Wheeeeeeeeeeeeeeeey!!! Eto na po ang first chapter ng AHW. I hope magustuhan niyo.
But you know, I need some inspiration today because I just got divorced with my husband.
:'(
***
Chapter 1: Who knows what?
Maricar's POV
"Anoooooo?!? Bakit na naman? Ano na naman ang naging problema mo sa kanya?" tanong ko sa bestfriend kog magaling.
"Huy wag ka ngang OA jan. Hiniwalayan ko siya kasi nagsawa na ako sa kanya! Hello naka-3 weeks na kame noh! Ayoko nang patagalin pa!" umirap pa ang bruha.
"Grabe ka! Kung makapagpalit ka ng lalaki parang nagpapalit ka lang ng underwear mo. Makakarma ka jan. Sige ka" kilala ko na tong babaeng to. Kahit takutin ko pa ng bungga, hindi yan nasisindak.
-_-'
"Maricar, mga boyfriend ko sila, hindi asawa. Kaya magpapalit ako kung kelan ko gusto. Tsaka, they deserved to be fooled dahil ganon din ang ginagawa nila sa ting mga babae. Paiibigin tapos iiwanan din. Gantihan na lang"
Naiintindihan ko naman siya dahil sa nakaraan niyang lovelife. Bwahaha!!! Kaso ayoko magkwento eh. Hehehe. Ayoko nga eh, wag nga kayong mamilit jan. Sabi nang ayoko eh. Ayoko nga. Ayoko talaga huhuhu.
TT_________TT
SIGE NA NGA!
***Flashback
"Maricar, nagtext siya sa ken!!! Magkita daw kami mamaya sa gymnasium!" kinikilig na sabi ni Maribel sa kin, ang beastfriend ko simula nang malipat ako sa section nila ngayong fourth year college ako. Marissa Belline Castillo ang full name niya
At ang binabanggit niya ay si Kelvin George Chua, ang kanyang pang-nth boyfriend.
"Talaga? Hahaha, para kang tanga alam mo ba yun? Kayo na nga eh boyfriend mo na siya kinikilig ka pa! Pssss!" sagot ko naman.
"Wag kang KJ jan kung ayaw mong makalbo. Haha, beastfriend! Nagtext siya sa kin, magkita daw kami! Huhu!" tsaka niya ako sinakal sakal.
Kaya ayaw na ayaw kong kinikilig to eh, kasi mamamatay ako pag ganyan! Hay buhay, parang life lang!
"Ah *uuuuulk!* beastfriend! Ano ka ba? *uuuulk* bitiwan mo nga ako" pagkatapos tumawa pa siya! Hay naku, ang swerte ko sa beastfriend ko na to. She's simply the beast. :-)
"Sige babalitaan na lang kita beast! Haha! Mwah!" and nagbeso beso na kami. Nasa cafeteria ako at naiwan. Haaaaay buhay parang life lang! Nasabi ko na ba?
Si Maribel ang una kong naging friend, bago pa dumami. Siya ang beastfriend ko. Matalino at maganda. Pero walang nagkakagusto sa kanya. Echos! Haha! Joke lang, siyempre madami! Sinong hindi magkakagusto sa isang maganda, mabait, at matalinong mangkukulam na kagaya niya? Di ba? Di ba?
-_-'
DI BAAAA?!?
Yung boyfriend niya naman na si Kelvin ay ang every girl's dream boy. Bukod sa mayaman at gwapo ay mabait at gentleman pa. San ka pa? Bagay na bagay talaga sila.
Hay, bakit ko ba ikinukuwento ang buhay ni Maribel? Let her tell you her story.
Sarili ko ang ikukuwento ko sa inyo, hahaha!
Ako si Marie Carolyn Ilagan, fourth year college student sa EARIST, Business Management major in Banking and Finance. Mabait ako, yun ang sabi ng mama ko, pag tulog sabi naman ng papa ko. Well, you know I ought to believe them kasi parents ko sila. Teehee! (takip ng bibig) XD
Maraming nanliligaw sa kin, totoo yan. Sobrang dami! May first year, second year, at third year pa. Kaso ewan ko ba pero wala akong hilig sa ganyan. Sabi nila, matanda na daw ako para hindi magboyfriend. Wala naman akong planong maging matanda habang buhay. Pero ayoko talaga eh. Maybe this is not the right time.
There is a time for everything, sabi nga.
Whatever yaya, I'm not a loser! Tapos na ko magmeryenda. Kinain ko na din yung meryenda ni Beast. Lumabas ako ng cafeteria at nagtuloy tuloy sa CR. Whooo! Dami ko yatang nainom na juice! BRRRR! KINIKILIG AKO! HAHA! At ano ang akala niyo? May bf lang ang kinikilig? Sus! Pati kaya naiihi!
"SHIT!" nagulat ako sa sumigaw na yun, pagkatapos ay tuloy tuloy na singhot, pagkatapos ay hikbi, pagkatapos ay hagulgol na. Lumabas ako and was shocked to see my beastfriend standing in front of the mirror at umiiyak.
"OH MY GOD BEASTFRIEND!!! What happened???"
>0<
Napanlakihan pa ako ng mata ko dahil nakita kong dumudugo ang kamay niya.
"Maribel! What happened?! Anong nangyari sa yo??"
Hindi niya ko pinansin, but she hugged me at nagpatuloy na umiyak.
"Yuck! Beast! Baka malagyan ng dugo ang blouse ko" sabi ko sa kanya. Wag kayong mainis ha. Ganyan talaga kami eh. Haha! Masyadong close!
"Niloko niya ako beast!! Huhu Maricar! I want to die!" pagsusumbong niya sa kin. Hinagod hagod ko ang buhok niya.
"No beastfriend! Tell me what happened" inayusan ko siya at tinalian ng hanky ang kamay niyang may dugo. Pagkatapos ay tumuloy kami sa rooftop para magkwentuhan.
"Beastfriend, pagdating ko sa gymnasium, may nakita akong babae na kahalikan niya!!! Hinila ko yung buhok ng malanding babaeng yun!!!"
PATAY!!! Sinabunutan niya?? Let me tell you a secret. Don't try to make my beastfriend angry, dahil pag yan nanabunot, she'll make sure na walang matitirang buhok sa ulo ng sasabunutan niya. Huhu! Kakatakot!
"Pero imbes na tulungan niya akong kalbuhin ang babaeng yon, tinulungan niya pang tumayo at nagalit siya sa kin. Bakit ko daw ginawa yun?? Sobrang galit na galit siya na nanggagalaiti. Ngayon lang siya nagalit sa kin ng ganon. Tapos sabi ko sa kanya, kaya mo ba ako pinapunta dito para makita ko kung pano kayo maglaplapan ng babeng yan?!? Tapos sabi niya NO! I-it's not like that. Maribel, look… sabi niya pero hindi ko pinansin at sinigawan ko siya. NO!?! Anong NO!? Eh obvious naman na ganun yun eh. Sabihin mo lang naman kung ayaw mo na sa kin eh. Magsama kayong dalawa! Gumawa kami ng eksena sa gym kanina! Tapos alam mo sumigaw pa yung babae, TALAGA! Aba't tignan mo't magsasama daw talaga sila. Mga halimaw na mga yun!"
Tapos hinga siyang onti…at nagpatuloy.
"At kaya naman dumugo itong kamay ko, may humarang na lalaki sa kin kanina! Sabi niya, WOW! Galeng galeng talaga ni Maribel!!! Idol! Turuan mo naman ako ng mga moves mo sa paghila ng buhok! Yung tono niya parang nang-aasar pa siya beast! Huhu! Kaya sinagot ko siya sabi ko Pwede ba wala ako sa mood manglait ngayon kaya please lang, pakibulsa yang mukha mo! Pero sinundan niya pa din ako kaya sinuntok ko siya sa mukha. Sigurado beastfriend ipapatawag ako mamaya sa office! Huhu! Sinigurado ko kasing hindi makikilala yung pagmumukha nung Tagpe na yun eh!"
What?!? Si Tagpe?!? Ang bulgarang stalker ni Maribel? Si Taggison Peter Mendez? Malaki ngang problema to!
***End of Flashback
Sa ngayon tapos na kami ni Maribel sa pag-aaral, at dahil magkapareho kami ng course, napag-isipan namin na sa iisang boarding house na tumira at sa iisang lugar na din magtrabaho. Kaya bank teller kami sa BDO dito sa Manila.
24 years old na ako at si Maribel naman ay 25. Pero 3 months lang ang tanda niya sa kin. September 14, 1987 ako pinanganak, siya naman ay June 7, 1987.
3 years na kaming bank tellers, kaya naman sobrang kilalang kilala na namin ang isa't isa.
***
Nakabihis na kami at ready to go na sa aming work. May tig-isang car kami ni Maribel. Mine is pink, hers is lavender. Girl na girl noh? Taray!
So we drove off to BDO.
-----------------------------------------------
Hello guys! This is my new story and I just updated it. Sorry po sa mga readers ko ng The Untamed Beauty and The Handsome Beast. Naba-block po kasi ako dun kaya eto muna ang in-update ko. Please vote and comment. Thank you.

BINABASA MO ANG
A Heartless Winter (The Frog Prince and The Foxy Princess)
Short StoryMaricar: Isang kahihiyan para sa akin ang magkaroon ng tagahangang tulad mo! Malnourish ka! Alexander: :'( [ran away] after 10 years... Maricar: O.O what a handsome prince! Alexander: ;) Bumalik ba siya para mahalin muli si Maricar? o para paghigan...