Chapter 8: Graduation Day part.2

70 2 0
                                    



Nathaniel's POV

Tss. Nang makita ko si Minda na umupo sa hagdan malapit sa Gym, ay umalis din ako saglit dahil tinawag ako ni Mamang, lalagyan n'ya ako ng ribon sa aking damit, pero babalikan ko din naman agad si Minda.

"Congrats ulit Niell! Eto na yung pinaka hinihintay mo! 4 years nalang at makakapag tapos kana talaga at makapag ta-trabaho kana! Matutulungan mo na rin ako." masayang bati ni Mamang habang nilalagyan n'ya ako ng ribbon sa bandang dibdib ng aking damit.

"Oo nga po, Mamang. Excited na ako para mamaya. Hooo! Success po!"

"Napawi ang lahat ng pagod ko, Niell. Salamat at 'di mo'ko binigo." 

"Dito na po ako, Mang. Pupuntahan ko pa si Minda kasi iniwan ko s'ya dun sa Hagdan kasi tinawag mo ako. Baka magalit pa sakin 'yon."

"O sya sya! Dumiretso kana kay Minda."

At dumiretso na nga ako kay Minda. Habang papunta ako sa hagdan kung saan doon s'ya umupo, ay sinilip ko agad s'ya. Hindi ko mawari kung bakit galaw s'ya ng galaw at tawa ng tawa.

Mukha s'yang may kausap, hmmm.

Tumingin ako sa kaharap n'ya nang makita ko ang isang lalaki na sa tingin ko ay nakita ko na at nag simula ng mag process ang utak ko.

Psh, sino naman kaya ang asungot na'to? At una sa lahat, hindi naman s'ya ang ipinunta ko dito, kung hindi si Arminda.

"Ahh wala wala. Sige na punta kana dun at baka hinihintay kana ng mga kasamahan mo doon.", rinig kong utos ni Minda doon sa Lalaki.

Natandaan ko kung ano ang mukha nito, subalit ang pangalan ang nakalimutan ko.

"Tagal kitang hinanap ah. S'ya padin ang kausap mo.", seryoso kong pag kakasabi ng makaalis ang Lalaking ito.

"Ahh oo, inimbitahan ng principal natin ang mga honor students kada year ng paaralan nila, at nakita n'ya akong malungkot nang dahil sayo kaya kinomfort n'ya lang naman ako!"

"Ahh nakikita ko."

"Okay."

"Tara." ani ko, na hindi ko malaman laman kung ano ang ikinikilos ko ngayong oras na ito? Ano bang nang yayari sakin? Psh.

"Huy kanina kapa tahimik, anong nang yayari sa'yo?"

"Wala."

"E bakit nga kasi!"

"Wala nga, wag kanang makulit. Okay?"

"Geh."

"Ikaw pa galit.", bakit ba kasi s'ya pa ang nagagalit sakin? Hindi ba kanina ako ang nagagalit sakanya? Aba't bakit ngayo'y nabaliktad naman ata ang mundo? Pambihira.

Muli, bumalik si Minda sa kaklase naming si Yurie. Kilala ko ang babaeng 'to sapagkat isa lang din s'ya sa naging matalik na kaibigan ko sa paaralang ito. Mukha namang mabait si Yurie at mapag kakatiwalaan.

"Mga magulang at mga mag-aaral, nais namin kayong imbitahan na mag sipunta na ngayon sa dulo ng ating Gym upang masimulan ang ating pinaka hinihintay.", Dinig kong pag aanyaya ng MC ng Pagtatapos na'to.

Agad na nag puntahan at nag silabasan ang mga estudyante at mga magulang sa kani- kanilang mga kwarto at nag puntahan sa dulo ng aming Gym.

Partner by Partner ang ginawa sa programang ito, at s'yempre si Arminda ang partner ko. Sa totoo lang, hindi naman s'ya talaga ang magiging partner ko pero pinilit n'ya si Yurie na mag palit sila dahil mag kaibigan nga daw kami. Pero ang totoo, ayaw n'ya lang talagang makatabi si Fort na kaklase namin, dahil sa itinatagong baho nito.

Hindi ko kinibo o kahit ano si Arminda, may kasalanan pa s'ya saakin, at kailangan n'yang pagbayaran iyon. Nag lakad kami sa red carpet at nag lakad sa gitna papunta sa upuan na dapat na kalalagyan namin...

*ten-ten-tenen* *ten-ten-tenen*

Natapos ang kanta at nakapaupo narin ang lahat. Sinimulan ang programa sa pamumuno ng aming MC at kasunod ang Mayor at Bise-Mayor, tinawag narin ang mga estudyante na mag sisipag tapos.

Ilang minuto 'ring natapos ang mga estudyante na mag sisipag tapos at kaming tatanggap ng honor ay ang pang huli.

"Our 5th Honor, Jessicca Lambourge! Congratulations, Miss."

Tayo. Akyat. Kuha diploma. Hawak kamay. Akyat magulang. Saklay medal.

"Our 4th Honor, Arminda Hope Kliollie! Congratulations, Miss."

Tayo. Akyat. Kuha diploma. Hawak kamay. Akyat magulang. Saklay medal.

"Our 3rd Honor, Ornn Henley! Congratulations, Mister."

Tayo. Akyat. Kuha diploma. Hawak kamay. Akyat magulang. Saklay medal.

"Ofcourse our 2nd Honor, Katarina Johnson. Congratulations, Miss."

Tayo. Akyat. Kuha diploma. Hawak kamay. Akyat magulang. Saklay medal.

"And ofcourse, our 1st honor student for the school year of 1988-1992, Nathaniel Lliel Pablo. Congratulations, Mister. Before the program ends, can you please give some inspiration message to those students infront of you?"

"Yes, Maam." pag tatango ko pa sa anyaya n'ya.

Kumuha ako ng extra Mic para makapag simula na, nag punta ako sa harapan upang simulan ang aking pag sasalita. Kinakabahan ako na may halong proud, dahil ang lahat ng tao na nakapaligid saakin ay saakin lang nakatingin mula estudyante, hanggang magulang.

"First of all, I would like to thank my Mama 'coz if she wasn't beside me, maybe I can't do all this things. My dather and my mother got separated when I was a Child, kaya humihingi ako ng kalinga ng isa pang magulang o ng isang tatay, but my Mom gives her best to be my Father-Mother for me, mag rereklamo pa ba 'ko? And of course I also wanted to thank my special someone just because of her, I'm inspired, hindi ko man maamin pero tumatak 'to sa puso ko. And inspiration message? Hey Students, I just wanted to encourage all of you to study hard! Don't let your laziness be with you. And for those who were honor students, congrats! And keep it up. And last but not the least, I would also want to thank, a BIG THANK YOU to all my teachers dahil sa inyo hindi ako mag kakaroon ng ganitong kaalaman. Yun lang, thank you."

Nang matapos ang aking pag sasalita ay bumaba na rin agad ako sa stage at bumalik sa kinauupuan.

"What a beautiful message from our 1st Honor. Hope you'll mark his message for all of you, guys."

>>>

Natapos ang aming Programa ng masaya ang lahat. May umiyak man, pero hindi ito umiiyak dahil sila ay malungkot umiiyak sila dahil sa saya.

"And please, don't forget yung Grad Ball later at 10PM, thankyou." batid pa ng MC ng malakas dahil nagsisiuwian na ang mga estudyante.

>>>

Friends not ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon