Sonn Jinx's PoV
Nakatingin ako sa salamin, humihinga, nakaupo, dumidilat, pogi pa rin. Hayst. I love myself.
"Mr. Chodwick, tinatawag po kayo ng nanay nyo daw po." ano nanaman ba kailangan non.
"Papasukin niyo." sabi ko sa PA ko, pano ba yan may personal assistant pa ko.
"Jinx.." alam ko kailangan neto.
"Mr. Vespucci, lumabas ka muna." tsaka naman lumabas agad ito.
"Sonn Jinx.." mga mata niyang nagmamakaawa.
"Pera ba kailangan mo? naubos mo na agad yung binigay ko sayo?" diyan naman siya magaling eh, pera lang naman habol niya.
"Anak, alam mo namang nagbago na ko." bago?
"I don't care, don't call me anak because you never treat me as your son! diba nga pinaampon nyo ko?! bakit nga ba kasi hinanap pa kita?!" sigaw ko sa kanya na nagpaiyak sa kanya, nasasaktan din ako.
"J-jinx ginawa ko lang naman yon--"
"GINAWA NYO DAHIL ANO?! GINAWA NYO DAHIL WALA NA KAYONG PERA KAYA BINENTA NYO KO?! ANG TUNAY NA INA HINDI KAILANMAN PAPABAYAAN ANG ANAK! PERO ANG GINAWA MO ANO?! MAS PINILI MO YUNG PERA! ganyan ba kahalaga sa inyo yung pera? mas mahalaga pa sakin? kung mahal mo talaga ako, dati palang gumawa ka ng paraan para mabuhay mo ko, pero hindi, ibang tao yung nagpalaki sakin, sila yung tunay kong magulang." di ko napigilan yung sarili ko kaya naiyak na lang din ako.
"J-jinx patawad, hindi ko alam ang gagawin ko mapatawad mo lang ako."
"Gusto kitang patawarin pero sa tuwing papatawarin na kita, lumalabas lahat ng baho na itinago nyo, ngayon ko lang nga nalaman lahat ng yon eh." halos mapiyok na ko habang nagsasalita. Hindi siya nakapagsalita, lumabas ako at pumunta sa rooftop para magpalamig..sh* t may photoshoot pa pala ako mamaya, hirap maging pogi huhu. May napansin akong babae na nakatayo doon..
"Hmm, nauna ata ako ngayon, o nagkamali lang siya ng hula kung saan ka pupunta." sambit nito sa akin.
"Sino ka?" tanong ko. Bigla nalang ito nawala at napunta sa harap ko.
"Ohhh, amazing naunahan ko siya." potspa ano ba pinagsasabi ng babae na to? baliw ba to, nagulat ako ng bigla nalang niya akong sakalin.
"B-bitawan ko mo ko!" sh*t nacho choke na ko p*ta ang hirap na ding huminga.
Ang bilis ng pangyayari ng bigla itong nawala, at may pula na sobre na biglang lumitaw sa gilid ko. Napahawak ako sa leeg ako, ang sakit, grabe yung maghawak niya.
Binuksan ko naman yung pulang sobre, pusta yung 251521 yon.
Dear Sonn Jinx,
Mr. Chodwick, naunahan man ako ng bruha na yon, mas malakas pa rin ako. Sorry kung nalate ako, sorry kung nasaktan ka nya, ako lang ang may karapatan na saktan ka. :) makakasama mo din yung mga dapat na makakasama mo :) magaling akong pumili :) Madaming beses ko ng sinabi sayo na patawarin mo ang nanay mo hanggang nandito ka pa :( pero hindi ka marunong makinig :( ni minsan ba pinakinggan mo yung iba pang rason ng nanay mo kung bakit ka niya ipinaampon? HINDI, parehas lang kayong walang kwenta. Goodluck Chodwick.
~251521
Tama siya, masyado akong nakain ng galit ko. Kakausapin ko siya. Kaya naman bumalik ako sa office ko, ang akala kong madadatnan ko ay pilit na nakangiting nanay ko pero hindi.
BINABASA MO ANG
Just A Game | BTS AU |
Fanfic"this is a game, you may hurt, you might be hurt." "Don't make human as your world, world is world, human is human." "I don't know what I am." "Hurt me with a truth, but never comfort me with a lie." Katagang nagpasakit sa akin ng lubusan, Kahit ang...