kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Ganda ng kotse niya.. White ang astig ang linis tignan.
"Ngayon ka lang nakakita ng kotse?" Sarkastikong tanong ni Tan, nakatitig kasi ako sa kotse niya..
"Hindi no, natuwa lang ako sa kotse mo" sabi ko at nginitian siya
Nakatingin lang siya sakin, ewan ko kung ano meron. May nasabi ba kong mali?
Maya maya pa, pumasok na siya sa kotse kaya pumasok na rin ako.. Ano kaya nangyari don?

BINABASA MO ANG
I am Isabelle Scott
Ficção AdolescenteA girl who always believed in the 'Right time', a normal girl with a normal life.