Sunday Morning (One-shot)

219 16 9
                                    

Readers, Girl  POV po ito. Enjoy reading!

=df=

-------------------------------------------

Isang panibagong malungkot na umaga na naman ang gumising sa akin, tahimik, malungkot, masakit sa puso. Nasa ilalim ako ng isang makapal na comforter habang walang buhay na nakatitig sa bintana. Mayroon yatang bagyo sa palagay ko, hindi ako sigurado dahil mga isang linggo na rin akong hindi nakakapanood ng balita. Isang linggo na rin pala akong parang may sakit na bed ridden, wala naman akong karamdaman pero pakiramdam ko‘y isang malalang virus ang tumama sa akin. Patuloy ang malalaking patak ng ulan sa bubong ng bahay namin, este ko pala, kaya napag-isipan kong bumangon na muna at mag-almusal.

Hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam, napaka-seryoso ng paligid. Kahit umaga’y madilim dahil sa masamang panahon, nakaka-depress ang ganitong atmosphere. Walang sumasalubong sa akin pakagising ko sa umaga, walang nagpapanic na malelate na siya sa trabaho, walang nagtitimpla ng paborito kong cappuccino with cinnamon powder, wala na kasi siya.

Isang lingo na mula noong iniwan niya ako. Sinayang niya ang tatlong taong pagiging mag-live in namin. Oo, live in lang kami.

**

“I’m sorry Patrish.” Sabi niya sa akin habang yakap-yakap ako. Hindi matigil ang pagtulo ng luha ko. Parang dumagundong ang mundo ko noong sinabi niya sa akin na may mahal na siyang iba.

“Si..si..gura..do k..a..ha na..ba di-ha-iyan? Pilit kong sinasabi kahit durog na durog ang puso kong umiiyak. Hindi ko akalaing makikipag-hiwalay lang pala siya sa akin.

At pagkatapos noon, inalis niya ang pagkayakap niya sa akin, tumakbo at sinugod ang ulan para lamang layuan ako. Halos 5 taon na kaming magkarelasyon at 3 taon na kaming live-in partner. Hindi ko alam na sa kabila pala ng lahat ng iyon ay magagawa niya pa rin akong lokohin.

**

Isa nga raw akong hibang sabi ng mama ko at ngayon, totoong naniniwala na ako sa mga pangaral niya. Kesho, hindi raw tama. Kesho iiwan din daw ako ng taong ‘yon pagkatapos akong paglaruan. Tama nga si mama, tama lahat ng sinabi niya sa akin. Isa akong babaeng walang dangal at nagpakatanga sa larangan ng pag-ibig.

Ipinikit ko ang mga mata ko para maitigil ang parang falls na pagbagsak ng mga luha ko. Mukha yatang nakikipag-sabayan ang masamang panahon sa masakit na nangyari sakin. Parang ito lamang ang tanging bagay na dumadamay sa akin ngayon. Malungkot mang isipin na walang kahit sino ang narito upang samahan ako sa nararamdaman ko ngayon. Sina mama at papa, nasa abroad at nagbabakasyon kasama ang kapatid kong si Mae. Si Julianna, ang best friend ko, nagpaplano para sa kasal niya sa isang linggo. At yung iba pa, hindi ko alam, wala na akong panahon para tawagan pa sila at magreklamo sa katangahang ako naman ang may gawa.

Habang naggagawa ako ng breakfast ko sa kusina, pinagmasdan ko ang kalsada, basang-basa sa malalaking patak ng ulan. Patuloy kong naaalala ang pangyayari noong naghiwalay kami. Malalakas na kulog, matatalim na kidlat ang nagsasalo sa pag-iyak at pag-hiyaw ko sa sakit ng nararamdaman ko habang siya’y papalayo’t iniiwan ako sa gitna ng kalsadang basang-basa ng ulan. 

Umupo ako sa salas ng bahay namin, ay ko pala, hindi ko pa rin tinatanggal lahat ng picture naming dalawa, baka kasi magbalik pa siya. Siguro sa tamang panahon, tatanggalin ko rin ang lahat ng ito, pero hindi sa ngayon. Baka kasi isang araw, bumalik siya at makitang niyang wala na lahat ng ito, akalain niyang hindi ko na siya mahal.

