"Salamat sa pagkain!" Malakas na sigaw ni Grey bago masayang kinain ang cup noodles na binigay ko sa kanya."Pasensya na. Yan lang talaga ang pagkain na mao-offer ko. Alam mo naman na kakagrocery ko lang, diba? At puro instant noodles and can goods lang ang binili ko. Minsan lang kasi ako magluto dito." Nahihiyang sabi ko.
Sa totoo lang ay MINSAN lang talaga ako nakakakain ng NORMAL na pagkain. Normal as in yung lutong bahay talaga. Kundi kasi instant noodles ay mga de lata lang ang kinakain ko. Minsan nga ay bumibili na lang ako ng lutong pagkain sa labas. Bakit pa kasi ako mag-aabalang magluto pa, diba? Kung AKO lang naman kakain mag-isa.
"Okay lang. Masarap naman to, e." Nakangiting sabi niya.
Buti pa si Grey, palaging nakangiti.
Wala ba siyang problema?
Siguro nga, wala.
Kasi kitang kita mo yung saya sa kislap ng mata niya, e.
"Masarap talaga?" Tanong ko at tumango naman siya.
"Kahit ano namang pagkain ang ihain mo. Basta galing sayo, kakainin ko."
"Anong sabi mo?" Tanong ko.
Medyo humina kasi ang boses niya kaya hindi ko na masyadong narinig ang mga huling sinabi niya.
"Wala. Hehe." Natatawa naman niyang sagot sakin.
"Bilisan mo na nga lang kumain jan. Tapos umuwi ka na." Saad ko.
"Uuwi agad? Di mo manlang ako pagpapahingahin?"
"Don ka na sa bahay niyo magpahinga! Hoy, Grey! Alam mo ba kung anong oras na?! Pasado alas dos na! Maaga pa ang pasok ko---
"Oo na. Oo na! Uuwi agad ako. Basta sabay tayong kakain bukas, ah." Putol niya sa sinasabi ko.
"Bakit naman ako sasabay sayo?"
"Dahil gusto ko."
"HOY nakalimutan mo na ba yung sinabi ko sayo? Layuan mo sabi ako! Pinalagpas ko lang yung ngayon kasi may utang na loob ako sayo! Pero hindi pa rin nagbabago ang isip ko. T*ngina! Gusto ko nang kalimutan yung bwisit mong kaibigan, Grey! Pero paano ko gagawin yun kung palagi kang nandyan? Palagi mo kong kinukulit, ginugulo.. At sa bawat pagkakataong ginagawa mo yon mas lalo ko lang siyang naaalala---
"Gusto mo pa ba siya?"
Napatigil ako saglit ng marinig ko ang tanong niya.
Gusto ko pa nga ba siya?
Oo. Hindi. Siguro..
Hayy. Di ko alam. Kung isa ako sa mga contestant ng Miss Universe na nag-ano nung nakaraan lang, at yan ang tanong na ibinigay sa akin.. Paniguradong uuwi akong luhaan. Para sakin.. Yan ang pinaka mahirap na tanong na hindi ko pa kayang sagutin sa ngayon---
"Mahal mo pa ba siya?"
Pakshet. Bakit ba ang seryoso ng mokong na to ngayon? Hindi ako sanay na ganyan siya..
"Bakit ba ganyan yung mga tanong mo?"
"Oo.. O hindi. Just answer my question, Shaira."