Chapter 3

255 11 0
                                    

Pag-iwas

Maaga akong nakatulog kagabi dahil siguro sa pagod, pagod sa pag-iyak. Tumunog na ang alarm ko at walang gana akong bumangon. Pagkababa ko sa kusina ay naabutan ko si Mico na kumakain.

"Uuwi naba sila mommy mamaya, ate Lusing?"
Halos araw-araw ko nalang ata na tanong 'to. Miss na miss ko na sila.

"Hindi ko alam Ali eh."

Tumango ako at tumabi na kay Mico na ngayon ay patapos na sa pagkain.

"Bakit ang aga mo ata nagising ngayon Mics?"

Hindi nya ako sinagot agad dahil may nginunguya pa sya.
"Anong maaga? Pangatlong tunog na kaya yun ng alarm mo. Buti nga nagising ka pa."

Nagulat ako sa sinabi ni Mico. As.in? Pangatlong tunog na yun? Ganun na ba ako kapagod para hindi marinig ang una't pangalawang alarm? Haysss. Nagsimula na akong kumain, si Mico naman ay pumasok na sa kwarto n'ya para mag handa.

Hindi ko naubos ang kinakain kong kanin dahil wala talaga akong gana, ininom ko nalang ang gatas para hindi ako gutumin mamaya.

Umakyat na rin ako sa taas para ayusin ang sarili. Pagkatapos ko maligo ay humarap na ako sa salamin at inayos na ang aking mukha. Liptint at pulbo lang ang nilalagay ko sa mukha ko. Hindi na rin naman kailangan pa ng foundation at mga pampaputi kasi maputi naman na ako. Salamat kay mama at sa kanya ako nag mana.

Pagkababa ko ay kakababa lang din ni Mico. Nag paalam na kami kay ate Lusing at sabay na pumunta sa sasakyan. Buong byahe ay tahimik lang kami ni Mico akala ko nga hindi na nya ako kakausapin eh. Pero kung hindi nya ako kakausapin ay ayos lang din naman, wala talaga kasi ako sa mood kagabi pa.

"Ate pa'no yan?"

Liningon ko sya at nakita ang seryoso nyang mukha na nakatingin din sa'kin.

"Ano'ng pano yan?"

Suminghap sya na para bang may ayaw na sabihin. May salita na nahihirapan syang banggitin o ayaw nya lang talagang banggitin.

"Ate... ugh.. magkaklase kayo mamaya. Ayos lang yun sayo?"

"Sinong kaklase?"

Ngumiti ako ng nakakaloko nang makitang nakabusangot na ang mukha nya ngayon.

"Hmmm. It's ok Mico, spill it. I don't mind." Dugtong ko sa kanya nang mapagtantong hindi niya na ako sasagutin at galit na mukha nalang ang pinapakita sa'kin.

Ang galit nyang mukha kanina ay napalitan na ngayon ng pag-aalala.

"You and kuya Ivan ate, magkaklase kayo hindi ba? Ayos lang yun sayo?"

"Wala naman akong choice, Mico. Atsaka pa, bakit hindi yun magiging ma-ayos sa'kin? First subject ko lang naman sya kaklase eh, kaya ayos lang yun hehe."

Ngumiti ako sa kanya para siguraduhing ok lang ako. Pero kahit na ngumiti na ako ay may pagdududa pa rin sa mga tingin niya. Kung hindi pa kami dumating sa school siguro hindi pa ako tatantanan ng kapatid ko.

"Hatid na kita sa room nyo, ate."

Tumawa ako sa alok ni Mico. Alam ko namang labag sa kalooban nya ang ihatid ako kasi mali-late sya sa usapan nila ng girlfriend or nililigawan niya.

"Ok lang Mics anuba."

Hinarangan nya ako sa paglalakad at tinitigan ng seryoso. Kung hindi lang alam ng mga tao sa paligid namin na magkapatid kami siguro iisipin na nilang jowa ko 'to si Mico.

"Hahatid na nga kita ate!" Medyo naiinis nyang sabi sa'kin habang hinaharangan pa rin ako sa dinadaanan ko.

"Ses. Kung ihahatid mo ako dahil namomroblema ka sa'kin kasi kaklase ko si Ivan, wag nalang Mics. Pag sinabi kong ayos lang, ayos lang talaga." Ngumiti muna ako sa kanya saka nagpatuloy sa sasabihin. "Tsaka puntahan mo na yung babae mo baka magtampo yun sayo kasi late kana sa usapan nyo. 7:40 na oh, 5 minutes late kana." Biro ko na agad nagpasimangot sa kanya.

Natatawa ko syang nilagpasan at naglakad na. Hindi na rin nya ako pinilit na ihatid pero nakabuntot pa rin sya sa likod ko.

"Ok na Mics. Sige na, ayos na talaga ako. Ayan nalang room namin oh. Pumunta kana sa room mo baka ma-late ka pa."

Tumango lamang sya at umalis na.

Bumuntong hininga ako bago pumasok sa room. Nilibot ko ang paningin at nakahinga ng maluwag nang makitang wala pa si Ivan. Pero naabutan ko ang paninitig sa akin ni Aly. Kumaway ako sa kanya't ngumiti.

"Good morning, Aly!" Nakangiting bati ko nang makalapit ako sa kanya.

Imbes na mag-salita ay tinitigan n'ya lang ako. Nakatulala na siya ngayon habang nakatingin sa akin. Tumikhim ako't kinaway-kaway ang kamay ko sa mukha niya.

"How are you?" Agaran nyang sabi nang natauhan sya.

Ngumiti ulit ako para pilit na ipakita sa kanya na ayos lang ako.
"I'm fine! Anong dahilan para hindi ako maging maayos?"

Tinitigan nya na ako ngayon ng masama kaya nag-iwas ako ng tingin at umupo na sa upuan ko. Pag-kaupo ko ay sya naman ang tumayo ngayon at pumunta sa harapan ko. Ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang baywang na ngayon. Para na tuloy siya yung teacher namin sa Mathematics na laging nakakunot ang noo tapos nakapamaywang pa.

"You sure?" Tanong nya sakin. Hindi pa rin nilulubayan ang aking mga mata. Patuloy pa rin sya sa paninitig kaya wala akong nagawa kundi ang i-iwas ang paningin.

"Of course!"

Napansin ko ang pag-upo nya sa tabi ko, kaya mas lalo kong iniwas ang mukha ko sa kanya. Sakin sya nakaharap ngayon, ako naman ay sa kabilang side.

"You can't fool me, Ali. My gosh I know you're a good actress but you know that I know you very well. Magsinungaling kana sa lahat, wag lang sa'kin. Dahil alam mo na kahit gaano ka kagaling magpanggap, hindi mo ako maloloko." Now she sounds like my mother.

Tumulo na ang kanina ko pang pinipigilang luha. Pasimpleng pinunasan ko yun para hindi nya mahalata pero bago ko pa tuluyang mapunasan ang aking mga mata ay nasa harapan ko na sya.

"Oh, you're eyes can't lie to me, too, Ali."

Hinayaan kong tumulo ang luha ko. Nakita na rin naman ng kaibigan ko kaya bakit ko pa itatago.

"I should be ok." Bulong ko sa sarili. Pero imbes na para sa sarili ko lang yun ay narinig eto ni Aly.

"Yes, you should Ali! C'mon dalawang taon na ang lunipas, ikaw nalang ata ang hindi pa nakaka move-on."

Hindi na ulit nasundan ang usapan namin ni Aly dahil dumating na si prof Adviento. Hindi rin sumipot sa klase si Ivan, siguro absent siya ngayon. Mas ok na siguro yun para hindi na ako mahirapan sa pag-iwas.

Mabilis na natapos ang unang subject namin at kailangan na naming pumunta sa ground dahil pinatawag lahat ng graduating students dahil may sasabihin daw ang principal. Kaming dalawa nalang ni Alyssa ang nasa loob ng room. Kung hindi lang important ang sasabihin ng principal namin ay magpapa-iwan nalang ako dito.

Naglakad na si Aly patungo sa pintuan pero agad ding bumalik at hinarangan ako. Nagtaas ako ng kilay sa kanya. Litong mukha ang ipinakita niya sa'kin. Umiwas na ako at lalagpasan na sana siya pero hinarangan nya ulit ako. Napa-iling ako at umiwas na ulit at handa na syang lagpasan pero gaya nung una ay hinarangan nya ulit ako.

"What the hell is your problem, Aly?"

Wala na siyang nagawa kundi ang tumabi at hinayaan na akong lumabas, nakasunod lang siya sa likod ko.

Pagkalabas ko ay nakita ko si Ivan na papalapit sa'kin. Agad kong nilingon si Aly sa likuran ko at handa nang bumalik sa loob pero may humawak sa kamay ko. Dahan-dahan kong binaba ang tingin sa kamay na nakahawak sa akin. Mula sa kamay hanggang sa kanyang mukha, walang nagbago. Eto pa rin kaya ang lalaking minahal ko dalawang taon na ang nakalipas? Eto pa rin ba ang Ivan na minahal ko? Eto pa rin ba yung mga mata na nagpahulog sakin?

Sa kalagitnaan nang pag-iisip ko ay biglang pumasok sa mga ala-ala ko ang sakit ng nakaraan. Ang dahilan kung bakit kami naghiwalay. Agad kong binawi ang kamay ko sa kamay nya. Umiwas agad ako ng tingin sa kanya't nagmadaling umalis. Hindi ko alam kung sinundan nya ba ako o sinundan ba ako ni Aly basta wala na akong pakealam. Gusto kong umiwas sa kanya! Paano ko ba gagawin yun kung sya na mismo ang lumalapit sa akin?

Tumatakbo na ako patungo sa ground hindi pinapansin ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi na!

Gusto ko lang naman maka move-on, ba't ang hirap?

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon