Ang kulit.
Naasar at napipikon na ko. Putakte!
Mas binilisan ko ang paglalakad para hindi niya ko maabutan. Hinigpitan ko ang hawak sa mga libro kong nasa bisig ko lamang. Ngunit sadya yatang napakahaba ng biyas ng lalaking ito dahil kahit anong bilis ng hakbang ko ay naabutan niya parin ako.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.
"What do you want?" Naasar nang tanong ko sa kanya.
Pero imbis na sagutin ay nginitian lang ako ng Gago at nagpacute lang sa harap ko.
"Shet." Inuubos ata talaga ng lalaking to ang pasensya ko.
Tinalikuran ko na siya at muling naglakad. Nakakailang hakbang pa lamang ako nang naramdaman kong muli ang presensya niya sa likod ko.
"Ano ba?! Alam mo ba na para ka nang ASO!" Inis na inis nang sigaw ko.
"Aso? Puppy? Why? Dahil cute ako?"
At ayan. Nagpacute na naman siya. Nakakaasar! Bakit ba ganyan siya? Bakit niya ba ko ginugulo? Nilalapitan?! Nabubwisit na ko, AS IN!
"Ano talagang kailangan mo?" Mahinahon nang tanong ko.
"Ikaw."
"Ako?"
Tumango naman siya.
"Bakit ako?"
"Nagugutom na kasi ako. Wala akong makakasabay. Busy lahat ng kaibigan ko. Si Chia naman tuluyan nang inagaw sakin ni Kurk." Nakasimangot na sabi niya.
Chia?
Sounds familiar.
BUT THE HELL I CARE?!
"Wala kang makakasabay? E anong pakialam ko? Anong gusto mong gawin ko? Ipagsigawan ko na wala kang makakasabay o ihahanap kita ng taong---
"Sabayan mo ko."
WHAT?
"Bakit ko naman gagawin yun? As if we're close! Ni hindi nga tayo magkakilala, e."
"You're Shaira, right? Ako si Grey. O ayan! Magkakilala na tayo so pwede na tayong kumain? Gutom na ko, e."
"H-HOY! ANO BA---
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil agad niya na kong hinatak patungo sa cafeteria. Nang dumating kami roon ay marami nang tao. Puno na ang mga tables at wala nang bakante.
Hinila niya ko sa isang table na may dalawang taong nakaupo. Isang babae at isang lalake.
"Grey!" Bungad ng nakaupong babae ng makita siya.
"Hi, Chia! Wala nang bakante, e. Pa-share na lang kami?" Nakangiting sabi ni Grey rito.
Nilingon naman ako nung babae at halatang nagulat siya ng makita ako. Kilala niya kaya ako?
Kasi ako, Kilala ko siya...
Sabi na, e. Parang familiar yung pangalan niya.
She's Chia Vennice Fajardo.
Kilala ko siya pero sa pangalan lang. Madalas kasi siyang banggitin sakin ni--- Nevermind.
Ayoko siyang pag-usapan.