"Hindi kita pinilit na matulog sa bahay ko, okay? Kaya hindi ka pwedeng magreklamo kung jan ka matutulog sa lapag." Paalala ko.Maliit lang kasi ang kama ko. At kung malaki man ay hindi ko rin naman siya patutulugin sa tabi ko no! Baka ma-rape ko pa yan ng wala sa oras---
JOKE. AKO TALAGA ANG MANGRE-RAPE? HAHAHAHA KADIRI.
Nakangiti naman siyang humiga sa mat na nilatag ko. Mukhang hindi naman siya magrereklamo dahil sa nakikita ko sa kanya ay mukhang nag-eenjoy pa nga siya.
"Okay lang. Salamat sa pagpapatuloy kahit ngayong gabi lang." sambit niya.
Yang pilyong ngiting nakapaskil sa labi niya ay nakakadagdag ng nerbyos sa dibdib ko. Ano ba kasing espiritu ang pumasok sa katawan ko at in -offer ko sa kanya tong bahay ko?
Kinakabahan tuloy ako..
"Can I turn off the light? Hindi kasi ako sanay na matulog na bukas ang ilaw." Sabi niya.
Tumango naman ako. Sa totoo lang ay parehas lang naman kami. Bukod sa tinitipid ko lang talaga ang paggamit ng kuryente ay hindi rin talaga ko nakakatulog kapag maliwanag.
Mula sa pagkakahiga ay mabilis siyang tumayo at lumapit sa switch ng ilaw sa kwarto ko. Sumampa na ko sa aking kama at iniayos ang tutulugan ko. Nang makita niyang maayos na ang lahat ay pinatay niya na ang ilaw.
Humiga na ko at base sa liwanag nang buwan na tumatagos sa aking bintana ay naaninagan kong humiga na rin siya.
"Grey.. "
"Hmm?"
"Pasensya ka na kung sa sahig lang ang mao-offer kong tulugan mo, ah? Isa lang kasi ang kwartong meron ako dito sa bahay. Wala akong guest room. At iisa lang ang kama.." Nahihiyang sabi ko.
"Okay nga lang."
"Pwede ka naman sa sofa dun sa labas. Mas malambot yun kaysa sa sahig hindi mananakit ang likod mo." suggestion ko.
"Wag na. Okay na ko dito."
"Pero kasi---
"Kung nag-aalangan ka at iniisip mong baka may gawin akong hindi maganda. Tigilan mo na. Hindi ako ganoon kagago para palitan ng kalokohan ang pagmamagandang loob mo." sambit niya.
"Hindi naman ganoon ang iniisip ko."
Nag-aalala lang naman talaga ako na baka paggising niya bukas ay hindi na siya makatayo dahil sa sakit ng likod na mararamdaman niya. Wala naman akong iniisip na masama tungkol sa kanya.
Seriously, hindi ko alam kung anong meron siya at nagtitiwala ako ng ganito sa kanya.
"Shaira.."
Makalipas ang ilang segundong pananahimik ay narinig kong tinawag niya ang pangalan ko.
"Gising ka pa?" Tanong niya.
"Oo. Bakit?"
"Wala lang.." Narinig ko ang malalim na paghugot ng niya hininga.
Muli binalot ng katahimikan ang buong kwarto at inakala ko pa ngang tulog na siya ngunit narinig kong muli ang boses niya.
"Pwede ba kong magtanong?" Tanong niya.
Um-oo naman ako.
"Kapag ba nagtanim ka ng galit sa isang tao.. Masama ka na?"
"What do you mean?"
"Sabi kasi nila.. Kapag may nanakit sayo.. Patawarin mo. Pero paano kung sa sobrang sakit ay hindi mo kayang mapatawad siya? Kasalanan mo na ba yun?"
Gets ko yung point niya. Di ko lang maexplain. Charrr!
Parang ako lang yan, e. Tsaka si..
Fine. Isali na natin si Chance sa kwento. Sabi nila, makakapagmove on lang daw ako sa kanya kapag pinatawad ko na siya. Pero paano ko gagawin yun kung nararamdaman ko parin yung sakit hanggang ngayon? Siguro naman ay hindi ko na kasalanan kung hindi pa ko handang MAPATAWAD siya, diba?
So, ang sagot ko sa tanong ni Grey ay..
"Hindi. 'Cause for me.. Forgiving is a process. Hindi mo pwedeng sabihin na pinatawad mo na siya pero deep inside ay kinikimkim mo parin yung sakit na ginawa niya.. " Sabi ko.
"Yeah. Tama ka. Mahirap din kasi talaga. Lalo na kung yung kasalanan ginawa nila sakin ay hindi ganon kasimple." sabi niya.
Napabangon naman ako bigla mula sa pagkakahiga at bumaling sa kanya.
"Nila? Sinong nila?" Tanong ko.
"My parents."
"Ahh.."
Gusto ko pa sanang magtanong. Gusto kong malaman ang lahat ng iniisip niya pero hindi ko kaya. Masyado na kasing personal ang nga bagay na yun. Kahit naman ipinanganak akong chismosa ay alam ko pa rin naman ang limitasyon ko.
"I was three years old then. Batang bata at wala pang muwang sa mundo nung una nila kong ibigay sa Lola ko. Si Lola ang nagpalaki at nag-alaga sakin hanggang sa lumaki na ako. Siya ang naging nanay ko. Tapos ang Mommy ko? Wala. Para sakin ay wala silang kwenta. Palagi nilang sinasabi na ginagawa lang naman nila ang lahat ng iyon para sakin pero ang totoo ay para naman talaga yun sa kanila. Palagi silang busy, iniikot ang buong mundo para sa ikayayaman nila. Nag-iisang anak lang nila ko, ni hindi manlang ba nila naisip na kailangan ko rin ng magulang? Kailangan ko rin ng atensyon nila? Mula pagkabata ay yung lang naman ang tanging hangad ko. Atensyon mula sa kanila. Pero hindi nila iyon ibinigay. Tapos ngayon, AKO pa tong walang kwentang anak? Hindi ko lang nasunod ang isang utos nila wala na agad akong kwenta?! Ibang klase!"
Nakarinig ako ng malulutong na tawa mula kay Grey. Ngunit ramdam ko ang lungkot sa likod ng mga tawang iyon.
Hindi agad ako nakapagsalita pagkatapos niyang magkwento. Hindi ko akalain na sa likod ng mga tawa niya. Sa kabila ng pagiging magulo at makulit niya ay may ganito pala siyang problema.
"Alam mo, Grey. Parehas lang naman tayo ng sitwasyon. Alam mo bang nabuhay ako na puro pagkamuhi lang ang nakuha mula sa Ama ko? Ang nasa isip ko noon ay hindi niya ko mahal. Palagi kasing galit at walang araw na hindi niya ko sinigawan. At alam mo yung mas masakit? Nung araw na sinabi niya sakin na sana hindi na lang daw ako nabuhay. Kasi kung ganoon daw ay baka kasama niya pa si Mama. Nung mga oras na yun ay nakaramdam rin ako nang galit sa kanya. Pero normal lang naman yun, diba? Lalo pa't kung ang sakit sakit na. Akala ko nun hindi niya ko MAHAL. Yun lang talaga yung nasa isip ko.. Pero AKALA ko lang pala yun. "
Napatigil ako saglit sa pagsalita ng maramdaman ko ang paglandas ng luha sa aking pisngi. Ganito talaga ko ka-emotional sa tuwing maaalala ko ang pinakamasakit na tagpong iyon sa buhay ko.
Pinunasan ko na ang aking luha at nagpatuloy sa pagkwento.
"Namatay si Papa ng dahil sa sakit niya. Kasabay ng paulit ulit niyang daing sa sakit ay ang pagsabi niya sakin ng mahal kita. Paulit ulit. Sa totoo lang ay hanggang ngayon ay nag-eechoe parin sa pandinig ko ang boses niya. Sobrang saya ko nun. Kasi masarap sa pakiramdam. Pero yung sayang naramdaman ko, e bigla ring naglaho nung iniwan niya ko. Iniwan na ko ni Papa na nag-iisa..
GREY? Nakikinig ka pa ba?"
Naghintay ako ng ilang segundo pero hindi na siya sumagot siguro'y nakatulog na nga siya. Nakakainis. Pagkatapos kong makinig sa kwento niya ay tutulugan lang pala ako?
Ang daya..
Pero ayos na rin..
Kasi feeling ko ay gumaan ang pakiramdam ko. Eto kasi ang unang beses na nailabas ko ang kwentong yun.
Kay Grey ko lang nasabi ang lahat ng iyon kahit hindi ko naman sigurado kung nakinig siya kasi nga diba? Tinulugan niya lang ako.
"Goodnight, Grey." Mahinang bulong ko bago ko niyakap ang hotdog kong unan sa tabi ko.
"Just close your eyes, the sun is going down. You'll be alright, NO ONE CAN HURT YOU NOW. The morning light.. You and I'll be safe and sound..
I'll be your SAFE AND SOUND. Goodnight din, SHAIRA..."