Chapter 1
[Dominique Vargas's POV]
Haaaaaaaaaay. May pasok nanaman, tsk. Gusto ko sanang umabsent kaso inaalala ko lang. Pano kaya yung mga babaeng nagkaka crush sakin kung hindi ako papasok? Kawawa naman sila kasi hindi nila makikita yung crush nila? *winks*
*vibrate* Uy may nag text.
From: Insan Kris.
Insan, papasok ka?
Ang bading talaga netong pinsan ko. Haha.
To: Insan Kris
Yup. Bakit? Namimiss mo nanaman ako?
Wala pa atang 10 segundo nagreply na agad siya.
From: Insan Kris
Gago. Classmate kaya tayo. Tanga talaga tangina.
Aba minura pa ko. Tangina neto ha?
Di ko nalang siya nireplyan at nagpunta na ko ng school. As usual, pinagtitinginan nanaman ako. Pogi eh.
Nakita ko si Kris na kausap si Violet. Bakit kilala ko? Crush ko eh. Kaso balita ko sya daw yung Baddest Female dito sa campus.
Hindi ko nalang sila pinansin at nauna na ko sa room. Sinalpak ko lang yung headset ko tapos pinatugtog yung Danger ng BTS. Wala, ang aastig lang talaga nila. Lalo na si Jimin. Ang astig niya. Kamukha ko nga eh.
Natapos na yung yung klase ko kaya napagdesisyunan kong pumunta muna ng cafeteria..
Pero sa hindi inaasahan, nakakita ako ng babaeng umiiyak. Maganda siya, kaso bakit siya malungkot? Hindi pa naman ako makapag tiis pag nakakakita ako ng babaeng umiiyak.
Lalapit sana ko sa kaya, pero umalis na siya agad. Kawawa naman yun. Bat ba umiiyak yon?
---
Habang nag ddrive ako pauwi, pinatugtog ko yung danger ng full volume.
Habang sinasabayan ko yung danger, nakakita ako ng babaeng nakatungtong sa tulay. Tangina, papakamatay ba to?!
Teka, siya yung babae kanina sa cafeteria ha?! Ano bang problema niyaaa?!
Bumaba ako ng kotse ko..
"Miss!" Tawag ko sa kanya, di pa rin lumilingon. Tangina talaga.
Lumapit ako sa kanya chaka ko siya niyakap sa likod para hindi siya mahulog.
Natumba kami nung inalalayan ko siya. Bale nakapatong siya sakin.
Tsaka siya umiyak. Punyeta. Akalain pa ng mga tao pinaiyak ko to e!
Tinulak ko siya para makatayo ako chaka ko siya hinatak patayo. Napayakap naman siya sakin.
"Miss. Ano bang problema mo? Alam mo kung ako sayo, hindi ko sasayangin yung buhay ko dahil lang sa problema ko."
Nakatingin lang sya sakin. Chaka siya humagulgol. "Waaaaaaaaa! Bakit *huk* mo pa *huk* ako niligtas?! Matutulungan *huk* mo ba ko sa *huk* problema ko?!" Habang tinitignan ko siya. Bakas talaga sa mukha niya yung kalungkutan.
"Miss. Ganto, sabihin mo sakin yung problema mo. Tutulungan kita. Kung kaya ko." Habng sinasabi ko un, di pa rin siya tumitigil sa paghagulgol.
"KUMALMA KA NGA MUNAAAAA!" Para naman siyang nabigla sa ginawa ko kaya nanahimik siya. Inayos niya yung buhok niya.
Ang... Ang ganda niya.. *o*
"Kuya nakikinig ka ba? Tangina naman. Kanina pa ko nagsasalita dito eh." Medyo nagulat ako nung nagmura siya. Pero naastigan din ako sa kanya.
"Kwento. Dali."
"Ganto kasi yon. Buntis ako ta---"
"Ano?! Buntis ka?! Sinong ama?! Kaya ka ba nagrerebelde kasi may babae yung asawa mo?! Sabih---"
"Putangina. Kalma!" Napakalma naman ako ng pagmumura niya. Di ako makapaniwala. Siya? Buntis?! Parang ang inosente pa niya eh.
"Buntis ako, kaso yung ama nung batang dinadala ko, iniwanan ako." Habng sinasabi niya yun. Tumutulo yung luha niya.
"So. Anong gusto mong tulong? Gusto mo ba ipa salvage ko yung ex mo? O putulan natin ng titi ng wala ng mabiktima pang iba?"
"Pwedeng yung dalawa?" Hahahahaha. Ang demanding din netong tanginang to eh.
"Hinde biro lang, kuya pwede bang ikaw muna yung tumayong ama ng batang dinadala ko?" Seryosong tanong niya.
Kulang nalang lumuwa yung mata ko dahil sa narinig ko. Ako? Magiging tatay ng batang hindi naman galing sa dugo at laman ko? Hahaha. Joke yon?
--
BINABASA MO ANG
Daddy na ko?!
HumorAko si Lee Hyun, babaeng nabuntis at tinakbuhan ng nakabuntis sakin. at sa kasagsagan ng pagluluksa ko, nakilala ko siya. Si Dominique Vargas ang lalaking umako ng responsibilidad sa anak ko at ang lalaking.. nagpatibok ulit ng puso ko.