ISANG HANDAAN

6K 40 5
                                    

                     KABANATA I
Gaganapin sa bahay ni Don Santiago delos Santos ang isang pagtitipon at ang buong sambahayan ay handanh-handa na.Inihahandog ng Kapitan ang hapunan para ka Juan Crisostomo Ibarra,isang binatang Pilipino na nag-aral nang pitong taon sa Europa.

Kilala si Don Santiago sa tawag na Kapitan Tiago,isang ranggong hindi militar kundi pulitikal sapagkat siya ang dating alkalde ng kanilang lugar,Nang mga panahong iyon,may reputasyon siya sa pagiging maluho.

Kilalang-kilala ang kanyang tirahan na katulad ng kaniyang bansa,ay hindi nagsasara ng mga pinto,maliban na lamang kung ang iimbatahan ay may kinalaman sa pakikipagkalakalan at anumang ideya na makabago at may kapangahasan.

Ang balita ay kaagad na kumalat na parang koryente elektrika sa bahay-bahay ng mga linta,peste at mapagsamantala na nag-aabang sa malalaking okasyong katulad nito para busugin ang kanilang tiyan,bibig,tenga, at mata.Sila na nilikha rin ng mapagpalang Bathala,ay tila yata dumarami na sa Maynila.

Ang pagtitipon na gaganapin sa gabing iyon ay idaraos sa Calle Anloage.Ang bahay na ito ni Kapitan Tiago ay malaki at kaistilo ng maraming bahay na makikita mo sa buong kapulunan.Nakatayo ito sa harap ng isa sa mga sanga ng Pasig na tinatawag ng marami bilang Ilog ng Binondo,na katulad ng maraming ilog sa Maynila ay nagsisilbi bilang paliguan,labahan,palaisdaan,pahatiran ng transportasyon at komunikasyon at kuhanan din ng inumin ng mga tagasalok na Intsik para sa madaling paglalako ng tubig.

Sa mga dingdind ng ng maluwang na bulwagan ay pinagmamasdan ng ilang panauhin ang mga relihiyosong likhang sining na pinamagatang Purgatoryo,Impyerno,Huling Paghuhukom,Ang Kamatayan ng Makatarungan at Kamatayan ng Makasalanan.Namumukod tangi rin sa mga kwadro and dalawang matandang babae na pinamagatang: Nuestas Senyora de la Paz Y Buen Viaje na patron sa Antipolo, na nag-anyong isang pulubi at dumalaw sa banal at kilalang Kapitana Ines.

Mapapansing ang nasabing kwadro ay eksaherado sa pagiging realistoko.Ang babaeng pasyenteng inilalarawan ay para bang isang tunay na bangkay sa mahabang pagkakaramdam.Kung susuriing mabuti,ang kwadro ay masasabi ng sinumang mapag-analisang panauhin na tama ngang ilagay sa dingding na malapit sa mesang kainan lalo pa nga at iisiping kailangan alam ng naghahanda ang hugis ng katawan ng maraming panauhing nagpipilit na pumasok sa nasabing pagtitipon kahit na nga hindi sila kilala ng mga may-ari ng bahay.

Ang handaang iyon ay dadaluhan ng pinakamataas at mga kilalang tao sa bayan.Di nga naglaon at nangagdatingan na ang mga panauhin na kinabibilangan nina Padre Damaso,Padre Sybila,Ginoong Laruja,maraming mga binata't dalaga.Mahuhulo sa mga pananalita ni Padre Damaso ang mababa niyang pagtingin sa mga Pilipino na tinatawag niyang Indio.Sa kanyang pagtigil daw sa San Diego nang dalamawpung taon nakilala niya ang mga Pilipino na tamad,tanga,puno ng bisyo,walang utang na loob,walang pinag-aralan at magaslaw ang kilos.

"Katulad ng paniniwala ko sa Espiritu Santo.Talagang tamad ang Indio!"
"Hintay muna kayo"ang sabat ng bagong dating habang inilalapat niya ang silya kay Padre Damaso.Interesado ako sa sinabi ninyo.Totoo bang ipinanganak ngang tamad ang mga ang katutubo?Baka naman tama ang sinabi ng isang manlalakbay na tayong mga Kastila na nagbibintang sa katamaran ng iba ay siyang dapat pagsabihang mga tamad na maaaring siyang dahilan kung bakit hindi umunlad-unlad koloniyang nasasakupan ng Espanya!Maaaring ang tinutukoy ng manlalakbay ay ibang kolonya ng Espanya,subalit ang mga tao roon ay kabilang sa lipi ng mga tao rito."
"A,mga inggit!Ipagtanong ninyo kay Ginoong Laruja.Alam din niya ang pasikut-sikot ng Pilipinas.Usisain ninyo kung may hihigit pa sa katangahan at katamaran ng mga Indio"

NOLI ME TANGEREWhere stories live. Discover now