Hello guys!:) trip ko lang to. kaya alam kong may manglalait pero okay lang sakin yun. hahaha ;)
My One And Only You ♡
Ako si Karen Soriano Delacruz isang scholar ng St.Paul University. 4th year highschool na ako't hindi kami mayaman kaya naman scholar lang ako pero matalino ako. oha oha :)
Prologue muna. Vote
and Comment pls. Sorry, feeler here huhuhu ;)
Chapter 1
Karen's Pov
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko *tinining...tinining....* inimulat ko ang aking mga mata at "ANO?! 6:30 am na eh 7:00 am ang pasok ko?!" shizz napasigaw talaga ako at dali-faling tumakbo sa cr. mabilis akong nakapagbihis dahil malelate na ako at terror pa naman ang teacher namin. nakasakay na ako ng jeep pagtingin ko sa relo ko 6:50 na. hays! nakarating na ako sa school namin nagmamadali ako mukha akong tanga, nang biglang may nabangga akong lalaki.
"Sorry miss" sabi nung lalaki sabay ngiti
Hindi ko na siya pinansin, pero infairness ang gwapo niya!! hala? ano ba yang pinagsasabi ko. kalimutan niyo na!! pag-pasok ko sa room namin... Wala pa si Mrs.Alvez hay salamat naman sa diyos!! at narinig ko ang bulungan ng mga classmate ko na hindi daw papasok si mam. kaya naisipan kong lumabas ng classroom at magpahangin at nakita ko nanaman yung lalaking nabangga ko kanina papalapit siya sakin, hindi ako nakatingin pero alam kong malapit na siya... ayan na... nagsalita na siya!! hahaha
"Hi, ako nga pala si Klaus Mallari" at ini-offer niya ang kamay niya para makipag shakehands
Hindi naman ako masungit kaya tinanggap ko iyon "Ako si Karen Delacruz"
tumawa siya sabay nagsalita "Wow,pareho pa talaga tayong letter K"
"Ah hehe." nahihiya ako. ang cute kasi niya pag tumatawa. no! hindi pwede bata pa ako.
Chapter 2
Dahil tapos na ang first subject bumalik na ako sa classroom. at andiyan nanaman si Stephie ang dakilang kaaway ko. Oo, kaaway ko siya' dahil inaaway niya ko. Uupo na sana ako ng biglang hinatak niya yung upuan ko. sh*t ang sakit ng balakang ko. huhuhu
"Ano nanaman bang problema mo ha!" sabi ko habang hinihimas ang aking balakang
"Why karen? kasalanan ko bang tatanga tanga ka at nalaglag ka sa upuan hahaha" sabi ni Stephie
Nang biglang pumasok si Mr. Molina ang english teacher namin.
"Guys, what's happening here?" sabi ni Mr.Molina
Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Stephie "Ah,wala naman sir. Pwede ka ng magstart" sabay tingin sakin at inirapan pa ako. tsk! Natapos ang buong klase hanggang 12pm lang kasi kami at Biglang lumapit ang dalawa kong kaibigan na si Nicole at Monique. Mabait sila hindi porket scholar lang ako wala akong kaibigan. Asa naman kayo!! hahaha
"Hi ren. tara alis tayo" sabi ni nicole
"Ah eh, saan naman tayo pupunta?" sabi ko.
"Gala lang. hehehe" sabi ni Monique
dahil wala akong pera hindi ako sasama dahil gagawa pa akong assignments "Ah kayo nalang. kasi..." ako
"Kasi ano? ano ba naman karen. mag-aaral ka nanaman? hay nako" sabi ni monique
"Sumama kana minsan lang eh." sabi ni Nicole
"Hindi iyon, may iniutos pa kasi sakin si mama kaya kailangan kong umuwi agad. sge bye guys! ingat kayo ah.nag-nod nalang sila at umalis nako.
Chapter 3
Pagkauwi ko sa bahay. nag mano ako kay mama at papa.
"Kumain kana anak" sabi ni mama Kaye
"Opo,magbibihis lang ako." ako
Karen's Pov
Kaya Karen ang pangalan ko dahil kinuha ang pangalan ko sa mga magulang ko kay mama yung KA at kay papa naman yung REN. dahil Warren ang pangalan ni papa ang
ganda noh? hehe :) bumaba na ako pagkatapos ko magbihis.
"Oh, anak tara na." sabi ni papa
"Anak, niluto ko ang paborito mong sinigang na baboy." sabi ni mama
"Talaga ma? yehey!!" ang laki ng ngiti ko dahil sa sinabi ni mama
"Oo, kaya kumain na tayo." sabi ni mama sabay ngiti ang ganda talaga ng mama ko
Natapos na kaming kumain at nagligpit ako ng pinagkainan namin. Nang pahintuin ako ni mama "Anak, ako na jan magpahinga kana" sabi ni mama
"Ako na ma. hindi naman ako pagod ma eh. okay lang po" sabi ko
"Umakyat kana anak. ako na bahala dito."
wala na akong nagawa kaya umakyat na ako at gumawa ng mga assignments mabilis ko natapos ang lahat. Ini-open ko ang computer ko. Oo meron akong computer dahil kailangan ko ito hindi naman kami ganoom kahirap. Nag facebook ako at ang daming Friend request at messages tinignan ko ang mga friend request at nakita ko agad ang pangalan ng lalaking gwapo na si "Klaus Mallari" tinignan ko ang mga picture ang gwapo niya talaga. HA?! SINABI KO BA IYON?! psh. pinatay ko na ang computer ko at humiga sa kama ko. di ko namalayang nakatulog na pala ako.
Chapter 4
kinabukasan maaga na akong nagising dahil sabay nag alarm ang alarm clock ang cellphone ko. naligo na ako at kumain gising na sila mama at papa kaya may almusal na nakahain.
"Anak, eto 150 pang dagdag mo" sabi ni papa
"Wag na po pa. ok lang po.Alis na po ako" sabi ko at hinalikan sila sa pisngi
"Osge, mag-ingat ka." sabay nilang sabi at nagitinginan sila sabay tumawa. Ang sweet talaga nila kahit kailan
Chapter 5
Nakarating na ako sa school. nang makarinig ako ng ingay mula sa Court may laban pala ng basketball ngayon yung mga babae sumisigaw at may hawak pa ng banner na nakalagay "GO IDOL KLAUS MALLARI" ha? edi ba siya yung nakabanggaan ko. sikat pala siya.. napatingin ako sa court at saktong pagharap ko napatingin din siya at ngumiti sa akin. kinikilig ako! pakiramdam ko mas mapula pa yung mukha ko ngayon kesa sa ketchup. Natapos na din ang laban,panalo ang team ni klaus. At wala daw klase ngayon! buti naman hahaha pagod na kasi ang utak ko eh. Papunta ako ng canteen at may tumawag sakin alam ko ang boses na iyon hindi ako pwede magkamali......
Hi guys. pabitin kunwari!! huehue follow niyo ko sa twitter @Patrixia_Debby thankyou!!:') ♥