Sa Palasyo ni jinyoung
"wow! Ang laki naman ng palasyong ito! Hindi ko akalaing dito pala ako mamamasukan bilang katulong" napanganga si nancy dahil sa laki ng palasyo na papasukan niya.
"iha..Ikaw ba yung bagong katulong ni prinsipe jinyoung?" tanong ng isang matandang babae sakanya.
"ah opo ako nga po...Magpapakilala po muna ako sainyo..Ako po si nancy at handa na po ako sa bago kong trabaho!" masayang sabi ni nancy sa matandang babae.
"ah ganun ba..Oh sige halika't ililibot muna kita sa palasyo at ipapakilala kita sa mga magulang ni jinyoung" sabi ng matandang babae sakanya.
Habang naglalakad sila hindi nila namalayan na tinitignan sila ni jinyoung sa terrace ng kwarto niya.
"siya pala ang bago kong katulong.." bulong ni jinyoung habang nakangiti.
"ito pala ang paboritong lugar ni jinyoung..Lagi siyang narito pagmay problema siya o pagmalungkot siya" kwento nung babae sakanya.
"mukhang nakakaginhawa nga po dito kasi maganda at tahimik.." sabi ni nancy at naglakad na ulit sila.
Matapos ang paglilibot ipapakilala na si nancy sa magulang ni jinyoung.
"Kamahalan..Nandito na po ang bagong katulong ni prinsipe jinyoung" sabi nung babae habang nakabow.
Nagulat si nancy ng magsalita yung step mother ni jinyoung "Ako po si nancy jewel mcdonie..Handang paghirapan ang inyong anak na si prinsipe jinyoung para mapagaral ang kapatid ko!" sabi ni nancy habang nakabow.
"Sa tingin ko'y ikaw ay galing sa ibang bansa...Siguraduhin mo lang na gagawin mo yung mga sinabi mo" malamig na sabi ng step mother ni jinyoung.
"masaya ako at ikaw palang ang namasukan bilang katulong ni jinyoung ngayon.." sabi ng ama ni jinyoung habang tumatawa.
"ah..Ganun po ba..Kailangan ko po kasing pagaralin ang bunsong kapatid ko kaya po ako namasukan dito bilang katulong.." sabi ni nancy habang nakangiti.
"oh sige..Ipakilala mo na siya kay jinyoung" utos nung mahal na reyna.
Matapos makaakyat ng mahabang hagdanan nakarating na sila sa kwarto ni jinyoung.
Nagulat sila nung pakakatok palang yung matandang babae ay bumukas na yung pinto.
"nandito na ho..Ang ang iyong bagong katulong..Oh sige maiwan ko muna kayo diyan..Marami pa akong gagawin.." sabi nung babae at bumaba na ng hagdan.
"Ah..Magandang araw po prinsipe jinyoung..Ako po ang bago niyong katulong..Nancy jewel mcdonie at your service po!" masayang sabi ni nancy kaya napangiti rin si jinyoung.
"magandang araw rin sayo nancy...Teka mukhang bata kapa para maging katulong--""kailangan ko kasing mapagaral yung bunsong kapatid ko kaya namasukan ako bilang katulong.." sabi ni nancy.
"ahh ganun ba..Teka ilang taon ka na ba?" tanong ng prinsipe sakanya "17 years old na ako...Kayo po ba mahal na prinsipe.." tanong ni nancy.
"18 na ako..Maayos ba ang pakikitungo sayo ng mga magulang ko sayo?" tanong ni jinyoung na may pagkaconcern.
"maayos naman po..Ngayon na po ba ako magsisimulang magtrabaho?" masayang tanong ni nancy.
"nakita ko nga na handa kang magtrabaho at magsumikap para sa kapatid mo..Wala namang masyadong--" " ah sige po mahal na prinsipe nakita kong medyo makalat sa kwarto mo.." sabi ni nancy habng tinuturo yung kwarto ni jinyoung.
"ah sige puntahan mo nalang ako sa paboritong kong lugar malapit dun sa garden.." sabi ni jinyoung at bumaba na ng hagdan para pumunta sa paborito niyang lugar.
YOU ARE READING
The Maid
Short StoryCornybalism Presents : The Maid ••• Cast : Bae Jinyoung - isang prinsipe na nagkagusto sa isang katulong ng palasyo niya. Nancy Jewel Mcdonie - Katulong sa palasyo ni prinsipe jinyoung Tahimik, at laging nauutusan ng step mother ni jinyoung. ...