Chapter 2: You RD one
Eve's point of view
Wala kaming nagawa kundi sundin iyong sinabi ni sir Cage. Nakahiga na kaming tatlo sa malalambot naming kama. Grabe, pati dorm dito, ang sososyal.
Napansin namin na ayos na ayos iyong isang kama sa may bintana. Mukang iyon ang kama nung isa pa naming roommate.
"OMG! I forgot to text kuya!" Sambit ni Eunice na napaupo na sa kanyang kama. Hala oo nga! Baka nag-aalala na iyon sa amin.
"Ang rami nya nang missed calls and texts" dagdag niya.
"Same! Lagot tayo nito!" Sabi naman ni Faith na napaupo na rin sa kama.
Chineck ko iyong phone ko, dahil alam ko tumatawag na rin yun sakin at text pati si Ate Miles. Pero nakita kong naka-airplane mode ako. Oo nga pala, malolowbat na kasi ako kanina kaya nag-airplane mode ako. Patay ako nito kay ate. Nagsimula nang mangatal ang kalamnan ko. Tinanggal ko iyong airplane mode at agad namang nagsunud-sunod iyong mga text ni ate. Kaya agad akong napatayo sa kama. Patay talaga!
Ate kong bruha: Eve, nasa school na ba kayo?
Eve, bakit di ka nagrereply?
Eve! Magrereply ka o malalagot ka sakin?
Ah, ayaw mo talaga magreply ha.
Eve, bakit cannot be reached ka? Nasaan na ba kayo?
Eve!!! Ano ba?! Umayos ka!!!
Pupuntahan namin kayo dyan ngayon din!!!
Halos lumuwa ang mata ko nang mabasa ko ang mga text ni ate. Lalo na iyong huli. Hindi niya pwedeng malaman na hindi kami tumuloy sa Grande Academy. Kaya kahit kinakabahan ako ay rereply-an ko sya.
Me: Ate, we're here na kanina pa. Sorry na-empty bat ako e, kaya now lang nakareply. Wag na kayo pumunta.
Sa sobrang kaba ko ay kinakagat ko na ang mga daliri ko. Bawal niya talagang malaman! Patay kung patay kasi talaga pag dating kay ate. Katunayan ay mas nakakatakot pa siya kaysa kanila mama't papa. Daig niya lang naman kasi ang tigre, leon at dragon kung magalit.
Ate kong bruha is calling.....
"Tumatawag si ate!" Taranta kong sabi kila Eunice at Faith. Nakita ko naman ang pagkagulat at kaba sa mga muka nila kaya agad silang nagsilapitan sa akin. Kahit ang mga ito at sila kuya Drake lalong lalo na si kuya Brett ay takot dito kay ate.
"Sagutin mo! Sabihin mo may inasikaso lang tayo kanina, kaya di agad tayo nakapag-text" Sabi ni Eunice.
Tumango ako at huminga ng malalim.
"Shit!" Ang tanging nasabi ko nang mamali ako ng pindot. Dahil sa sobrang kaba ko ay napindot ko ang decline.
"Patay ka na talaga, Eve" sabi naman ni Faith. Napakagat-labi ako. Shit talaga. Hindi na ako mapakali dito. Para akong timang.
"Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?!" Taranta kong tanong sa dalawa.
Ate kong bruha is calling....
Dahil sa sobrang blanko na ng isipan ko ay ibinigay ko ang cellphone kay Eunice para sya ang kumausap pero tumatanggi sya at inilapit kay Faith pero ayaw rin ni Faith. Nagtuturuan kaming tatlo kung sino ang sasagot kay ate. Kanina pa naming pinagpapasa-pasahan iyong cellphone ko hanggang sa hindi namin namalayan na na-accept pala iyong call.