Josefa
Halos nagkukumahog akong nagtungo sa Mental Institution kung san nagpapagaling ang Nanay ko, halos magkandarapa ako sa bilis ng aking takbo papalapit sa front desk.
"Kamusta na ang mama ko? Nasaan sya ngayon? A..ayos na ba sya?" Sunod sunod kong tanong sa babae nasa front desk.
"Josefa?" Malamlam nya akong tinignan at puno ito ng simpatya.
"Ano? Hindi ako nagmadaling pumunta dito para tignan at tawagin lang ang pangalan ko! I need to see my mother! Right now!" Hysterical kong sabi.
"She's not here. Diretso sya sa pinakamalapit at maayos ng ospital para madaluhan ng mga doktor... I'm sorry to tell you Josefa, but your mother's heart grows weaker. Dumating sa poing kanina na nag stop ang heart beat niya for almost a minute, so we decided to bring your mother to the nearest and fully equipped hospital."
Halos hindi ko naman naiintindihan ang mga sinabi nya, ang alam ko ay malala na si Nanay, ngunit paano? Alam kong ang kanyang pagiisip lamang ang naapektuhan ng mawala si Tatay.
"She's at St. Francis International Hospital. Pasensya kana at dito ka pa nagpunta. Biglaan kase, and we couldn't be able to call again for an update. I'm sorry Josefa..." Tinanguan ko na lamang sya at dali-daling lumabas sa intitusyong iyon.
Agad akong pumara ng taxi upang puntahan si Nanay.
Hindi 'to pwedeng mangyari sayo Nanay... Bakit hindi ko napansin na may iba pang masakit sayo? Napakawalang-kwenta ko talaga.
"Sa St. Francis po tayo, at kung pwede pakibilisan po, emergency lang po." Tumango naman ang driver at pinaharurot ang kanyang taxi.
Nakita ko naman ang puro texts nina Auntie. Alam kong nagaalala sila kay Nanay. Paano na ang gagawin ko?
Ilang minuto ang ang nakalipas at patakbo akong pumasok sa ospital, at lumapit sa front desk. "San ang kwarto ni Brianna Jofina Macabebe?"
"She's in the emergency room, room 307 at the 3rd floor ma'am." Dali-dali kong tinungo ang elavator upang mapuntahan si Nanay, emergency room?
Nakarating ako sa palapag nasaan si Nanay, at sinilip ang kwarto kung nasaan siya nakahiga at kita ko din ang iba't-ibang hose na naka-kabit sa parte ng katawan ni Nanay. Nakakapanlumo ang pangitain na 'yon. Nakita ko si Dr. Mendez, at nakita nya din ako kung kaya't lumabas sya sa kwarto ni Nanay upang daluhan ako.
"Dok? K..kamusta s..si Nanay? Okay na b..ba sya? Please, save her!" I beg, siguro nagtataka kayo ba't parang nag iba ang ihip ng hangin, at 'tila ba hindi ako ang Josefa nakilala niyo. Sa mga oras na ito, kailangan kong seryosohin ang bawat segundong lumilipas upang mailigtas si Nanay.
"Josefa, I'm sorry-" Agad ko syang pinigilan sa kanyang pagsasalita.
"Hindi ko kailangan ng sorry niyo! Kailang ko ng eksplinasyon kung bakit andito ngayon si Nanay!" halos paiyak ko ng sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Face Cream ni Josefa. ( #Wattys2017 )
FantasíaAng Unfair ng mundo. Bakit ko na sabe ? Paano ba naman, nakaka-inggit at nakakainis 'yung mga tao, especially 'yung mga babaeng hindi man lamang madapuan ng Pimples, kung magkaroon man ay, isa o dalawa lang. (Pasensiya na bitter lang ng slight!) Hus...