Reaching The Climax *Short Story*

40.2K 449 97
                                    

We've been together for four years. Masasabi kong napagdaanan na namin ang lahat ng pagsubok. Away, selos, babae, bisyo, ugali. Mga karaniwan at kadalasang pinag-aawayan ng isang magkarelasyon. Hanggang sa dumating ang mga bagay na hindi ko inaasahan. Na ang pangarap kong makasama sya habang buhay ay unti-unting maglalaho. Gusto ko syang ipaglaban pero paano? Kung sya mismo ay unti-unti ng sumusuko. Na wala kang magawa dahil sa pagsuko nya.

Kasi ito ang tama...

Hindi namin ito kayang ipaglaban...

Kung ang isa sa amin ay naguguluhan.

Twenty-three ako ng nakilala ko sya through friends. May girlfriend sya that time. Hindi naman ako attracted sa kanya. Dahil yung mga ikinikilos nya ay hindi kagandahan. He's the HAPPY GO LUCKY type, BABAERO, at MAYABANG. Mga tipo ng ugali na hindi ko kailanman magugustuhan. Sa itsura nyang yun ay ang tipo ng taong di magseseryoso. Hindi din naman kami close sa isat isa. Magkaiba kasi ang trip namin sa buhay.

Pero nagbago ang lahat ng pagkakakila ko sa kanya ng minsang tinulungan nya ako. O sadyang nagkataon lang. Nung mga panahon na yun ay iniiwasan ko ang ex-boyfriend ko na wala man lang pasabi na iiwanan na pala ako para magtrabaho sa ibang bansa. Sa takot kong maiwan mag-isa ay nagdesisyon akong makipaghiwalay dito. Naniniwala kasi akong mahirap ang long distance relationship. Ayaw nitong pumayag kaya kahit wala na kami ay pilit nya pa din akong pinababalik sa kanya. Naging stalker ko sya to the point na ako mismo ay natatakot sa mga pinaggagagawa nya.

Isang gabi ng nag-overtime ako sa trabaho ay nandun na naman sya at nag-aabang sa akin. Pero this time, hindi malayo ang distansya namin. Lumapit sya sa akin, sa boses pa lang nya ay alam ko na lasing sya.

"Gwen, mag-ushap tayo" sabi nito sa akin. Gusto nya akong hawakan pero lumayo ako. Parang hindi ko na sya kakilala. Hindi naman kasi sya umiinom.

"...gagawin ko naman ito para shatin, gushto kong pagdating ng araw maibigay ko shayo at sha bubuin nating pamilya." lumayo ako sa kanya. Tinulinan ko ang lakad ko. Ayaw ko syang kausapin. Gusto kong umiyak dahil sa nangyayari. Bakit ba kami umabot sa ganito? Bakit ba hindi nya maintindihan na kailangan naming maghiwalay. Psh...

Hinahabol nya ako. Hanggang sa nacorner nya ako sa isang madilim na lugar. Pinilit kong magpakatatag at ipaliwanag sa kanya na tapos na ang lahat. Ayaw kong dumating sa punto na iiwanan nya ako kagaya ng ginawa ng tatay ko sa nanay ko ayokong matulad sa kanila.

Napasandal ako sa pader. Habang nakatukod ang magkabila nyang kamay sa pader para di ako makawala. Amoy na amoy ko ang alak sa bibig nya. Nangangatog ako sa takot. Hindi ako makaisip ng matino para manlaban. Ibang iba kasi ang aura nito tulad ng dati na masayahin. Hindi na sya ang boyfriend na nakasama ko sa loob ng 3 taon. Ibang tao na sya.

"Marlon, please... umuwi ka na" pilit kong pinalakas ang sarili ko para pakiusapan sya.

Pero nanatili lang syang tahimik. Nakakatakot ang mga mata nya. Na parang kahit anong oras may balak syang gawin na masama.

Hinalikan nya ako, hindi ito katulad ng mga halik na pinagsaluhan namin nuon. Mapupusok ang mga halik nya ngayon. Parang wala sya sa sarili. Pinilit kong kumala pero di ko magawa dahil mas malakas sya sa akin.

"Hindi ako makakapayag na iiwan mo lang ako basta Gwen. Akin ka lang kahit anong mangyari" matigas nyang sabi sa akin. Wala na akong magawa pa kundi ang humagulgol. Ilang beses akong nakiusap pero naging bingi sya. Hawak nya ang mga kamay ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para makatakas. At sa puntong yun nawalan na ako ng pag-asa wala na akong magagawa.

Hawak pa din nya ang kamay ko ng hinatak nya ako papunta sa isang parking lot. Iyak lang ako ng iyak. Nakikiusap na pakawalan ako kahit alam ko na malabo na na pagbigyan nya ako sa gusto kong mangyari. Nakita ko ang sasakyan nya. Mas lalo akong natakot dahil lasing sya. Baka maaksidente kami sa byahe. Kahit hindi ako madasalin ay napadasal ako ng di oras ng panahon na yun. Milagro na lamang ang kailangan ko para makatakas kay Marlon.

Reaching The Climax *Short Story*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon