"Sige na po!!! Magkwento na po kayo!!" sigaw ng mga bata saakin. "Shhh... Huwag muna maingay nasa simbahan tayo." mahinahong sabi ko sakanila. Tumahimik naman ang mga ito. Hindi mo talaga maipagkakaila na ang ccute at ang babait ng mga ito.
"Sige na nga magkwekwento na ako! Isang kwento tungkol sa pag-ibig!" masayang anunsyo ko sakanila. "Gusto niyo ba yon?" tanong nila. Tumango naman ang mga ito at ang iba ay ngumit lamang.
Eto na ang simula......
"Ito ay isang kwento,kwentong pag-ibig ni Kathryn Bernardo isa siyang NBSB na babae at---"
"Ano po ang NBSB?" tanong ni Mara saakin. Oo nga pala bata pala ang pinagkwekwento ko. "No Boyfriend Since Birth anak." sagot ko. Ngumiti ito at ang mga ilan ay napa 'ahh' lamang at may kasamang tango-tango pa.
"Bumalik tayo sa kwento, Isang masiyahing dalaga si Kathryn kahit may problema ngumi-ngiti, palakaibigan,morena,maganda,mayaman at may takot sa Diyos. Isang araw, may nabangga ito na isang lalake na nangangalan na Daniel Padilla isang badboy sa campus nila rebeldeng bata,maangas,gwapo at playboy."
"Ano po ang playboy? naglalarong lalake po ba siya?" medyo napatawa ako sa tanong ni Jacob. "Oo.. Linalaro niya ang mga damdamin ng mga babae." paliwanag ko kahit medyo magulo sakanila ay tumango-tango na lang ito. Bumalik ako sa kwento "Unang pagkakita pa lang ni Kathryn sakanya ay alam na alam niya sa sarili niya na naLove at first sight siya."
"Ano po yun?" karamihang tanong ng mga bata saakin. "Mga anak ang Love at First Sight ay inibig mo na siya unang pagkakita mo pa lang sakanila." Ang inosente talaga ng mga bata ngayon.
"Feeling ni Kathryn nasa kanya na ang future niya, binihag na niya ang puso niya at siya na ang mundo niya. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil nga inlove na ito."
"Ala! Baka may sakit sa puso si Ate Kathryn!" nagaalalang sigaw ni Ina. Inosenta talaga. "Hindi anak. May dalawang dahilan bakit bumibilis ang tibok ng puso mo Una, ikaw may sakit natural kapag bumilis ito may kasamang kirot o sakit yung Pangalawa, bumilis pero walang kirot kundi pagmamahal sa isang tao. Naintindihan niyo ba?" tumango ang mga ito.
"At simula sa araw na iyon naging magkaibigan sila lagi silang magkasama,araw-araw. Sinusundo pa nga ni Daniel si Kathryn at hinahatid pa ito sa bahay nila. Naging isang matalik na kaibigan ang dalawa pero Si Kathryn tinatago niya ang damdamin niya para kay Daniel."
"Whats damdamin?" tanong ni Anna isang inglesherang bata dito. "Damdamin feelings anak. Feelings niya para kay Daniel. Yung feeling na iyon ay galing sa puso na minamahal niya ng palihim si Daniel."
"Mahal po ni ate Kathryn si kuya Daniel?" tanong ni Kiko. "Oo anak, Mahal ni Kathryn si Daniel higit pa sa kaibigan o matalik na kaibigan." tumingin ako sa daan kung saan makikita mo ang mga driver ay nagmamadali para sa kanilang tuntungan. "Ituloy niyo na po!" masiglang sigaw nila kaya pinatuloy ko nga ito.
"Habang tumatagal lalong napapamahal si Kathryn kay Daniel lalo siyang nahulog dahil napaka-sweet at clingy ni Daniel sakanya. Tatlong buwan ang lumipas linigawan ni Daniel si Kathryn na puno ng saya ang mukha niya sa araw na iyon. Nagtatalon,sumigaw at napaiyak sa tuwa dahil hinhintay ni Kathryn ang pagkakataon na iyon."
"Whats ligaw?" tanong na naman ni Anna ang ingleshera.
"Lugaw daw! Hindi ligaw Anna!" pagsabat ni Totoy. Nakakatawa talaga ang mga batang ito.
"Ligaw mga anak." narinig ko pa ang 'I told you so!' ni Anna dahil nga tama ito. "Ang panliligaw ng isang lalaki upang maipahayag niya ang kanyang damdamin para sa babaeng kanyang iniibig." paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
KISSpirin [KathNiel]
FanfictionFormally: "KathNiel One-Shot Stories" KISSpirin ang tanging kailangan ng may LOVEnat. Gusto mo bang mag kaLOVEnat para makuha mo ang KISSpirin at YAKAPsul sa taong mahal mo? Gusto mo bang umiyak,matakot,tumawa at KILIGIN?! No part of this story may...