Chapter 3

13 0 0
                                    

"huuuy nadine ibibigay ko ba sa kanya to?" sabi ko hawak ang love letter na ginawa ko.

Nandito kami sa classroom at medyo pauwi na din kami. Kaka- dismiss lang samin ng teacher namin.

"Nako Allison  desisyon mo yan, ikaw ang bahala kung ibibigay mo o hindi, tapos pag ako nag desisyon at palpak kinalabasan ako masisisi mo, mandadamay ka pa." aniya habang inaayos ang gamit nya.

Ilang beses ko na kasi siya nasisisi pag decision making at hinihingan ko siya ng opinion.

"Ganito nalang, ikaw mag abot sa kanya. Nahihiya ako ih, please." sabi ko with paawa effect yan.

"fine, fine, may magagawa pa ba ko." sabi nya habang inikot nya pataas ang mga mata nya.

Nung akmang lalapit na siya kay Gilliant ay agad na tumalikod ako. Kunwari may ginagawa. Patay malisya.

"Nabigay ko na" tumabi na sa akin si nadine.

"Ang old school girl ah, letter? seriously? Nagagawa nga naman ng kahibangan ay este pag ibig pala" komento ulit ni nadz.

Sinilip ko si Gilliant saglit. Nakita ko na medyo kunot ang noo nya. Baka siguro dahil nagulat siya o baka ayaw nya. Patay basted ang lola niyo.

"Hala binabasa niya na, kinakabahan ako bakla" sabi ko habang inaalog alog si nadine.

"Tungeks, anu ba gusto mo, titigan niya lang yun. At pwede ba? wag ka nga O.A.  asan na ba? Wala na, nakauwi na po. Ina-absorb niya pa nabasa niya ano ba kasi nakasulat dun?" mahabang wika nya.

Napatingin ako sa likod ko. Wala na nga. Anu yun deadma lang. Walang reaksyon . Hayyy.

"Malamang nakalagay dun crush ko siya. Alangan sabihin ko ~hi friend, wag ka mag babago ah. Mag aral ka ng mabuti, stay pretty~ " sabi ko at may halong sarkismo sa boses ko.

"sabunutan kita diyan eh, tinulungan na nga kita pipilosopohin mo pa ako" aniya.

"tampo agad haha. Tara na ngang bumaba. Hinihintay na ako ni janina" aya ko sa kanya at sumunod na siya sakin.

Kinabukasan...

"sis, kinakabahan ako. Ano kaya magiging feedback niya sa love letter ko" nasabi ko na kay janina ang kabaliwang ginawa ko kahapon at ngayon ko lang narealize na nakakahiya pala pinag gagawa ko .

"nandyan na eh, be ready nalang kung magiging positive o negative yung magiging reaction niya. Pero kung anuman maging feedback niya tanggapin mo ah. Be sport." aniya.

Nanahimik nalang ako. Paakyat na kami at nang marating ko na ang 2nd floor ay nagpaalam na ko kay janina.

"break a leg " sabi niya at kumaway pa.

Nginitian ko na lamang sya.

Kinakabahan talaga ako. Pag pasok ko ay agad akong umupo sa seat ko. Di pa siya dumarating.

Maya maya ay natatanaw ko na sya. Dali dali kong kinuha ang notebook ko at kunwari'y nagbabasa.

"Ganyan na pala mag-basa ngayon, pabaliktad na haha" nagulat ako sa sinabi nya at napagtanto ko na baligtad nga ang notebook ko.

"m-may iniisip kasi ako.. At di pa a-ako nag i-istart mag basa ngayon palang" palusot ko sa kanya.

"ah ganun."  aniya pagkatapos ay di na sya nagsalita at umupo nalang sa tabi ko.

Nagtataka ako kasi di nya inopen up sa akin yung letter. Dalawa lang naman ang naiisip kong magiging reaksyon niya. Iiwas sya o kya ay sasabihin nyang "crush mo ko diba? crush din kita gusto mo tayo na". aish katangahan at kakapalan na to ng taba ay mukha pala haha.

"Ang assuming mo kasi" sabi ni erick sa akin.

Kasalukuyan kaming tumatambay dito sa library.

Iniuntog ko ulo ko sa table.

"bakit kasi ganun. Di niya ako iniwasan. In fact ganon pa din siya sakin pero bakit wala din siyang inopen about dun" sabi ko sa impit na boses dahil tinitignan na kami ng librarian.

" baka natotorpe."sabi ni nadine.

" o baka naman ayaw talaga sayo" sabi ni liana.

"eh bakit di siya umiwas" sabi ko.

"bakit gusto mo ba syang umiwas?" ani nadine.

"hindi naman sa ganun pero diba ganun naman dapat ang gawin kung ayaw mo sa isang tao na alam mong ay gusto sayo" sabi ko.

"alam mo girl feeling ko simulat sapul di ka niya gusto"

"Grabe nmn erick masakit yun ah, walang paligoy-ligoy eh ano pala meaning ng mga sweet gestures nya"

"diba napaka gentleman ni gilliant, malay mo ayaw ka niya saktan. Gusto niya ganun padin kayo.  At kaibigan lang ang tingin niya sayo. Eto ang payo ko. Wag mo nalang bigyan ng meaning mga ginagawa niya sayo. Gising gising din teh. Taas mo mangarap eh. Yung kakapalan ng iyong fez ay andito  na " sabay taas nya ng kamay niya sa itaas ng ulo nya.

"tss grabe,tama na oo na assumera na kung assumera. Di ko kasalanan yun kasi pa fall sya masyado." sabi ko.

"tama na yan. Tara sa SM, kalimutan mo muna si psyduck" psyduck kasi asar nila kay gilliant dahil sa pouty lips neto.

"Nakakainis ka naman psyduck" sabi ko sa isip ko.

Itutuloy...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This Undying LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon