Nakahiga ako ngayon sa kama dito sa kuwarto ko habang patuloy na iniisip ang lahat ng nangyari sa'kin.
Ang trahedyang nangyari ngayon sa buhay ko, ang pinakakinatatakutan kong mangyari ay nangyari na.
Napapikit ako kasabay nang pagluha habang isa-isang nanunumbalik sa isipan ko ang lahat ng nangyari. Niyakap ko na lang nang mahigpit ang unan na katabi ko habang patuloy lang sa pag-iyak na parang batang paslit.
Naalala ko rin kung gaano kawasak itong bahay matapos ang naging laban ni Jerome at ng Unholy. Pero sa isang pitik lang ay nabalik ni Jerome sa dating ayos ang lahat ng nasira niya na parang walang nangyari. Matapos no'n ay naglaho na naman siya na parang bula.
Parang isang panaginip ang lahat nang nangyari.
Hindi. Isang bangungot. Sana nga lang isang masamang panaginip na lang ito at magising na 'ko.
Pero hindi. Masakit tanggapin na totoong nangyari ang lahat at kailangan ko itong harapin.
----
Tatlong araw na mula nang ilibing ang mga magulang ko. Narito ako ngayon sa sala namin, nakaupo at tulala pa rin dulot ng trauma sa nangyari sa'kin. Kasama ko rin ngayon ang abogado ng pamilya namin.
"Ms. Aikaterina," pagtawag niya sa'kin. Narinig ko naman siya pero hindi ako kumibo.
"Alam naman natin na ikaw lang ang nag-iisang tagapagmana ng mga magulang mo. Sa'yo lahat mapupunta ang lahat ng assets nila. But unfortunately, you're still not reaching the legal age para mapasaiyo ng tuluyan ang lahat ng ito. You're only sixteen so, kailangan mo ng guardian at temporary na magma-manage ng lahat ng iniwan ng parents mo. So, I called your aunt dahil siya lang ang natitira mong kamag-anak," paliwanag ni attorney.
Pagkatapos ay siya namang dating ng tita ko. Si Tita Gretchen, nag-iisang kapatid ni Dad. Walang imik akong nakatitig sa kanya hanggang sa makaupo siya sa sofa na kaharap ko.
"Hello, Attorney. Hello, Aika," pagbati niya.
"Hello, Ms. Gretchen. Naipaliwanag ko na sa pamangkin mo ang lahat. So, ikaw na ang bahala sa kanya. Nai-explain ko na rin naman sa'yo about everything before. Tawagan niyo lang ako kung may iba pa kayong kailangan. I have to go," sambit ng abogado.
Ilang sandali pagkatapos umalis ni Attorney ay siya namang dating ng pinsan ko. Ang nag-iisang anak ni Tita Gretchen, si Maybel.
"Hello, Mom!" sabay beso niya rito.
"Oh. Hello, Aika," sarkastikong bati niya sa'kin kaya't hindi ko na lang siya pinansin.
Sa totoo lang, kahit kamag-anak ko sila ay hindi ko maramdaman ang simpatya at amor nila sa'kin. Pero ginagalang ko na lang sila alang-alang sa mga magulang ko.
---
"Aika! Aika! Bumangon ka diyan! Tanghali na!"
Napabalikwas ako dahil sa lakas ng sigaw na iyon. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at tumabad kaagad sa'kin ang iritableng mukha ni Maybel.
BINABASA MO ANG
Underworld University: The Mystic Quest
Fantasi[ COMPLETED ] FIRST INSTALLMENT OF UNDERWORLD CHRONICLES & CRUSADE SERIES Si Aika ay kilala bilang isang popular girl sa kanyang school. Mayroon siyang marangya at masayang buhay kasama ang kanyang mga magulang, kaibigan, at kasintahan, kaya't para...