Forgiving someone who has hurt you does not mean we want that person in our life. It's about letting go in order for us not to continue to suffer. It's for us to be able to live our life being happy.__
We need to forgive for us to move on.
But its not easy to forgive.
Just like moving on.
Hayy..
Pabagsak kong hiniga ang pagod kong katawan sa luma kong kama.
Napakahirap maging mahirap tapos namumuhay ka pang mag-isa. Hindi ka pwedeng magpakaprente dahil kailangan mong kumilos para mabuhay ka.
Sa panahon pa naman ngayon, napakahalaga na ng pera.. Mabuti na lamang ay may naiwang pera sakin ang namayapa kong ama.
Pero hindi na sapat iyon, malapit na kasing maubos ang savings na yon kaya kailangan ko na ring kumilos at magtrabaho.
School sa umaga.
Trabaho sa gabi.
Mahirap, pero kailangan.
Tulad ngayon, alas onse na ng gabi ngunit kauuwi ko lang galing sa pinagtatrabuhan kong BAR.
Singer ako dun. Kumakanta ako dahil yun lang naman ang kaya ko.
Tumayo na ko mula sa pagkakahiga at naghanap ng makakain. Binuksan ko ang cabinet na naglalaman ng mga pagkaing iniimbak ko tulad ng mga de lata, instant noodles at marami pang iba.
Ngunit sa pagkadismaya ko ay wala na kong nakitang makakain doon.
Nahampas ko na lamang ang aking ulo ng maalalang nakalimutan ko nga palang mag-grocery para sa linggong ito! Pakshet.
Mabilis kong hinablot ang gray kong blazer na nakapatong lang sa nag-iisa kong sofa. Hawak ang aking wallet ay agad akong lumabas ng bahay, sumakay ng taxi at nagpahatid sa 24/7 convinient store na pinakamalapit lang sa bahay ko.
Nang makarating ako roon ay wala na kong sinayang na oras. Bawat oras ay mahalaga, kailangan ko rin syempre magpahinga. Maaga pa naman ang pasok ko bukas.
Kinuha ko ang pinakamaliit na basket na meron ang store at agad ko itong pinuno ng mga kailangan ko. Papunta na sana ko sa Cashier para sana bayaran ang mga pinamili ko nang may kung sinong bwisit na bumunggo sakin dahilan kung bakit nabitawan ko ang hawak na basket at tumapon ang karamihan sa mga laman nito.
Shet.
"Oh my God! Sorry!" Hinging paumanhin ng babae.
Tinulungan niya kong kunin ang lahat ng nalaglag at mabilis naming ibinalik iyon sa loob ng basket ko.
"Sorry talaga--- Teka? I think I know you."
Sa kauna-unahang pagkakataon ay tinignan ko siya. At kung minamalas nga naman ako..
"Chia! Nahanap mo na? Hindi ko makita yung item na bibilhin mo"
Napalingon ang babaeng nasa harap ko sa kung sinong kasama niya. At doble pa ata ang kamalasan ko ngayong gabi dahil--
"Grey! Nandito siya!" Masiglang sabi ni Chia habang itinuturo ako sa kasama.
"Shaira.."