Masakit man ang aking ulo ay pinilit kong bumangon mula sa aking kama.
Umaaga na ngunit hindi ko pa rin nakikita si Haring araw at tanging lamyos lamang ng malamig na hangin ang aking nararamdaman.
Hindi ako masyadong makatulog kagabi. Sino ba namang makakatulog ng maayos kung alam mong may isang lalaki na natutulog lang sa gilid---
Wait?
Nasaan si Grey?
Agad akong napabalikwas at napatayo ng maalala siya. Nang tignan ko siya kung saan siya natulog kagabi ay wala na siya. Nailigpit na rin niya ang mat na kanyang tinulugan at wala nang bakas na naiwan niya.
Baka naman umuwi na..
Dumerecho na ko sa banyo at ginawa ang aking morning rituals. Medyo maaga pa naman kaya hindi pa kailangang magmadali.
Pagkalabas ko sa banyo ay lumabas na rin ako ng kwarto para maghanap ng maaagahan. Ngunit ng pumunta ako sa kusina ay hindi ko inaasahan ang madadatnan ko.
"Good Morning Shaira! Kamusta ang tulog mo?"
Eto, kinulang dahil sayo.
"Okay lang. Bakit nandito ka pa?" Gulat man ay nagawa kong itanong sa kanya.
"Wow. Ayos ng 'GOODMORNING DIN' natin, ah! Hindi mo naman siguro ako pinapauwi agad, diba?"
"Leche."
Literal na masakit na ang ulo ko plus may kasama pa kong sakit sa ulo ay HEADACHE OVERLOAD na ang katumbas nito.
"Kumain ka na nga lang. Ayan, oh! Spaghetti." Tinuro niya ang isang lalagyan na may laman ngang Spag.
Pero san galing to?
"Niluto mo?"
Agad siyang umiling.
"Gusto mo bang masunog ang bahay mo? Hindi ako marunong magluto. Sa aming magkakaibigan, si Kurk, Trevor, and Ethan lang ang marurunong. Si Kein, marunong din. Tamad nga lang. Then si Thirdy naman siya talaga yung MAGALING pagdating sa kusina. Samantala AKO at si CHANCE ay parehong inilalayo sa kusina. Alam mo bang ni minsan ay hindi pa ko nakapunta sa kusina sa condo ng kahit na sino sa kanila? Kahit si Chance ganun din. Sisirain lang daw ni Chance ang mga gamit doon. Tapos ako naman ayaw rin nilang palapitin dahil wala naman daw akong alam sa kusina. Manggugulo lang daw ako dun."
"Dalawang salita lang ginamit ko parang magtanong sayo. Pero buong buhay niyo na atang magkakaibigan ang naikwento mo." Naiinis kong sabi sa kanya.
Tapos pati si Chance, binabanggit pa.
Leche talaga.
"Kulang pa nga yun, e."
Ano daw?
"Kung buong kwento naming magkakaibigan ang ikukwento ko sayo baka kulangin ang isang araw natin.."
"Gago!"
"Hahahaha! Bakit ba ang sungit mo? Ang aga-aga, e sinusungitan mo ko. Meron ka no?"
Agad naman akong namula ng dahil sa tanong niya.
Sira ulo talaga! Dapat pa ba talaga niyang tanungin yun?!
NAKAKAHIYA.
"W-wala!" shet. Ang tanga ko. At talagang sinagot ko naman? "San nga galing tong spag?" Tanong ko uli para maiba ang topic.
"Binili ko lang yan sa labas. Ang galing nga, e ang daming tinda ni Manang! May sopas, may pansit.. May pancakes pa nga, e. Tsaka tong spaghetti. Sa amin ay wala kang makikitang ganito doon."