Chapter 3: Pancake
Eve's point of view
Kung excited ako pumasok kahapon, ngayon, sa hindi ko alam na dahilan ay kinakabahan ako.
"Kuya Drake texted me, nasaan na raw tayo. Bilisan niyo na dyan, sigurado akong kanina pa iyon nag hihintay" sabi ni Faith sa amin ni Eunice. Ako kasi ay nakatulala lang sa salamin habang nag lalagay ng blush on, si Eunice naman ay nag lalagay na ng sapatos niya. Okay na naman siya kaya papasok raw sya dahil ayaw niya raw ma-miss ang first day of class niya dito. Pero ako, pakiramdam ko may mali, kaya parang ayoko pa pumasok.
Bumaba na kami at nakita ulit naming nakaabang ang tatlo sa doon. Nakita rin naman naming maraming babae ang nagpapa-cute sa kanila. Hay, lakas talaga ng charisma ng tropa ko.
"Tss, kalbuhin ko mga 'yon e," bulong ni Faith. Maya-maya pa ay may biglang nag-flying kiss kay harry at kumindat pa.
Sinamaan niya ng tingin yung apat na babae. "Oy!" Sigaw niya sa mga iyon. Hahaha, kung ako sa kanila, tatakbo na ako. Hindi ko gugustuhing maabutan si Faith the devil.
Inirapan lang sya no'ng apat at kumendeng palayo. Pero may pahabol pa ang isa sa kanila, kinindatan pa talaga si Harry at ngumuso-nguso pa. Aba, hindi talaga nadala sa pag-oy ni Faith. Tinignan ko si Faith, at halos tumirik na iyong mata niya sa sobrang galit. Bigla-bigla na lang syang nawala sa tabi namin ni Eunice at nakita naming nasa harapan na siya nung apat na babae at hawak niya iyong uniform nung kumindat at ngumuso kay Harry. Ako ang kinakabahan kay ate girl ah.
"Diba nag-oy na ko sayo? Hindi ka ba marunong makiramdam?" Mabigat iyong boses ni Faith nung sinabi niya iyon. Tinignan ko ang boys. Si kuya Drake ay pinipilit si Harry na pigilan si Faith pero mukang natutuwa pa sila ni Chandler sa nangyayari. Mga siraulo talaga.
Halata sa mukha no'ng mga babae ang takot. Makita mo ba naman si kamatayan. Hahaha.
"Faith!" Napatingin ako ulit kay kuya Drake na ngayon ay papalapit na doon. Pinipigilan siya nila Harry, pero syempre, bilang kuya namin ay di sya nagpapigil.
Binitawan naman agad iyon ni Faith kaya nagsitakbuhan yung apat.
"Calm down, 'di naman nila maaagaw ang Harry mo" Sabi ni kuya Drake. Lumapit na kaming apat sa kanila.
"I know," sagot niya habang nakatingin kay Harry. Iyon bang parang lalamunin niya si Harry.
Lumapit nanaman si Harry kay Faith at lumingkis.
"Babe, alam mo namang hindi kita ipagpapalit diba?"Iniwan ulit namin sila do'n, dahil nag sisimula nanaman ang SPG couple. Pero nakasunod rin naman agad sila sa amin.
Habang nag lalakad ay napapansin kong patingin-tingin si Chandler kay Eunice. My poor cousin. Pero bigla kong naalala si RD kaya nilapitan ko sya.
"Kamusta si RD?" I asked.
"Okay naman, bakit?"
"Wala lang," sagot ko.
"Don't tell me, he's your target?" Bumilog iyong mata niya. Smirk lamang ang sinagot ko.
Nandito kami ngayon sa office, para kausapin ang kung sino mang dapat kausapin tungkol sa section namin.
No'ng bubuksan na namin ang pinto ay may babaeng lumabas.
"What can i help you?" She asked with a smiling face."Ask lang po sana namin if what section we are and what rooms are we," kuya Drake said.