Sa sobrang dami kong luha, halos napuno ang kwarto ko ng tissue. Wala akong ganang magligpit ng lahat ng ito kaya nagdirediretso ako sa kama upang humiga ulit. Binuksan ko ang cellphone ko at tiningnan kung nag-text ba siya.

Tama nga ang hinala ko… wala siyang text.

Binuksan ko ang camera roll para mag-delete sana ng mga litrato naming dalawa noon. Pero parang sinasaksak ako sa dibdib bawat pindot ko ng “delete” button kaya naman napag-isipan ko nalang na hayaan muna ang mga litrato. Ewan ko ba sa sarili ko, habang pinagmamasdan ko ang mga litrato, napapangiti ako pero maya-maya iiyak na ako ulit. Dahil nga ba ito sa sayang naaalala ko noong kami pa at dahil sa panghihinayang na nararamdaman ko? Aishh. Pinipigilan kong umiyak pero parang naka-register na sa mga mata ko na kapag may makikita akong magpapaalala sa kanya ay dapat may tutulong luha mula rito.

Nadeadbat na ang cellphone ko kaya napagpasyahan ko na ulit na magmukmok sa kama ko at umiyak. Iyak-kain-tulog iyak-kain-tulog lang ang ginagawa ko simula noong mawala siya sa akin. Isang linggo na rin akong absent sa trabaho ko. Nag-sick leave muna ako dahil pakiramdam ko na kapag pumasok ako, magkakagulo lang lahat ng office works ko.

Naaamoy ko pa rin ang pabango niya sa bawat sulok ng bahay namin, ay ko pala. Kung pwede lang sanang dalhin ako ng amoy na ito sa kanya, matagal ko na sanang hiniling ‘yon. Kaso hindi, kaso hindi pwede.

Gustong-gusto kong sumigaw, gustong-gusto kong isigaw ang pangalan niya pero kahit isigaw ko yun, wala at hindi pa rin siya babalik sa akin.

**

Mahal mo ba ako?

Mahal na mahal.

**

Napanaginipan ko na naman siya. Inuulit-ulit niya raw ang salitang “Mahal na mahal kita”. Totoo nga ba? Totoo nga bang mahal niya pa rin ako? Talaga bang wala pa siyang iba? Kung mahal niya ko, dapat hindi niya ako iniwan. Kung mahal niya ako, dapat narito siya at kumakatok sa pintuan ng bahay ko.

Kasinungalingan! Nag-iilusyon ako sa mga bagay na hinding hindi na mangyayari. Hanggang dito na lang talaga kami, hanggang dito nalang kami, mag-ex. Past relationship.

Maya-maya, kasabay ng pagtigil ng luha ko, tumigil din ang ulan. Nahihiwagaan ako sa mga nangyayari, ganoon na ba ako kalungkot at pati langit ay nakikisabay sa akin? Siguro nga’y totoong kawawa ako dahil wala manlang nagpapagaan ng loob ko, walang dumadamay, at ako lang talagang mag-isa ang magpapagaan ng sarili ko.

Pero walang tumulong luha mula sa mga mata ko, siguro nga’y ubos na ang luha ko dahil sa isang linggong walang tigil ng pag-iyak. Kailangan ko na rin sigurong gumising kinabukasan at magbagong buhay. Kailangan ko nang harapin ang mga susunod na mangyayari sa buhay ko -- ng wala siya.

*tok tok*

Nagmamadali akong bumaba upang tignan kung sino ang kumakatok. Kawawala pa lamang ng ulan pero meron isang taong malakas ang loob na pumunta sa bahay ko.

Nang buksan ko ang pinto…

Siya.

Siya.

Si Ate.

Niyakap niya ako ng mahigpit at sinabing…

“Mahal pa rin kita kahit anong sabihin nila.”

“Mahal na mahal rin kita.”

“Sorry kung iniwan kita noong isang linggo, imoral daw kasi tayo sabi ni mommy. Wala akong iba, ikaw lang, ikaw lang.”

“Sus, naniwala ka naman don. Wala namang requirements sa pagmamahalan ng dalawang tao ah? Mahal kita, mahal mo rin ako.”

------------------------------------------

Grabe, pumasok lang po ‘to bigla sa utak ko. Ewan. Salamat sa pagbasa <33 woohoo.

Sunday Morning (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon