Pagkatapos naming pumasyal sa mall, dumiretso kami sa bahay ni Hope.
"Ma, si Kuya Dee. Pasyente mo siya dati." Pakilala naman sa'kin ni Hope sa nanay niya.
"Good evening po." Ngumiti naman ako at saka kinamayan siya. "Pasensya na po. Late na pong umuwi si Hope. Pero wag po kayong mag-alala. Ligtas naman po siya. Mukhang nag-enjoy siya sa pagpasyal namin sa birthday niya."
Nagpasalamat sa'kin si Mama niya. Magpapaalam na sana ako para umuwi nang bigla akong hilahin ni Hope.
"Ma, okay lang ba na makitulog ako kayna Kuya Dee?"
Nanlaki naman ang mata ko sa pagpaalam ni Hope. Pero hindi na din naman siya tinutulan ng Mama niya. Sinabi sa'kin ng Mama niya na hindi daw mahilig maglalabas si Hope. Ngayon lang daw siya makakaexperience ng sleepover. Kaya napasunod na lang din naman ako. Mag-isa lang din naman ako dun sa bahay ko at siguro okay lang na matulog siya dun. Ngayon lang naman at ngayon lang din naman ako magkakaroon ng kasama.
Hinintay ko siya sa labas ng bahay nila habang kumukuha siya ng mga gamit niya. Napatingin ako sa relo ko. 10PM na. Napalingon naman ako nang marinig ko yung pagsarado ng gate.
"Tara Kuya Dee." Ngumiti siya. Pero bigla ding nagbago yung expression niya.
"Oh bakit? Okay ka lang ba Hope?" Hinawakan ko yung balikat niya.
"Alam ko kasing nabigla ka. Sorry ah? Balik na lang ako sa loob-"
"Hope." Hinawakan ko yung braso niya. "Okay lang. Mag-isa lang naman ako sa bahay. At naghahanap din ako ng kasama." Ngumiti ako.
Sumakay na kami ng taxi pagkatapos ng eksena na yun. Pinapasok ko naman siya sa bahay ko at pinagtimpla siya ng gatas. Sino ba naman ang magtitimpla ng kape ng ganitong oras? Pinaupo ko siya sa dining table ko.
"Daniel, sino yun?" Tinuro niya naman sa'kin yung picture frame na nakasabit sa gitna ng pader.
Napangiti na lang ako.
"Si Kathryne yan." Tumingin ako sa kanya. "Siya yung babaeng mahal ko." Tumingin ulit ako sa picture frame. "Kinuha yang picture na yan a year ago. Sayang nga lang at hindi na mauulit."
Kahit na bumibigat na naman ang pakiramdam ko, pinigilan ko ang sarili ko. Ayaw kong malungkot habang andito si Hope. Nilingon ko siya at ngumiti.
"Sa kama ka matutulog."
"San pa ba Kuya Dee? Alangan namang sa plato di ba?" Inubos niya na yung gatas niya. Tumayo siya at nagmartsa papunta dun sa kwarto ko. Napatigil naman siya nang nasa may pinto na siya. "Kwarto mo pala 'to, Kuya Dee." Paalis na sana siya nang harangan ko siya.
"Dyan ka na matutulog." Ngumiti ako sa kanya. "Sa kama ka, sa sofa ako."
"Wala ka bang extrang kwarto Daniel?"
"Meron. Kaso tinambakan ko kasi yun ng mga gamit. Matatagalan pa bago ko malinis. Tsaka, ngayon lang naman."
"Ehhh. Kuya Dee-"
BINABASA MO ANG
Dear Kath: His Letters of Chances [On-Hold]
Fanfiction"Bakit may mga bagay na kahit alam mong walang kasiguraduhan, pinipili mo pa ring ipaglaban?" BOOK 2 OF DEAR KUYA. ⒸBlackConverse12. 2014.