Mike P.O.V.
"Kringg krinngg krinngg" sawakas tumunog na ang bell kaya break time na. Nakita ko yung babae na kinausap ko kanina pero di nya ako pinansin. Sinundan ko sila nung babaeng kasama nya. Huminto sila sa may Garden.
Linapitan ko sya pagkalapit ko halos magadikit na ang mga mukha namin. Nanlaki ang mga mata nya. Ang cute pala nya pagnakita mo ng malapitan ang mukha nya kaya namula ako. Tinulak nya ako bigla.
"Aray ko naman!!! Bat tinulak mo ako? Gago ka ba?" sabi ko sakanya. "Eh bat kasi ilalapit mo yang mukha mo sa mukha ko!!! Ikaw ang gago!!!" sigaw nya saakin. "Sorry, gusto ko lang naman kasi malaman ang pangalan mo." mahinang sabi ko sa kanya. "Ako si Jenny Corpuz. Pasensya na dahil sinigawan at tinulak kita." sabi nya saakin.
"Ayos lang kasalanan ko naman. So we can be friends?" tanong ko sa kanya habang naka ngiti. "Sige, mabait ka naman." sabi nya habang naka ngiti. Biglang kumabog ang dibdib ko. Ewan ko kung bakit? Di namin namalayan ala na yung babaeng kasama nya. "Sige aalis na ako." sabi nya saakin tapos umalis na sya. Ang cute nya talaga!!!
Jenny P.O.V.
Naglalakad ako sa hallway pagkatapos kong makausap si Mike. May biglang humila sa kamay ko. Pumasok kami sa library. Tinigyan ko sya si Kim lang pala. Di maipinta ang mukha nya sa galit.
"Bitawan mo nga ako."
"Hindi, kasi madaya ka."
Tumaas ang isang kilay ko at bigla ko syang tinanong "Paano ako naging madaya?"
"Bat ayaw mo kasing sabihin ang pangalan mo saakin."
Ang korniy ng lalaking to. Parang yun lang galit na sya. "Ako si JennyCorpuz." sabi ko sa kanya. Ngumiti sya saakin at inakbayan nya ako. "Halika sabay na tayong pumasok sa room. Simula ngayon friends na tayo."
Pagpasok namin sa room di na sya naka akbay saakin. Umupo na kami sa upuan namin.
Uwian na kaya nagsilabasan na kami sa room. "Sabay na tayo umuwi." Sabay na sabi ni Mike at Kim. "Mauna na kayo may gagawin pa ako."
Pumunta ako sa Music Room para tumugtog ng piano. "Ang galing mo naman." sabi ng tao na nasa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko si Justin na nakangiti sa akin. "Anong ginagawa mo dito? Ako nga pala si Jenny Corpuz." Sabi ko sa kanya.
"Pumunta ako dito para tumugtog ng gitara pero nakita kitang tumutugtog ng piano. Puwede mo ba akong turuan?"sabi nya
Ngumuti lang ako sa kanya. Umupo sya sa tabi ko. Hinawakan ko ang mga kamay nya. Tapos sabay kaming tumugtog. Bigla na lang syang namula. "Sige aalis na ako. Mag ensayo ka na muna. Bye." sabi ko sa kanya sibay alis.
BINABASA MO ANG
High School Life with my Boys
Teen FictionIsang mayaman pero simpleng babae. Ang magugustohan ng apat na guwapo at mayayamang lalaki. Isang playboy, isang music lover, isang matapang at isang makulit. Sino kaya ang forever ng babaeng ito?