Chapter 5

132 10 0
                                    

Gulat rin ang ang nakita kong rumehistro sa mukha ni Grey ng makita niya ko sa ibabaw ng entablado. Hindi niya rin ata inaasahan na makikita ako rito. Ngunit ang gulat na iyon ay bigla ring naglaho. Dahil agad niyang ibinaling ang kanyang tingin sa bartender na si Joseph na parang wala siyang nakitang 'kakilala' pagkatapos ay umorder ng maiinom.

Pero teka.. Umiinom ba siya?

Nasagot ang tanong kong iyon ng makita kong nilagok niya ng straight ang unang alak na ibinigay sa kanya ni Joseph.

Para akong namagnet ng awra niya dahil hindi ko magawang ialis ang atensyon ko sa kanya. At nang mapatingin ako sa ibang taong naririto sa loob ng bar ay halos mamura ko na lang palihim ang aking sarili ng marealize kong nasa kalagitnaan nga pala ako ng trabaho. Nakalimot ako.

Customers are waiting for me to sing.

At wala man sa sarili ay inumpisahan ko nang kalabitin ang aking gitara at sinimulan na ang pagkanta.

(NP: Safe and sound
By: Taylor swift)

I remember tears streaming down your face
When I said, "I'll never let you go."
When all those shadows almost killed your light
I remember you said, "Don't leave me here alone,"
But all that's dead and gone and passed tonight..

Habang kumakanta ako ay huling huli ko ang mga titig niya sakin gamit ang peripheral vission ko. Ayokong subuking tignan o sumulyap sa kanya. Baka kasi kapag ginawa ko yun ay tuluyan na kong mawala sa sarili at hindi na makakanta.

Just close your eyes
The sun is going down
You'll be alright
No one can hurt you now
Come morning light
You and I'll be safe and sound

He looked so serious while staring at me. Punong puno ng emosyon ang kanyang mga mata. Emosyong hindi ko alam at hindi ko maintindihan.

Don't you dare look out your window, darling.
Everything's on fire
The war outside our door keeps raging on
Hold onto this lullaby
Even when the music's gone
Gone

Hindi ko mapigilang mamula at makaramdam ng pagkailang sa atensyong ibinibigay niya. Hindi niya inaalis ang mga titig niya sa akin habang patuloy na itinutangga ang mga alak na inorder niya kay Joseph.

Just close your eyes
The sun is going down
You'll be alright
No one can hurt you now
Come morning light
You and I'll be safe and sound

Ooh, ooh, ooh, ooh
La, la (la, la)
La, la (la, la)
Ooh, ooh, ooh, ooh
La, la (la, la)

Just close your eyes
You'll be alright
Come morning light,
You and I'll be safe and sound...

Ooh, ooh, ooh, ooh, oh, oh

Natapos ang kanta at pinilit ko talagang hindi mapadako ang tingin ko sa gawi niya. Dahil hindi ko alam ang gagawin kung sakaling magtagpo ang tingin naming dalawa. Pero sadya nga yatang may magnet ang mga mata niya dahil kahit anong pilit ko ay di ko nagawang pigilan ang sarili kong tignan siya.

Tipid siyang ngumiti at kinawayan ako. Tumango naman ako sa kanya at umiwas ng tingin.

Ilang kanta pa ang sumunod. May mga requests din galing sa mga customers na pinagbigyan ko naman.

Natapos ang duty ko bandang mga quarter to eleven. Nagbihis na ko at nag-ayos ng aking sarili. Lumabas sa kwartong inookupa ko at handa na sanang umuwi ng may narinig akong nag-uusap.

"Sir, Kailangan niyo na pong umuwi. Magsasara na po kami." 

Kilala ko ang boses na yun. That's Joseph, the bartender.

SAFE AND SOUND [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon